Chapter 61

32 2 0
                                    

Erika's POV


Kararating lang namin dito sa condo. Ang iba sa amin ay umuwi saglit sa family nila pero babalik din naman dito makaraan ang ilang araw. Ang magkapatid ay umuwi din sa bahay nila at may aasikasuhin pa daw sila. Kaya kami nina Shan, Ely, Rain, at Marie ang natira.

Hindi naman ako makasunod kila Mama sa New York dahil hindi pa sapat ang perang naiipon ko. Gusto ko kasi silang sorpresahin kaya nga mag-aapply na din ako sa mga airlines dito para madagdagan ang ipon ko. Ayokong humingi ng tulong kay Moa dahil panigurado mataas na posisyon ang ibibigay sa akin non. Nabanggit niya na sa akin ang tungkol doon dati pero ayokong tanggapin, sabi ko nalang ay pag-iisipan ko muna. Gusto kong paghirapan lahat ng makukuha ko. Kahit gaano pa kaliit yan.

Nahiga agad ako sa kama ko at nagpagulong gulong. Muntikan pa nga akong malaglag, buti nalang napakapit ako agad. Grabe. Parang sampung taon akong hindi nakahiga dito. Miss na miss ko. Hahaha!

Minessage ko kaagad si Jimin para ipaalam sa kanyang nakauwi na kami. Magagalit na naman 'yon kapag hindi ako nakapag message sa kanya. Gaya nung nag-aaral pa ako. Nag mall lang ako saglit non para bilhin yung kailangan kong gamit. Eh, pagod ako galing school kaya nakatulog ako kaagad pagdating ko ng bahay. Paggising ko, mahigit isang daan na texts and missed calls ang bumungad sa akin. Lahat galing sa kanya. Jusko.

Pinagalitan niya ako nang tawagan ko siya. Kesyo bakit daw hindi ko man lang siya tinext na nasa bahay na pala ako, sana daw nagsabi ako. Galit na galit talaga siya at bakas ang matinding pag-aalala sa boses niya kaya hindi ko nalang pinansin ang halos pasigaw niyang sermon. Naiintindihan ko naman siya eh.

Simula non, ultimo paglalakad ko palabas ng campus kasama ang squad ay tinetext ko sa kanya. Para hindi magalit. Nakakatakot eh.

Pagkasend na pagkasend ng message ko ay bigla siyang tumawag sa FaceTime.

"Hi babe. Jal jinaess-eoyo? I miss you. Neo meog-eoss ni? Sabayan mo akong kumain." bati niya sabay subo ng pagkain. Ang daya! Bigla tuloy akong nagutom. /Trans: Kamusta ka? Kumain ka na ba?/

"I miss you too. Okay lang, ikaw? Kamusta practice? Mamaya pa sana ako kakain kaso nagutom ako bigla dahil sayo." tanong ko habang naglalakad papuntang kusina. Naabutan ko ang mga kasama ko na may kausap din sa phone kagaya ko.

Nilapag ko sa table ang phone ko at itinayo sa lalagyan namin ng prutas para hindi ko lang siya hawak, makakagalaw ako ng maayos.

"Bakit, babe? Gusto mo akong kainin?" nabulunan ako sa tanong niya, kumuha agad ako ng tubig at nilagok iyon. Deputa. Kung kasama ko lang siya ngayon, nahampas ko na siguro siya.

"H-hindi kasi! Gago 'to. Tsk. Ibig kong sabihin ay natakam ako sa kinakain mo kaya nagutom ako bigla!"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Hindi naman sa hindi ako sanay sa mga kaibigan ko pero ano ba. Kumakain ako! Hotdog pa ulam ko! Bwisit. Bakit kasi hotdog ang ulam? Punyeta.

Nagkwentuhan lang kami saglit. Nabanggit niya din sa akin ang pagkasabik nilang bumalik dito. Natawa nalang ako sa ginawa nilang pamimilit sa manager nila na paagahin ang balik nila dito ngunit hindi naman ito pumayag. Gagawa daw sila ng paraan para mapaaga ang balik nila dito pero sabi ko, pag ayaw talaga wag ng pilitin. Baka makulitan sa kanila at mapagalitan pa. Gusto ko man siyang kausapin pa ng mas matagal pero pinapatawag daw sila ni Papa Bang.

Alam niyo nung pinakilala kami nung boys sa kanya, ang laki ng ngiti niya. Naging ka close din namin siya kahit papaano. Ang bait! Sobra. Tapos ang pogi pa. Jusko. Nag-agawan pa nga kaming squad pagkarating namin sa dance studio. Dahil din doon, nabunyag ang sikreto ko. Gago yun si Moa eh.



Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon