Chapter 60

35 1 0
                                    

Lian's POV


Nagtataka ako nang mapansin kong nakakunot pareho ang noo ng magkapatid habang nakatutok sa laptop at phone nila. Kaliwa't kanan na nga eh. Sa tingin ko, hindi siya tungkol sa business nila.

"Uhm.. Excuse me lang ah. Hoseok, may itatanong lang sana ako sayo. Hehe." pagsingit ko sa daldalan nila ni Yoongi. "Sure. Ano ba yung itatanong mo?" ayoko man silang istorbohin pero hindi ko na kayang pigilan ang curiosity ko.

"May nabanggit ba sayo si bhe? May problema ba?" pabulong kong tanong. Sinulyapan niya saglit ang girlfriend niya na busy parin bago ibalik sa akin ang tingin.

"Wala nga eh. Tinanong ko na din si Taehyung kanina pero hindi niya din daw alam. Kinakabahan nga ako eh. Parang may hindi magandang mangyayari." hinawakan siya sa kamay ni Yoongi.

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Business lang siguro yan. Baka naman natatae ka lang. Ang daming C.R dito, ilabas mo na yan. Baka magkalat ka pa dito. Yak." biro ni Yoongi. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa at iniwan sila. Baliw talaga yun kahit kelan.

*ding dong*

Mabilis pa sa kidlat ang pagpunta nina Moa sa pinto. Nakahawak siya sa bewang niya at sa tingin ko may baril din doon. Sumunod na din kaming squad sa kanila para tignan.

"What the fuck are you doing here?" nag-init kaagad ang ulo ko nang makita ko si Anna sa labas ng bahay.

"Diba sabi ko babalik ako? Did you missed me?" kapal ng mukha mong bumalik pa dito. Grabe. Ang tibay mo rin ano?

Lumabas na din kaming squad. Tumabi ako kay Erika at Ely. Sinamaan ko siya ng tingin. Kumukulo parin talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya eh. Kahit puro sugat at pasa parin siya, gusto ko paring dagdagan.

"Hey. Uhm.. I just want to let you all know na hindi ako nagpunta dito para makipag-away or what. I came here to say sorry. Alam kong hindi kayo maniniwala pero gagawin ko parin kasi 'yon ang tama so sana pakinggan niyo ako kahit saglit lang," naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Si Namjoon pala na seryosong nakatingin kay Anna. Nandito pala silang lahat.

"Oh. Hi boys. Namiss ko kayo. Haha! Anyway, gusto ko rin mag sorry sa inyo. Ang dami kong nagawang kasalanan sa inyong lahat. Kailangan pa pala akong bugbugin ulit at sampalin ng maraming beses bago magising sa katotohanan. Thank you, Erika and Xeena. Nalaman nina Mama at Papa ang kagaguhang ginawa ko. Galit na galit sila sa akin at kulang nalang sabihin nilang tinatakwil na nila ako bilang anak. Hindi ko rin sila masisisi. Ipapatapon nila ako sa Korea, mauuna na ako doon. Kailangan ko na din 'yon para maka move on at magbago. Bambam, sorry kung dinamay kita sa kagaguhan ko. Pati tuloy ikaw nadamay sa galit ng magkapatid. Got7, Bangtan, I'm sorry. Squad, I'm sorry. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sa inyo. Naiintindihan ko kung galit parin talaga kayo sa akin at gusto niyo akong saktan ngayon pero wag naman. Ayokong pumunta sa airport nang may panibagong bangas sa mukha. Hindi pa nga gumagaling yung iba oh. Thank you din sa mga masasayang memories. Kayo yung tipo na mga kaibigan na sobrang hirap hanapin. Sadyang tanga lang ako dahil pinakawalan ko pa kayo. Hindi ko ginamit ang utak ko, masyado akong nagpalamon sa galit,"

"Lian, pinapaubaya ko na siya sayo. Alagaan mo siyang mabuti. Stay strong. Sa inyong dalawang magkapatid, sorry din. Lalo na sayo, Xeena. Alam kong hindi niyo ako mapapatawad pero maghihintay ako. Aasa ako.... So, I'll see you all soon. Mag-iingat kayong lahat at mamimiss ko kayo. I love you all."

Ngumiti muna siya sa amin at kumaway bago tumalikod. Sasakay na sana siya nang biglang nagsalita si Marie.

"Hoy, besh! Pakyu ka! Pagtapos mong mamaalam na parang mamamatay ka na bukas, tatalikuran mo lang kami? Grabe! Hindi mo man lang kami pagsasalitain? Paano yung side namin?? Hype ka, besh!" Marie.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon