Chapter 29

32 3 1
                                    

Youngjae's POV


Kanina pa nakikipag-racing si Samantha. Wala pa siyang talo at nakaka-walong sasakyan na siya.

Firebird.

SS Competition.

Corvette.

Dodge Dart.

Porsche 918.

Audi R8.

GTR.

Tapos etong huli naman, Aston Martin.

Hindi ba siya napapagod? Hahaha! Baka hinahabol niya yung dami ng sasakyan ni Xeena?

Eh kaso, hindi naman mahilig sa kotse tong si Samantha.

"Tanginang Xeena to oh. Tagal mag pakita! Sabi niya pag nakita ko siya, siya naman daw! Wala na akong lalagyan ng mga nakuha ko! Tss." Maktol ni Samantha.

"Edi mag pahinga ka muna." Sabi ni Bambam.

"Wag mo 'kong kausapin kasi hindi kita kinakausap." Ani Sam.

Oops. Halata naman na galit pa si Sam eh. Simula nung nagkagulo noon, hindi na nila kinausap pa si Bambam. Kahit kami. Hindi naman sa hindi namin kinakausap. Pag magtatanong lang ganto ganiyan. Minsan nga iniisip namin, baka napapanis na yung laway niya.

Hindi naman kami galit. Tampo lang siguro? Parang kapatid na kasi namin si Alex tsaka si Samantha. Tapos, ganon lang. Hindi ko maintindihan si Bambam. Kung bakit niya ginawa yon.

Napag-usapan nga namin nila JB hyung yung nangyari eh. Naaawa ako kay Bambam kasi ang desperado ng ginawa niya. Sila ni Anna. Naaawa ako na nagagalit.

Pero, wala eh.

Nangyari na eh.

Maaayos pa kaya 'to?

Nasan kaya si Anna?

Kumusta na kaya siya?

"Huy! Youngjae! Kukutusan kita sa mata eh! Kanina pa ako huy ng huy! Nasan si Samantha?" Sigaw sakin ni Alex.

"Ay sorry! Nasa cr ata. Nandiyan lang kanina eh. Hinahanap ka nga eh. Pagod na nga ata." Sabi ko.

"Ang lalim ng iniisip natin ah? Ano ganap?" Xeena.

Sasabihin ko ba na iniisip ko yung nangyari sa kanila ni Anna?

"Uhm.. Alex, mapapatawad niyo pa ba si Bambam? Tanong ko lang. Wag kang magagalit." Nagmamadaling tanong ko.

Yung kaninang Alex na nakatingin sa mga nagkakarera, ngayon ay nakatingin na sakin. Deretsong tingin at walang halong emosyon.

"Sorry. Di ko na dapat tinanong." Sabi ko.

"No. It's okay. Mapapatawad naman siya. Napatawad ko naman na talaga siya. Kinakausap ko na din naman siya. Kayo ba?" Alex.

Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kasi, knowing Alex Eena? Matagal mag patawad yan.

Baka naisip niya na, kaibigan niya si Bambam. Matagal na. Okaya, baka naisip niya na kapatid ang turing niya kaya patatawarin niya agad. Baka ganon nga?

"Naguusap na rin naman na kaming lahat. Pero si Yugyeom? Hindi pa. Kilala mo naman yon. Sa Bangtan, wala naman silang problema. Minsan, kinakausap nila. Ang alam ko, maayos na si Namjoon tsaka si Bambam eh." Sagot ko.

Sobrang lala ng nangyari non kay Namjoon at kay Bambam. Kung paringgan ni Namjoon si Bambam? Wagas! Yung no choice ka na lang kundi umalis sa lugar kung nasan si Namjoon? Ganon.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon