Chapter 63

23 1 0
                                    

Moa's POV


Umaga na ako umuwi. Sa airlines ako natulog. Inasikaso ko pa yung mga sasakyan ni Alex. Pinasunod ko na kaagad.

Naabutan ko silang pakain palang ng umagahan kaya sumabay na ako. Umupo ako sa gitna kung saan umuupo si Alex. Hindi ko tinignan si Taehyung. Maski sulyap ay hindi ko ginawa. Baka mabato ko lang sa kanya itong tinidor.

Tahimik lang ang lahat hanggang sa matapos kami sa pag kain. Tumambay kami sa sala gaya ng nakasanayan.

"Kim Taehyung, napansin ko lang. Ang dikit mo masyado kay Kath. Baka magselos si Xeena niyan." pambabasag ni Jin sa katahimikan.

"Wala naman siya eh," napanganga ang boys at yung ibang squad sa sinagot ni Taehyung. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili. "Tsaka, na realize ko lang na mas gusto ko pala si Kath."

NICE!!

"Aba putangina. Hindi porket sikat ka, makukuha mo lahat ng gusto mo. Nakasakit ka ng tao, Kim Taehyung. Nasaktan mo yung kaibigan ko. Sana nilinaw mo muna yung feelings mo. Pa ban kita sa buong Pilipinas eh. Kaibigan ko 'yon, idol lang kita. Idol ka lang namin. Don't expect me na I will be okay with you. Kalimutan mo nang magkaibigan tayo. Pakyu ka." kalma lang si Erika pero may diin ang bawat salitang binibitawan niya.

"Tangina, naririnig mo ba yung sarili mo? Na realize MO na mas gusto mo PALA si Kath? Eh tarantado ka pala talaga eh! Ano yun? After niyong mag sex biglang ganito? Fuck boy ka ba? Ha?! Paano si Xeena? Wala na?? Ganon? Binigay niya sayo lahat! Lahat, pati virginity niya! Tangina, tapos ganito? Binasura mo nalang basta basta lahat ng pinagsamahan niyo? Ang galing mo, Kim Taehyung. Sobrang galing mo," ani Ely, alam kong gusto na niyang sugurin itong gunggong na 'to pero nanatili parin siya sa puwesto niya, kinakalma ang sarili. "Ibasura mo na rin ang pagkakaibigan natin tutal dyan ka naman magaling. Gago ka." dagdag niya.

"Hindi ikaw yung Taehyung na nakilala ko. Hindi ganyan yung kaibigan at kapatid ko. Dadamayan kita sa lahat ng bagay maliban dito." Jimin.

"Hindi ako makapaniwala. Diba takot kang mawala si Xeena? Anong nangyari? Napansin ko na 'yan pagkatapos ng concert, hindi lang ako nagsalita. Ang lamig mo kay Xeena. Halos hindi mo siya kausapin. Kulang nalang, sipain mo siya palayo sayo." Yoongi.

"Hindi ko sukat akalain na nagawa mong bitawan nang ganon ganon lang si Xeena. Hindi ka man lang nahiya at sa mismong harap pa ng kapatid niya. Hindi ko siya pipigilan kapag napuno siya sayo at bugbugin ka nalang niyang bigla. Anong nangyari sa mga sinabi at pinangako mo noon? Kinain mo na lahat. Masarap ba?" Namjoon.

"Akala ko nung una, nagbibiro ka lang. Hinihintay kong bawiin mo pero wala. Sana pinaalam mo sa kanya ng mas maaga, hindi yung nanlamig kang bigla sa kanya pagkatapos ng nangyari sa inyo. Masakit 'yon sa part niya. Sana naisip mo. Sinusubukan kitang intindihin at sigurado akong ganon din yung iba pero sorry. Hindi ko magawa. Hindi pa siguro sa ngayon." Jin.

"Hyung, sabi mo sa akin hindi mo kayang iwan si Xeena. Iniisip mo palang, nasasaktan ka na. Sabi mo, hindi mo siya iiwan gaya ng ginawa ni Yugyeom. Mamahalin mo siya hanggang sa dulo ng hininga mo. Anong nangyari? Peke lang lahat 'yon? Parang walang nangyari sa inyo at hindi kayo umabot ng dalawang taon." Jungkook.

"Paano kung nabuntis mo pala si Xeena? Sinong tatayong ama sa anak niyo? Oo, lasing ka nga pero alam mong may nangyari sa inyo. Hindi na ako magugulat pag tinanggalan ka ng karapatan ni Xeena sa anak niyo kung sakaling nabuntis mo siya. Panindigan mo 'yang desisyon mo na 'yan at sana maging masaya ka dyan." Hoseok.

Kahit magbago ang isip ni Taehyung, wala na rin siguro siyang babalikan. Pag sinabi ni Xeena na tapos na, wala na talaga. Hindi uso ang second chance sa amin. Swerte lang talaga si Anna.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon