Chapter 6

36 5 10
                                    

Author's POV 

"After three days, pwede nang makalabas yung lima. Kailangan lang muna nilang mag pahinga at magpa lakas." Sabi ng doktor. Tumango sila at pumasok sa kwarto ng lima.

(A/N: Ganito po yun. Yung lima sama-sama sa iisang kwarto. O diba? Ang laki ng kwarto at kasya ang lima. Haha!)

Si Lian, Moa, Anna, at Rain ang nagbabantay kina Yoongi at Namjoon. Pumapasok ang iba sa kwarto nung dalawa or vice versa. Ang dating maingay at puro tawa ang maririnig sa kanila ay sobrang tahimik at puro hagulgol ngayon.

Erika's POV

Naiiyak. Nagagalit. Yan ang mga nararamdaman ko ngayon. Gusto kong hambalusin yung driver nung bwiset na truck na yun. Gusto ko siyang sagasaan hanggang sa madurog siya. Kaso ayoko siyang pag aksayahan ng oras kaya wag nalang.

Napatayo ako nang gumalaw si Jimin. "Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Gusto mo bang tawagin ko yung doktor para mala--" Hindi ko natapos ang mga tanong ko dahil nagsalita siya kaagad.

"Nasaan si Yoongi Hyung? Si Namjoon Hyung? Nasaan sila??" Kunot noo niyang tanong pabalik. Wow. Ano 'to? Tarantanong? -_-

Umupo muna ako. "Nasa kabilang room, tulog." Tinignan niya naman ako.

"What?"

"Hindi mo man lang ba sasabihin kung ano ng kalagayan nila?"

"Bakit nagtanong ka ba?" Pambabara ko sa kanya na agad kong binawi. Tinignan ako ng masama eh. Hahaha!

"Pfftt. Joke lang, kalma. Ang sabi ng doktor, 'And I'm sorry to say this but, Yoongi and Namjoon, are both in coma. Let's just wait and pray for them. Excuse me.' Ganyan na ganyan ang sinabi niya samin. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa nila sa dalawa pero ang alam ko ay inoperahan sila dahil may bumaon na bubog sa ulo nilang dalawa." Tumigil muna ako.

"Wait. Bakit parang hindi ka sigurado sa ginawa kina Hyung?" Tanong niya.

Paano ko malalaman eh hindi naman ako doktor. At mas lalong wala ako OR. Tsaka hindi ko din maintindihan yung sinasabi ng doktor kaya wala rin.

Parang gago Erika. Binabara mo si Jimin. Hahaha!! Magseryoso ka nga! Puta.

"Wala naman kasi ako dun. Ni kwento lang sakin ni Ely. Sorry." Sabi ko.

Sinagot ko lahat ng tanong niya. Kahit hindi ako sigurado. Hahaha. Joke. Nagising na din ang iba kaya umingay na ng konti. Nag stay na din muna dito yung apat sa kabila, ang tahimik daw kasi. Natahimik lang ang lahat nang nag tanong si Anna.

"P-paano yung concert niyo?" Nawala ang ngiti ng lima. Bahagya siyang siniko ni Lian kaya napayuko naman siya. Walang sumagot sa kanya. 

Iniba ni Shai ang topic kaya nag-ingay nanaman kami.

*after that week*

Yoongi's POV

"Huhuhu!! Babe, gising ka na. Alam kong mahilig kang matulog pero ang tagal mong gumising. Huhuhu. Gising na babe. May concert pa kayo. Malulungkot ang mga ARMYs kapag nalaman nila. Pero mas nalulungkot kami, kasi hindi kami makakapunta sa concert niyo dito kahit pagpalain kami ng diyos at bigyan kami ng ticket ay hindi parin kami makakapunta. Araw ng exam namin yun para makapasok kami sa SOPA tapos kinabukasan naman mag-eexam kami para sa course na kukunin namin kaya hindi kami makakapunta both days. Saklap diba? Huhu. Nakausap ko na nga pala si CEO. Pupunta daw dito ang manager niyo next week para tignan ang kalagayan niyo. Napaisip nga ako eh. Paano niya kaya makikita ang kalagayan niyo? Eh hindi naman nakikita yun. Hahahaha!! Joke lang. Ayun nga. Susunduin nina Xeena. Gising ka na po. Huhuhu. Isang linggo na kayong tulog. Gising ka na ah? Nga pala, gising na ang lima. Kayo dalawa nalang ni Namjoon ang tulog. *singhot* G-gising ka n-na ah? I love you..."

"Hi Hyung! Ako Taehyung. Heehee. Kamusta ka hyung? Tagal mong gumising ah? Na lampasan mo na ang pinaka mahabang oras ng tulog mo. 23 hours ba yun? o 22 hours? Straight. Ngayon.... Isang buwan ka ng tulog. Miss na kita, Hyung! Huhuhuhu!! Wala ng sumasaway samin. Gising ka na, Hyung! Mahal Kita. Yieh!"

"Min Yoongi--este Yoongi Hyung. Gising na. Umaga na. Nandyan na si Sinag. Hahahahaha! Amishyu, Hyung! Huhuhuhu!! Wag mo kaming iiwan, hindi namin kakaya--*pok* Aray naman, Jin Hyung! Mashaket ah! Huhuhuhu! Hyuuuunggg!! Binatukan ako ni Jin Hyung! Waaahhh!! Masakit. 'Em hurteu! Gising ka na ah? Huhu. Miss ka na namin. Labyu!"

Namjoon's POV

"Babe, gising na. Dalawang buwan na kayong tulog ni Suga. Magiging Mrs. Kim pa ako. Hehe. Ang gwapo mo pala pag sobrang lapit. Panira lang talaga yung mga sugat at benda mo sa ulo. Namimiss ka na namin. Lalo na ako! Kaiyak. Labyu, babe.Gising ka na."

"Namjoon bebe ko! Gumising na kayo. Miss na miss na kita, alam mo ba yun?! Paano na ang NamJin kung wala naman ang partner ko?! Gago yung driver eh, hindi nag-iingat ayan tuloy ang nangyari sa inyo. Antanga kasi. Halos hambalusin ng Gg Squad yung driver eh. Lalo na si Erika! Ay pak. Ang lutong ng mura niya dun sa driver. Gising ka na ah? Miss na talaga kita. I love you Bebe Namjoon! Jug jug ah ah. Charot."

*after 3 months*

Author's POV (again haha)

Puro pagkaka-usap lang sa dalawa ang ginagawa ng Gago Squad. Pagkarating galing skwela magbibihis lang sila at pupunta kaagad sa ospital na pagmamay-ari ng parents ni Marie. Todo naman sa pag-aasikaso ang personal doctor at nurse nung dalawa.

Dumating na din ang Manager nila gaya nung kwento ni Moa kay Yoongi. Habang ang anim naman ay kulitan dito, harutan doon. Kinakausap din nila sina Namjoon at Yoongi.

"Mag fo-four months na silang tulog..." Tumahimik ang kaninang maingay na paligid. Napatingin silang lahat kay Anna na naka-upo sa tabi ng kama ni Namjoon.

"Magigising din sila, Anna." Ani Lian, hinagod hagod niya ang likod nito at nagsimula ng pumatak ang luha niya.

"Pero kelan?! Kapag paalis na tayo?! Pucha naman oh.." Natigilan ang lahat sa sinabi niya.

"Kumal--" Hindi natuloy ni Shan ang sasabihin niya ng biglang sumigaw si Marie.

"HOLY SHIT GUMALAW NA YUNG DALIRI NI YOONGI!" Agad silang napatayo at pumaligid sa kama ni Yoongi at ang Manager naman nila ang tumawag sa personal doctor and nurse nila.

Moa's POV

Agad na pumasok sina Doc Chua at Nurse Perry. Gumilid kami para may space sila at kung ano-anong ginawa nila kay Yoongi.

"Isa itong himala, kadalasan kasi ay matagal. Maari siyanv magising in any minute or hour. Ipagpatuloy niyo lang ang pagkausap sa kanila. Just call me when the patient wakes up. Excuse me." (A/N: Kung ano lang po ang nilagay ko dyan. Hindi ko alam kung tama, sorry. Correct me nalang. HAHAHAHAHA)

Lumabas sila kasama ang Manager ng BTS. Nakahinga naman kami ng maluwag at umupo sa very long sofa ng kwarto nila.

Haayy salamat naman... Kelan kaya magigising si Namjoon?

****

A/N: Eyy!! Otor here. HAHAHAHAHA Sana nagustuhan niyo :)

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon