Chapter 42

36 3 0
                                    

Ysa's POV


Ilang linggo ang lumipas at halos pagpapractice lang ang ginawa namin para sa papalapit na debut ni Moa. Sa pagkakaalam ko ay konting ayos nalang, handa na ang lahat. Sabado ngayon at nandito kaming buong squad sa bahay ni Xeena pansamantala. Hinihintay namin siyang bumaba. Monthsary kasi nila ni Taehyung ngayon at sa Maldives ang punta nila. O diba, kabog. Hahaha!

Apat na araw sila doon. Hindi naman na sila mahihirapan na maghanap ng matitirahan dahil ayon kay Moa ay may bahay si Xeena doon. Tsaka kailan ba naging mahirap ang isang bagay para sa isang Alex Eena pagdating sa mga ganyan?

Nasa kabila ang mga boys. Ewan ko ba kung anong kalokohan ang pumasok sa isip nila. Pinalabas nila kami. Ultimo may ari ng bahay ay pinalabas nila. Tsk tsk. Wala eh. Nadaan sa simpleng salita at ngiti eh.



*Flashback*

Nakuha ang atensyon ko nang mapansin kong nagtulakan ang boys papunta sa harap namin at humilera. Hindi ko nalang sana papansinin dahil baka naglalaro lang sila o kaya may balak kaming pagtripan. Malay natin. Pero tumikhim ang isa sa kanila kaya hinintay ko nalang ang sasabihin nila.

"Uhm.. Girls, labas muna kayo. Doon muna kayo sa bahay ni Xeena. Hehe. Please. Saglit lang." ani Namjoon, kunot noo siyang tinignan ni Lian na nakahiga sa hita ni Shai at may yakap na unan. Nakangiti lang ng malapad ang iba pang boys na nakahilera sa tabi niya. Si V lang ang wala dahil nagre-ready siya sa taas. Kahit si Angelo ay tumutulong, nakita ko ang mata niyang nag puppy eyes kaso nga lang hindi nakatingin si Moa kaya wala rin. Shuxx!! Ang cute! Pakshet!

"Bakit?" medyo triggered na tanong ng kanyang girlfriend. Oops. Meron kasi eh. Pag masakit pa naman ang puson niyan at nakahiga na siya, ang hirap patayuin. Gaya ngayon.

"May gagawin lang kami, Lian. Hehehe. Sige na. Sam!! Please??? Minsan lang 'to oh." pamimilit pa ni Jackson na agad na sinagot ni Kath.

"At ano naman yon, Jackson Wang??"

"Ah.. Hindi ko pwedeng sabihin eh. Secret lang daw eh. Sorry, Kath. Ayoko man mag sinungaling sayo dahil bawas points yon pero kailangan eh. Sorry talaga." hindi sumagot si Kath at hinintay nalang na magsalita ang may ari ng bahay. Halos lumuhod na si Jackson sa harap niya. Yieieh! Ganda-babae!!

"Give me one valid reason," sambit ni Moa. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya sa laptop niya ngunit bakas ang pagkabanas sa mukha niya dahil sa hindi malamang dahilan. Kanina pa siya dyan eh. Hinihintay niya lang na matapos yung dalawa kasi ihahatid namin sila sa airport. Dead serious ang ate niyo. Jusko. Good luck!!

"Yikes. Kakilabot ka, Sam. Guys, kaya niyo yan. Work your magic." rinig kong bulong ni Youngjae. Hahaha! It's either si Angelo ang gagamitin nila o kaya si Yoongi.

Speaking of...

Lahat sila ay automatic na napatingin kay Yoongi na parang siya nalang ang tanging pag-asa para magawa yung 'secret' nila. Kumunot ang noo ni Yoongi nang mapansing sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat.

"Bakit?"

"Go, hyung. Ikaw nalang ang pag-asa." pangungumbinsi ni Jungkook na tumalab rin naman.

"Moa, sige na. Isa kasi ito sa plano ni V para kay Xeena. Nangako kami sa kanya na kahit anong mangyari, kami lang ang makakaalam. Surprise daw. Please???" wala namang ibang ginawa si Yoongi maliban sa pagtingin niya ng diretso kay Moa at ngumiti ng sobrang tamis. Parang mga batang nilibre ng ice cream kung mag-ingay sila nung pumayag si Moa at tumayo. Well, sino bang hindi makakatanggi sa ganon? No one can resist that kind of smile. Nakaramdam ako ng excitement na sa palagay ko ay hindi lang ako ang nakaramdam kaya tumayo na din kami.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon