Chapter 12

36 5 18
                                    

Rain's POV

"At napansin ko rin na Madame ang tawag nila kay Moa." Namjoon.

*ting!* (elevator sound)

Pagkabukas ng elevator ay mabilis na lumabas si Moa. Alam kong narinig niya kami pero wala man lang siyang sinabi o reaksyon. Pakiramdam ko talaga may tinatago sila. Kinuha ni Jungkook ang card kay Namjoon at sumunod kay Moa.

Lumabas din kami ng elevator at nag stay muna sa isang gilid. Litong lito na kami sa nangyayari. Kung noong una ay pakiramdam palang namin ay sasabog na ang ulo namin ngayon hindi na. Sasabog na talaga.

"Guys, litong lito na si ako." Ani Ely.

"Hindi na kaya ng beauty ko." Ani Erika.

"Putangina. Never ko pang naramdaman ito. Yung gusto mong alamin lahat pero hindi mo magawa kasi hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. Taenang yan." Ani Shai.

Natahimik kami. Nakakabinging katahimikan. Katahimikan na ayaw na ayaw namin dahil hindi kami sanay.

"Eh kung pag sama samahin natin ang nalalaman at nahahalata natin? Malay natin malaman natin ang sagot. Curiosity is killing me." Suhestiyon ni Seokjin. Tinignan namin siya at napa-isip.

"Palagi na silang umaalis na dati naman hindi. Aalis man sila ngunit kasama kami."

"Palaging may kausap sa cellphone. Minsan natutuwa minsan nama'y nagagalit sila sa kausap nila."

"Lady Xee ang tawag kay Xeena. Kay Moa naman, Madame."

"Ang sabi sa amin ni Manager at ng doktor bayad na lahat ng hospital bills namin. Gusto talaga namin kayong tanungin kaso hindi namin alam kung paano."

"Wha--" Hindi naituloy ni Marie ang sasabihin nang may nag salita.

"Oh? Nandyan pa kayo? Mag bihis na kayo! Marami pa tayong gagawin! Yieie! Excited na ako." Na-eexcite na sabi ni Moa. Napatalon kami nang makita namin siya. Wala na kaming nagawa kundi ang pumunta sa kwarto namin.

May suot siyang malaking white t-shirt, hanggang gitna ng hita niya. Naka black siya na two piece. Naka bun ang buhok niya at may shades din. Sexy talaga nito... Witwew. Hahaha!

Si Marie at Anna nalang ang hinihintay namin nang may kumatok. Lumapit ako at binuksan. Napatitig kami kay Xeena na naka white two piece at black na see through. Hinayaan niyang nakalugay ang medyo wavy niyang buhok. Tangina.. Ang sexy ng mga kasama ko! Nahiya ang katawan ko.

"Witwew!" Ani Shan at Ely.

"Sexy! Penge digits." Ani Kath at humalakhak.

Umiling-iling lang si Xeena habang may ngisi sa mukha. Umupo siya at nakipag kwentuhan sa amin. Maya maya, lumabas na din ang dalawa. Pag labas namin ay biglang bumukas ang katapat naming kwarto.

Shet. Grabe. Ang gagwapo naman ng mga ito!

"Naks. Sexy ah?" Ani Namjoon. Tumawa kami. "Nice joke. Ang funny mo." Ani Kath, tumawa kaming lahat. Sabay sabay na kaming pumunta sa beach side.

*beach side*

Pagkarating na pagkarating namin doon ay hinubad namin ang t-shirt, beach dress, etc. namin at tsinelas namin at iniwan kila Yoongi at Namjoon na nasa ilalim ng puno. Susunod daw sila mamayang onti.

"Pictureeee!" Sigaw naming lahat. Nilabas ni Ysa ang camera niya.

"One. Two. Three. Smile!"

"Smile!"

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon