Chapter 58

41 1 0
                                    

Jungkook's POV


Nagising ako sa biglang pag-ayos ng higa ni Jimin hyung. Pasalamat 'to si hyung at tulog siya kaya papalampasin ko yung pagsiko niya sa ilong ko. Tch. Tirik na din ang araw kaya tumayo na ako at naligo. Paglabas ko ng banyo ay mga paligo na din sila. Huling nagising sa amin si Suga hyung at anong oras na siya nakaakyat ng kwarto kagabi. Hindi kasi siya nakinig kay Moa. Sinabi na sa kanya na wag na siyang hintayin kasi gagabihin daw siya pero hindi parin nakinig si hyung. Tsk.

Bumaba kami at dumiretso sa dining area nagbabaka sakaling nandoon ang squad kasi wala sila sa living room.

"Saan kaya pumunta ang mga 'yon?" wala din sila sa dito. Mga nakataob na plato lang sa pwesto namin at nakatakip na ulam. Kinuha ko kaagad ang nakaipit na papel sa gilid ng ulam at binasa.

Good morning! Ubusin niyo na lahat 'yan at tapos naman na kami kumain. :)) Eat well. Nasa game room lang kaming squad.

- Xeena

"Hyung, kain na muna tayo. Nasa game room daw ang squad." sabi ko at nauna nang umupo. Sumunod naman sila kaagad sa akin.

"Jungkook-ah, paano mo nalaman na nasa game room sila?" tanong sa akin ni Suga hyung na nagpupunas ng mesa. Improving nga si hyung eh. Sumisipag. Hindi naman talaga siya naglilinis sa dorm eh. Ganyan pala ang epekto ni Moa kay hyung. Hahaha!

"Nabasa ko yung note ni Xeena. Nandyan sa table ah? Nilapag ko dyan, hyung."

Pumunta kami sa game room. Hindi siya kasing liwanag gaya nung una naming punta dito. Madilim siya at tanging liwanag galing sa malaking T.V ang nagsisilbing ilaw.

"Ahe!! Omaygahd. Shet!" Lian.

"Oh my gosh!!!" sabay na sabi ng magkapatid. Magkahawak silang dalawa at nagpapaluan pa sa sobrang kilig. Ganon din ang iba.

"Shuxx!"

"AYIEIEIEIEH!!"

Napahawak nalang ako sa noo ko. Kaya siguro wala sila sa baba kasi maingay sila.

"EMEGED!!"

"KINIKILIG AKO!!"

"FINALLY!! TORPE MO KASI EH! GALAW GALAW DIN PRE" boses ni Moa yun sure ako.

"Ayaw pa kasing umamin eh. Halata naman. Hay nako!" Erika.

Para kay Hoseok hyung ata yung mga sinasabi nila. Hahaha!

"Gwapo ni Jiang Chen. Pakshet, my heart." Ysa.

"Oo nga eh. Ang tangkad pa, amputek."

Pagkatapos ng episode ay inayos ni Xeena para sa kasunod. "Gising na kaya sila?" sabay-sabay silang nagkibit balikat bilang sagot kay Ely.

"Wala pang paramdam eh. Baka tulog pa." Moa.

"Hayaan niyo na muna silang magpahinga. Nag-iwan naman ako ng note doon sa table na nandito tayo. Sana lang mapansin nila." Xeena.

Napatalon sila sa kinauupuan nila nang buksan ni V hyung ang glass door. Iilan lang kaming umakyat dito at ayaw nung iba. Tumakbo kaagad sina hyung sa mga girlfriend at nililigawan nila.

"Anong pinapanood niyo?" tanong ni RM hyung. Nagyakapan silang dalawa ni Lian na parang sampung taon na hindi nagkita. "A Love So Beautiful. Hehe."

Ipplay na sana ni Xeena kaso pinigilan siya ni Shai. "Teka muna. Dito talaga kayo magsstay???? Ayaw niyong maglaro nalang sa kabila???" umiling kaming lahat. Dapat maglalaro ako kaso tinatamad na akong tumayo. Ang sarap na ng upo ko eh. Makikinood nalang siguro ako sa kanila o kaya maglalaro sa phone ko.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon