Chapter 47

28 2 0
                                    

Zoe's POV


"Hay! Wala na ata akong boses. Hahaha!" biro ko.

"Wag kang mag-alala, gagawan kita ng salabat. Hahahahahaha!!" Sam.

"Puta, wag na uy. Okay lang ako. May tubig naman. O kaya pag di kaya, Strepsils. Leche." Ako.

"Hahahaha! Tara na, pasok na tayo." Sam. Nilock niya muna ang kotse niya bago kami pumasok. Mukhang umalis din si Alex. Kulang yung sasakyan niya eh.

Pag pasok namin, walang tao sa sala kaya umakyat kami. Nakarinig kami ng ingay sa katapat na kwarto ng walk-in-closet ni Sam.

*tok tok*

"Hala, hyung! May kumakatok! Buksan mo! Nakoo!!"

"Ampucha. Wag kang ganyan, Jungkook ah! Sisipain talaga kita."

"Hahahahahaha!!"

"Baka mamaya si hyung naman ang sumunod dahil sa takot. Hahahaha!"

"Bwisit kayo." biglang bumukas ang pinto at sinalubong kami nung sobrang puting lalaki. Para ngang papel ang balat niya sa sobrang puti. Di mo alam kung may sakit ba siya, nasobrahan sa gluta, naka white long sleeves, o sadyang ganun talaga ang balat niya eh. Jusko. Paano magpaputi ng ganyan??

Hindi naman sa maitim ako pero kasi halos kakulay niya na yung pinto at pader ng bahay ni Sam eh. Grabe talaga.

"Anak ng... Anong nakakatakot dito?? Ha? Jung Hoseok???" tanong niya.

"Hahahahaha!! Kahit kelan talaga 'to si hyung." tawa naman nung maliit pero cute. Siya yung boyfriend nung Erika ba yun? Basta siya.

Nandito silang lahat maliban kina Ara. Pumasok kami sa loob. Ganun talaga kalaki ang mga guest room ni Sam dito kaya kasyang kasya talaga sila.

"Hi Moaaaa!! Nandito na pala kayo." Bati nung Kath.

"Yep. Nasaan ang magaling kong kapatid??" Sam.

"Umalis din kanina eh. After 20 minutes nung nakaalis kayo." sagot naman nung lalaking may hawak ng maliit na towel at pinupunasan yung boyfriend ni Alex.

"Eh, ano namang nangyari dito?" sabay turo sa nobyo ni Alex.

"Nilalagnat. Sasama nga dapat kay Xeena kaso nga ayan, nilalagnat. Nga pala, umuwi na din sina Ara." sagot ulit nung lalaki. Kaya naman pala medyo mainit dito. Hindi ko pa sila ganun kakilala dahil bukod sa kakaiba ang pangalan nila at halos pare-pareho sila ng mukha ay mahirap ding ibigkas.

"Ha?? Umalis din??? San daw sila pupunta? Tsaka, bakit siya nilagnat?" nag-aalalang tanong ni Sam.

"Sa sobrang kalasingan, bebs." sagot naman nung Marie.

"Uminom na siya ng gamot, doc?" nakangising tanong ni Sam.

"Anong doc?? Oo, napainom na." Marie.

"Doon na din papunta yon. Practice lang. Hahaha! Good good. O siya, magbibihis lang kami. Balik ako." dumiretso kami sa walk-in-closet niya at nagbihis. Nagpaiwan ako sa kwarto niya dahil inaantok ako at napagod ako sa kakakanta.

Pag-alis niya ay nakatulog na rin ako kaagad.





Author's POV


Bumalik ulit si Moa gaya ng sinabi niya. Naupo siya sa tabi ni Hoseok na nakatingin lang sa kanya. Habang ang iba naman ay busy sa kwentuhan, cellphone, at labing labing.

"Ang lamiiigg..." reklamo ni Taehyung at mas nag tago pa sa ilalim ng kumot. Samantalang yung iba init na init na.

"Lakasan mo nga, Jungkook. Ang init na eh." ani Suga na agad namang sinunod ni Jungkook. Biglang nag ring ang phone ni Moa. Tumayo siya at nag punta sa veranda para sagutin kaso naiwan niyang nakabukas ang sliding door kaya narinig ng lahat ang sinasagot ni Moa.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon