Chapter 44

27 3 0
                                    

Yoongi's POV


Lakas talaga ng hatak ni V kaso nakatali na siya ng mahigpit kay Xeena. Ayaw nila lalo na si Xeena na pinapakialaman ang kanila. Merong nabanggit sakin ni Moa na linya na medyo ikinatayo ng balahibo ko. Sobrang seryoso niya kasi at may hawak pa siyang baril nung sinabi niya yon.

"Kung ano ang akin, akin lang. Bawal pakialaman. Isang maling galaw mo lang, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

"Hyung, anong mukha yan? Okay ka lang ba?" napatingin ako kay Hoseok. Kumunot ang noo ko.

"Huh? Alin? Oo naman." sagot ko.

"Kanina ka pa kaya nakatulala. Tignan mo oh, sa sobrang tulala mo hindi mo na alam kung sino na ang kasayaw ni Queen."

Queen....

"Si Angelo kaya. Diba?" tumingin ako sa harap at nakita kong pabalik na sa table namin si Troye at si Shawn naman ang pumunta sa harap.

Matagal ba akong nakatulala??? Parang hindi naman??

"Ano bang iniisip mo, hyung?"

"Wala naman. Naano lang siguro ako."

Nang matapos si Shawn ay sumunod naman si Hoseok kasabay ng paglapit niya ang pag-ingay sa mesa namin at pagpalit ng kanta. Nakangiti lang si Moa sa kanya.

"AYIEIEIEIIE!!!"

"AYAN NA PALAPIT NA! HAHAHAHA!!"

Pag hawak ni Hoseok kay Moa ay mas lalong naging maingay ang mesa namin. Namumulang tumingin ng masama si Hoseok sa bangtan. Boses nila ang nangingibabaw eh. Puro pang-aasar.

Minsan nga nagtataka na kami. Bakit kaya parang walang napapansin si Moa. Wala siyang nirereact or tinatanong eh sobrang halata kung mang-asar sila.

"Kuya, boyfriend ba ni Madame yung kasayaw niya ngayon?" tanong nanaman nung babae kanina. Ang dami namang tanong nito. Tss. Hindi nalang manahimik.

"I think, no. Hindi ako sigurado ah? Hindi naman kasi siya yung escort eh. Why?"

"Nothing. Infairness kuya. Bagay sila. Haha!"

Tss.

Bagay mo 'to.

Bakit nga ba ako nakikinig sa usapan nila? Tsk.

Pag-alis ni Hoseok ay agad na akong nag lakad palapit kay Moa at binigay ang pulang bulaklak na hawak ko. Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at yung isa naman ay nasa kamay ko. Nag simula na kaming sumayaw. Namumula ang mukha niya. Huminga pa siya ng malalim bago tumingin sakin habang nakangiti. Okay na sana eh kaso biglang nawala ang ngiti niya.

Hindi na rin siya sakin nakatingin. Nasa likod ko na ang atensyon niya at parang ang sama pa ng tingin niya sa likod. Ano bang meron sa likod? Tsk.

"Sakin ka lang tumingin, Stewart."

"Sorry." napakurap ako nang tignan niya ako sa mata. Nakaka-ilang naman 'to tumingin. Ano ba yan.

"Anong meron?"

"May nakita lang akong hindi ko gusto."

"Ano naman yun?"

"Jayce, Jannah. Paalisin niyo yang babaeng yan. Ngayon na." ma-awtoridad na sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Babae??? Sino??? Bakit papaalisin??? At sino naman si Jayce at Jannah???????

Napansin kong may transparent na in-ear na nakasalpak sa kanang tenga niya. Kaya naman pala. Pero sino nga yung babaeng papaalisin????

"Sino yun?"

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon