Chapter 19

44 2 1
                                    

Taehyung's POV


Nagising ako sa galaw ni Jungkook sa tabi ko. Dapat siya ang mag-isa sa kama kaso sabi ko tatabihan ko siya. Ayaw naman akong katabi ni Jimin kaya siya ang walang katabi.

Tumayo ako at kinuha ang twalya. Pumasok ako ng banyo at mabilis na naligo. Ano kayang ginagawa ni Xeena? Busy kaya siya? Puntahan ko kaya siya sa kwarto niya? Ay wag. Nakakahiya.

Pagkatapos kong mag bihis ay kinuha ko ang phone ko at lumabas. Nasa second floor ang kwarto nilang tatlo pati na rin ang master's bedroom.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Feel at home daw eh. Haha! Muntik ko ng maibuga ang laman ng bibig ko sa sobrang gulat nang may nag salita sa likod ko. Ano ba yan! Papatayin ata ako nito.

"Kuya V?" Nilingon ko si Angelo habang nakahawak sa dibdib ko. Nag peace sign siya at ngumiti. Waahh! Kamukha niya sina Xeena pag ngumingiti siya!

"Sorry kung nagulat kita. Halika, itu-tour kita sa bahay namin." Bago pa ako makapag salita ay hinatak niya na ako palabas ng kitchen at nakasalubong naman namin si Hoseok hyung. Niyaya siya ni Angelo at sumama naman ito.

Dinala niya kami sa living room. Ang laki nga eh. Pwedeng mag habulan kaso ayoko baka makabasag kami at magalit pa si Xeena. At mas lalong ayoko.

Merong malaking frame at nandun ang family picture nila. Kamukhang kamukha ni Xeena ang tatay nila. Nakuha ni Angelo ang masungit na mukha ng tatay niya. Halatang strikto ito at isang maling galaw mo ay papagalitan ka na niya. Ang nanay naman nila ay mukha ding mataray pero mala anghel ang mukha. Ang cute ng magkapatid dito lalo na si Angelo. To-- Uhmm... Ano ulit yun? Yung other term para sa bata. Diba sa mga babae nene, ano ulit yung sa lalaki? Putotoy? Patotoy? Ano ulit yun? Ay ewan. Nakalimutan ko na. Bwisit.

"Ang cute mo dito, Angelo. Haha. Putotoy ka pa dito. Hehe." Sabi ko. Kunot noo silang tumingin sakin. Nakatanggap ako ng batok mula kay Hoseok hyung.

"Aray naman!" Ako.

"Engot! Anong putotoy?! Kadiri ka!" J-hope hyung.

"Ano nanaman?? Eh yun naman talaga yung tawag diba? Anong kadiri dun?" Ako.

"Sabog! Totoy kasi yun, hindi putotoy! Ang baboy mo. Ginawa mong 'tuttut' si Angelo!" Hoseok hyung. Ayun! Tangina, putotoy. Hahahahaha!

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Natawa nalang din si Angelo at nailing. Nag-iwas nalang ako ng tingin at binalingan ang mga trophys, medals, at certificates na naka sabit sa pader at nakapaligid sa family picture nila. Halos lahat gold at pantay lang silang tatlo ng dami ng mga awards.

Sa mga picture naman kami. Kinuhaan ko ng picture ang mga baby pictures ni Xeena. Ang cute niya kaya! Yung pisngi niya, ang sarap kurutin. Haha! Ganun din ang ginawa ni hyung. Merong isang picture sa dulo na nakakuha ng atensyon ko. Lalapitan ko na sana nang hatakin na ako ni Angelo sa harap ng isang pinto na may initials ni Xeena. May kaharap ding pinto si hyung at initials din ni Moa.

May pagka-epal din pala si Angelo. May titignan ako tapos bigla akong hahatakin. Tsk.

"Pumasok kayo. Para sa inyo yan." Sabi sa amin ni Angelo. At dahil masunurin kami ay binuksan nga namin at nanlaki ang mata ko nang bumukas ang ilaw ng isang di gaanong kalaking kwarto.

Posters, albums, standees, at banners namin. Oo, namin. Pero mas maraming ako. Nakaayos sila. Ang albums namin ay naka-ayos mula 2013 hanggang ngayon. Ang mga pictures namin ay naka frame. Lalo na yung mga group pictures namin. May nakita akong maliit box na nakalapag sa isang gilid.

"Go. Puntahan mo yung kahon na yun. Para sayo yun." Sabi ni Angelo sa likod ko. Tumango ako at mabilis na kinuha ko kaagad ang kahon. May nakalagay na Kim Taehyung sa ibabaw. Binuksan ko ito at puro letters ang laman.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon