Chapter 70

30 1 0
                                    

Moa's POV


Sa sobrang excited ko sa mga pupuntahan namin ngayon, maaga akong nagising. Kahit maraming beses na akong nakapunta dito sa Bohol, hindi ko parin maiwasan ang mamangha sa ganda nitong taglay. And this time, pupunuin ko na ng mga pictures ang camera ko. Hehe.

Last day na namin dito ngayon at babalik na ulit kami sa Manila. Sa yate na kami nag sleepover pagkatapos ng bonggang proposal ni Jackson kay Kath. Hahaha! Next next month naman ang kasal nila. O diba sunod sunod ang ikakasal? Haha!

Kelan kaya kami ni Hobi? Hm.... Oh well, bahala na. Si future na ang bahala sa amin. I hope siya na talaga kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Baka mabaliw ako. He's my first boyfriend and siya din ang nakatagal sa akin. 6 fucking years and still counting. I can't believe it, actually. Akala ko after 2 years, bigla nalang siyang makikipaghiwalay kasi nagsasawa na siya sa akin at sa ugali ko. Kahit ako. To be very honest, mabilis talaga akong magsawa sa isang bagay pero ewan ko ba at kahit kailan hindi ako nagsawa sa kanya. Hindi na ata darating ang araw na 'yon. Kahit minsan maingay siya at makulit, mapapangiti ka nalang talaga imbis na mainis. Ang cute niya kasi eh. Hahaha!

Kapag ayaw niya, hindi ko na tinutuloy. Ganon din siya. Gaya ng pagpapakulay ko ng buhok. Pinabalik ko sa itim. Ginagaya ko kasi ang kulay ng buhok niya every comeback nila kaso ayaw na niya. Wag ko na daw siyang gayahin kaya ayun, no choice ako. Balik itim. Tapos bihira na din akong magsuot ng high heels kasi nga ayaw niya. Palagi na akong naka sneakers ngayon. Hindi naman sa under ako, sadyang masunurin lang talaga ako pagdating sa kanya. Hindi nga kapani-paniwala eh. Haha! Usually kasi kapag gusto ko, gusto ko at 'yon ang gagawin ko. He changed me. A lot.

Naghilamos at nagsipilyo nalang muna ako bago bumaba. Alas sais palang ng umaga kaya naman panigurado ay ako palang ang gising. Nagluto ako ng aalmusalin nung iba. Trip ko mag noodles kaya 'yon ang kinain ko. Minsan lang naman.

"Good morning, Queen." napangiti ako kaagad nang makita ko siya na medyo magulo pa ang buhok. Halatang bagong gising. Gwapo parin talaga eh. Pero bakit pag ako ang bagong gising, mukha akong tae? Kainis.

"Good morning, sunshine. Kamusta tulog mo?" bati ko rin sa kanya at hinalikan siya. Hehehe.

"Hindi maayos. Tsk." kumunot naman ang noo ko sa tugon niya. Napansin ko nga. Medyo aburido siya.

"Why??"

"Si Taehyung kasi eh. Ang likot matulog. Ilang beses pa akong tinuhod. Tss. Dapat tumabi nalang ako sayo eh. Hindi pa sumakit ang katawan ko, ang sarap pa ng tulog ko." paliwanag niya na ikinatawa ko.

"Edi sana pumunta ka sa kwarto ko. Magkalapit lang naman ah."

"Eh.. Nahihiya ako eh. Tsaka alam kong tulog ka na. Ayaw naman kitang magising kaya tiniis ko nalang. Ikaw rin naman ang makakatabi ko mamaya eh. Hehehe." napailing nalang ako at ginulo ang buhok niya. Kinikilig ako, wag kayong maingay. Hahaha!

Pinag-almusal ko muna siya bago ayain papunta sa dagat. Dadalhin ko nalang ulit sila mamaya dito. Gusto kong ma solo ang baby ko. Hehehe.

Naglakad-lakad lang kami dito sa mga bato, magkaholding hands. Ayaw ko munang maligo. Mamaya na siguro. I-eenjoy ko muna ang moment namin ni Hoseok. Haha!

Habang nagkwekwentuhan kami, bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nagtataka ko siyang nilingon.

"May problema--- JUNG HOSEOK!!!"

*splash*

IBATO DAW BA AKO??!! SAKIT TULOY NG PWET KO!! ANAK NG TOTENG!

Narinig ko ang tawa niya pagka-ahon ko. Ah ganon? Bahala ka dyan.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon