Chapter 50

34 2 0
                                    

Jannah's POV


Nakarating na kami sa bahay ni Goddess at nakita agad namin sila na masayang masaya sa pag swimming.

Sa totoo lang, ngayon lang kami inutusan na sumama nina Max, Henry, William, at Dylan kay Jayce para bantayan sila at na memorize ko din naman kaagad ang mga mukha at pangalan nila.

Nandito rin pala ang grupo ng kapatid ni Goddess. Sina El Diablo, Tiger, Python, Trevor, Onyx, Spade, Ace, Dragon, Blade, Thunder, Jethro, Predator, Medusa, Phoenix, Karma, at Axe.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Dylan.

"Pinadala kami ni Supremo." sagot ni El Diablo.

Hindi na sumagot si Dylan at tumango nalang. Biglang lumabas ang ex ni Supremo. Nanlaki ang mata niya nung makita niya kami. Para bang nakakita ng multo. O.A. Tss.

"Sino kayo? Bakit kayo nandito? Anong kailangan niyo??" tanong niya sa amin. Matapang ang tono ng boses niya. Para bang kaya niya kaming ubusin lahat dito.

"Papasok ka ba?" tanong din ni Jayce.

"Oo. Paano mo nalaman? And wait! Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko!" hindi na sumagot pa ulit si Jayce at dinala ang ex ni Supremo sa harap ng pinto ni Goddess. Iniscan ang mata niya at nagbukas naman ito.

Nagulat ang ex ni Supremo pero pumasok na din kaagad.

Bumalik si Jayce sa tabi ni William at nagsindi ng sigarilyo.

Pina register ni Goddess ang mata ni Jayce para kung sakali daw na may mangyaring masama sa kanila sa loob mabilis siyang makakapasok. Grabe ang tiwala ni Goddess kay Jayce. At yung pagiging close nila ni Goddess, parang matagal na silang magkakilala.

Nagtago kami kaagad sa dilim dahil biglang sumilip si Shai. Ang kabilin bilinan ni Goddess ay wag daw kaming magpapakita sa isa sa kanila.

Sumilip na silang lahat kaya mas lalo kaming nagtago. Malilintikan kami kay Goddess pag sumabit kami. Tsk.

"Hoy, Jannah," tawag ni Henry sa gilid ko.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Ang gwapo ko." parang nagpintig ang tenga ko at gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit hanggang sa mahugot ko yung bituka niya at ihawin para gawing isaw. Bwisit.

-_-

"You really want to die, don't you?" urat na urat kong tanong sa kanya at ni ready ang katana ko. Papatayin ko na talaga 'tong ipakto na 'to pag hindi pa siya tumahimik.

"Ah. Eh.. Joke lang eh. Peace tayo. Hehe." bigla niyang bawi at umalis sa tabi ko. Yan! Tama yan! Umalis ka bago pa kita mapatay! Leche.

"Tss."





Kath's POV


Napansin naming nawala bigla si Angelo.

"Saan na ba nagpunta yun?? Tsk." Lian.

"Pati ba naman si Angelo, maglalaho na rin ng parang bula?" hugot bigla ni Shan. Hugot pa Shan! Babarahin ka niyan ni Erika. Hahaha!

"Babe, gusto mo bang lunurin kita? Tumahimik ka dyan." Erika.

"Hahahaha!!" Kami.

Lumapit si Shai sa may harang para tignan kung nasa baba ba si Angelo. Siyempre, tsismoso at tsismosa kami kaya pati kami ay nakisilip pero wala kaming nakita.

"Wala naman eh.." V.

"Hintayin nalang natin siya dun sa pool. Baka may iba pa tayong makita di--" hindi pa natatapos ni Jin ang sinasabi ay nagsi takbuhan na kaming lahat sa pool. Hahaha!

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon