Chapter 67

21 2 0
                                    

Troye's POV


"Finally!! Some time alone with you!" sabi ni Alex.

Nakapag ligpit na kami ng mga kalat at hinatid ang mga bata sa kwarto nila. Umuwi na ang mga bisita pati na din sila Benjie. Sinabi ko lang na anniversary namin ni Alex, pumunta na. May tampo tampo pa nalalaman. Bakit daw di ko sila iniinvite? Eh???

Kakalabas lang ni Alex sa walk in closet namin at naka over sized shirt at maikling shorts ang suot niya. Maya maya ay pumatong siya sakin.

DUMAPA SAKIN HA.

Baka kung ano pa isipin niyo.

Hindi naman ganon kabigat tong si Alex. Ganito siya lagi sakin eh. Naka-dapa tapos nakahiga yung ulo sa dibdib ko.

Nakakahinga pa naman ako, don't worry. Matik naman na yumakap yung mga braso ko sa kaniya para di siya mahulog. Hehe.

"Kumusta ka?" I asked.

"I'm tired, love. Ang dami nating niligpit. Ugh! Ang kalat kalat! Tsk. Kung alam ko lang, nag check in na lang tayong lahat sa hotel ko, hindi pa ako napagod. Tsk!" Reklamo niya habang naka-pikit.

"Eto naman. Ngayon mo na nga lang sila ulit nakita eh. Hayaan mo na. Gusto mo ba mag hire na tayo ng helpers?" Seryosong tanong ko naman.

Tumingin siya sakin atsaka nag kunot ng noo. Seems like she doesn't like the idea hiring some helpers. Hmmmm..

"No. Tsk. Papuntahin ko na lang dito sila Medusa kesa kumuha ng helper." Sabi niya atsaka bumalik sa pagkakahiga ng ulo niya sa dibdib ko.

Hindi naman na ako sumagot kasi alam ko naman na kahit ipilit ko, hindi talaga siya papayag. Kaya pumikit na lang din ako. Hantayin ko na lang na makatulog kami pareho.

Pero onting segundo pa lang akong naka-pikit bigla siyang tumayo sa pagkaka-dapa at na-upo kay pareng Manoy. Nanlaki pa nga ang mata ko nung nag bounce siya ng bahagya.

ANG INIT NAMAN! SIRA BA YUNG AIRCON NAMIN?? Boxers lang naman ang suot ko bakit ang init pa din???

Alex Eena naman!!!!!! Wag mong gisingin yan!!!!! Nako nako!!!

"Hoy! May kasalanan ka sakin! Wag kang malibugan diyan baka tagain ko tong naninigas dito!" Turo niya kay pareng Manoy.

Naiisip ko pa lang na tatagain niya yung tropa ko sa baba, naiiyak na ako eh. Pano pa pag nangyare na?

"Chill, love. Anong ginawa ko??" Gulat kong tanong.

"Wag mo ko ma-love love, Troye. Babangasan kita." matapang niyang sagot.

"Bakit mo kausap yung babaeng taga dun sa dulo kanina?? HA?? Tawang tawa ka pa! Masaya ka? Ha? Masaya ka???"

Anong babae????

"Sino??? Yung helper nila Mrs. Smith???"

"Ipagpapalit mo na lang ako sa isang helper pa????"

"Eh nagtatanong lang naman siya, love, kung naghahanap tayo ng helper.." Sabi ko.

Pero mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

Oh my Lord!!

"Ah, kaya pala gusto mong kumuha ng helper??? Kasi kukunin mo siya???"

SAAN GALING YON???

"Ha??" Tanging nasagot ko. Naubusan ako ng sasabihin dahil ang talino talaga. Hahaha!

Tatawa tawa lang ako pero kabado na ako. Ehehe.

"Anong ha? Hatdog?! Pinatapon ko lang sayo yung basura, nakipagtawanan ka na???? Hindi pa ba sapat yung saya na dala namin ng mga bata?? HA?!"

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon