Chapter 20

56 2 1
                                    

A/N: Hi mga bes! Hahaha! Sorry natagalan. Hehe. Anyway, sana magustuhan niyo. Hihi <3

Shan's POV

Nandito ako sa garden nina Xeena. Galing kami sa Banaoang Bridge. Dati itong dinadaanan ng kotse at sa sobrang kalumaan nito ay rumupok na kaya hindi na siya pwedeng daanan. Siyempre, picture picture at nasa gitna si Hoseok. Halos di na siya gumalaw eh, nasa gitna lang siya. Kesyo, baka daw masaktohan kami, bigla dawng magiba. Tawa kami ng tawa. Umuwi din kami dahil mainit na. Bukas nalang daw kami magpaitim kasi beach na ang pupuntahan namin.

Sa di kalayuan sa pwesto ko ay may pool. Wala kasi akong magawa kaya ito ako, nililibot ang bahay nila. Hahaha! Naka-upo ako sa damuhan kasi trip ko lang. Maiba naman.

*kriiinggg*

Mommy is calling.....

Sinagot ko ang tawag galing kay Mommy. Namimiss ko na sila. Nung last na uwi nila ay nung nag debut ako. Nasa ibang bansa kasi sila ni Daddy. You know, trabaho.

"Hello?"

"Hi anak! Kamusta ka dyan?"

"Okay lang po ako. Kayo po ni Daddy?"

"Maayos naman kami dito. Yung tatay mo, tulog. Pagod eh. May panggastos ka pa ba? Tsaka, sino labing-apat na lalaking kasama niyo? May boyfriend ka ba dun? Infairness, ang gugwapo ah. Hahahaha!"

"Ay sayang. Pakisabi nalang po, Hello at I love you. Hehe. Uhm.. Naaalala niyo pa po ba yung pinakilala kong kpop group sa inyo?"

"Aba'y sino doon? Iyong Gangbang boys ba yun? Ano ulit yun? Tsaka yung Got7? Tama ba?"

"Ahh.. Eh.. Bangtan po yun. Bangtan boys. Hehe. Opo, tama po."

"Ay sorry naman. Hahaha! Anong meron sa kanila? By the way, sabihin mo kay Moa, gusto ko yung bag niya. Yung gamit niya sa picture niyo nung nasa Bora kayo. Hehe."

"Ah sige po. Uhm.. Sila po yung kasama namin."

"Ano ulit yun 'nak?! Sila yung kasama niyo?! Talaga?! Omg! Paano?! Yieie! Boyfriend mo na ba yung isa dun? Ihahanda na ba namin ng Daddy mo ang isosoot namin sa kasal? Ayieie! Pero wait, sino ba dun yung gusto mo para ma search at malaman ko ang background niya."

"My, kalma. Hindi pa po. Hahahaha! Magkakaibigan palang po kami. Si Lian at Xeena palang po ang may kaano sa kanila. Si Mark Tuan po. Hehe."

"Ay talaga? Pakisabi, congrats. Hahaha! Teka nga 'nak. Ano ulit yung apilido? Pintuan? Aba'y bakit naman pintuan ang apilido nun?"

"My naman eh! Anong pintuan? Hahahahaha!! Tuan po. T-u-a-n, Tuan. Mark Tuan. Hahahaha!"

"Hahahahahaha! Niloloko lang kita, anak. O sige na, may gagawin pa ako. Tumawag lang ako para mangamusta. Mag-iingat kayo dyan ha? Mahal na mahal ka namin, Shan. Bye."

"Hahaha! Sige po, my. Ingat din po kayo. I love you both."

Pinutol ko na ang linya at tumingin sa paligid. Napatalon ako nang makita ko si Mark gilid ko. Tumawa siya at tumabi sakin. May nakakatawa ba? Ginulat mo na nga ako, tawa ka pa dyan. Bilat.

"Ay put-- kanina ka pa dyan? Anong ginagawa mo
kasi dyan?"

"Medyo. Hahaha! Sorry. Narinig ko ang pangalan ko dito at nakita kita so akala ko tinatawag mo ako kaya lumapit ako. Sino yung kausap mo?"

"Mommy ko. Hehe."

"Eh, bakit mo nga pala ako tinawag?"

"Hindi kita tinawag. Uhm.. M-may tinanong lang siya. Ayun. Sinabi ko yung pangalan mo."

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon