Chapter 33

34 3 1
                                    

Namjoon's POV
(Lian's birthday || 6:03 AM)


Sa sobrang excited ko para sa kaarawan ng pinakamamahal ko, sobrang aga kong nagising. Ala sais palang ng umaga gising na ako. Hindi na ako nag sayang pa ng oras, hinanda ko ang susuotin ko para mamaya pagkatapos kong maligo at magbihis. Siguro mga 20-30 minutes ang inabot ko bago ako nakapili.

Polo na checkered, pants, at red na Vans ang napili ko.

"Ay shit hala. Pano 'to? Gusot." Naghanap ako ng pwede kong gamitin para mawala ang gusot pero wala. Halaaaa!! Pano 'toooo??? Baka tulog pa yung magkapatid!! Ayoko namang mag-utos sa kasambahay nila kahit sinabi nina Moa na okay lang. Nakakahiyaaa!!

"Problemado ka yata?" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Suga hyung na may hawak na toothbrush. Ano ba naman yan! Si hyung naman eh. Hindi nakakatuwa eh.

"Haha. Sorry. Anong problema?"

"Hyung naman eh... Nagusot kasi 'to. Eh, wala akong makitang plantsa dito. Hindi ko naman matanong sina Moa kasi baka tulog pa sila. Ayoko rin namang lumabas mag-isa dahil bukod sa nakakatakot, baka maligaw ako at kung saan pa ako mapunta." Sabi ko. Tumango naman siya. Kinuha niya yung phone niya at may tinignan.

Maya maya, biglang may kumatok. Si Suga hyung na ang nagbukas. Sumilip ako at nakita ko si Moa. Pinapasok siya ni Suga hyung.

"Good morning. Ang aga niyo ah? Haha. Anong kailangan niyo?" ani Moa.

"Good morning din. Haha! Excited eh. Uhm.. Plantsa sana. Nagusot kasi eh." Ako.

"Oh sure. Akin na," Nagdalawang isip pa ako kung ibibigay ko pero binigay ko parin. Nakakahiya kasi kung siya pa yung magpaplantsa o kaya ipaplantsa niya. Kaya ko naman. Kahit papaano? Hahaha! Dejk.

"Saglit lang ha? Pag nagugutom kayo, may pagkain na doon sa baba. Brb." Lumabas siya.

"Tara, baba na tayo." Suga hyung.

"Sige, tara."

Bumaba na kami. Muntikan pa kami maligaw pero buti nalang nakita namin sina Ely at Xeena. Nasan si Moa??

"Wazzup? Good morning." ani Ely.

"Good morning." Xeena, humigop siya ng kape. May ash tray na may naka patong na sinding yosi at pati na din mga papel at laptop sa harap niya. Para siguro sa hotel and restaurant niya.

"Good morning din" Suga hyung, Ako.

"Nasan na si Bebe ko/Moa?" Sabay naming tanong ni Ely. Sabay din kaming umiling at nagkibit balikat. Nge? Where did she go?

"Umakyat sa kwarto niyo ah. Hindi pa bumabalik dito." Sabi naman ni Xeena. "Anyway, gutom na ba kayo? Anong gusto niyo? May bacon tsaka itlog doon."

"Okay na yun."

"Sure?" Tumango kami. Pumunta kami sa dining area at kumain. Kwentuhan dito, kwentuhan dyan.

Sa totoo lang, hindi ako ganun kalapit sa ibang girls. Gaya ni Ely. Okay naman kami nina Xeena pero medyo awkward at nahihiya parin ako. Siguro dahil masyado kong naituon ang atensyon ko kay Lian? Ewan ko lang pero nararamdaman ko na kahit ganon, gumagawa sila ng way para hindi maging awkward.

"Anong plano mo mamaya? Tatanungin mo na ba si Lian? Ayieieh! Puta, kinikilig ako kahit wala pa. Hahahaha!!" ani Ely. Bigla akong nabulunan sa tanong niya. Napaisip din sa tinanong niya.

Tatanungin ko na ba siya sa HARAP nina Tito at Tita o maghintay pa ako ng konting oras para makapag-isip-isip pa si Lian at makapag desisyon ng maayos?

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon