Chapter 9

45 5 4
                                    

Shai's POV

Hello. I'm Shai. Jungkook biased. Mama ni Lian at Moa. HAHAHAHAHA!!

"Guys! Kain na!" Ani Jin. Dinalhan niya ng pagkain si Yoongi pero konti lang. May sarili nga kasing pagkain ang pasyente. Si Xeena at Moa ay nagkape lang. Busog daw sila eh.

ANG SARAP TANGINA!

Napatingin sila sakin. Natawa lang sina Moa at Xeena. "Wag ka namang maingay beh. Pero totoo, masharap." Sabi ni Shan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Tinignan ko yung brown bag. Stewart Restaurant.

"Diba ganito yung lasa ng mga niluluto mo, Xeena?" Tumango lang si Xeena. Napansin kong tahimik ang bangtan. Nakita ko sila sa lapag kumakain, halatang sarap na sarap.

"Ang sarap!" Ani bangtan.

Biglang tumayo si Xeena at lumabas. Taena. Ayan nanaman. Lalabas nanaman. Tapos di babalik.

"Oh! San ka nanaman pupunta?! Baka di ka bumalik!" Sigaw ni Erika. Natawa lang siya at pinakyu si Erika. Gago talaga. HAHAHAHAHA!!

"Tangina nun ah?"

Pag tapos naming kumain, umupo kami. Bumalik na din si Xeena. May tumawag kay Moaryne pero saglit lang. Di ko narinig yung sinabi niya eh. Sayang.

Pero, nagtataka lang talaga ako. Yung tingin nila kahapon, iba. Parang may alam sila na hindi namin alam. Oo, matagal na kaming magkakasama. Alam na namin lahat ng tungkol sa isa't isa maliban dito sa dalawang 'to. Hay nako. Sumasakit na ang ulo ko.

May sari-sarili kaming ginagawa. Ako, nagbabasa lang. Si Moa, nanonood ng kdrama. Di ko lang alam kung ano palabas. Si Xeena may katext. Ang bangtan, nagse-cellphone yung iba kumakanta.

"Huy! Anong pinapanood mo?" -Anna

"Porn. Dejk. Hahahahahaha!! Kdrama. Teka, wag kang magulo." -Moa

"Talaga?! Panood! HAHAHAHAHA!! Joke lang." Sabat ko. Nagtawanan kaming lahat.

Nitong nakaraang araw, napapansin kong gumagaling na sa tagalog ang bangtan. Yung paraan ng pagsabi nila ng mga salita, maayos na kahit papaano. Meron pa silang hindi alam kaya ito kami, taga translate. Ang cute nga eh. Hindi na din sila naiilang samin. Kami, oo, naiilang parin kami.

Siyempre naman! Natural lang yun! Alanganamang, hindi kami mailang diba? Ang mga lalaking minamanyak namin MINSAN ngayon nasa harap na namin, nakakasama araw-araw.

"Hala gago ang cute!"

"Omygod. Demonyo ka."

Ang ingay talaga nito kahit kelan. Naka earphones kasi kaya di niya naririnig ang sarili niya. Natatawa lang ang bangtan sa kanya. Bigla siyang binato ng tsinelas ni Erika.

"Aray naman! Inaano ka ba?" -Moa

"Ang ingay mo bes! Ano ba yang pinapanood mo?" -Erika

Hindi siya sinagot ni Moaryne. Hinayaan niya nalang at bumalik sa ginagawa niya. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Napahawak siya sa bibig niya tapos biglang tumulo yung luha. Ay putangina bakit? Ganyan ako mag-alala at ma curious kaya shut up ka nalang.

"*sobs* Bakit mo nilagay?! Bakit mo binuhos?! Bakit mo ginamit?! Huhuhu! Wala na! Namatay na! Hm! Ayoko na! Pashnea." Tinanggal niya yung earphones at pinunasan yung luha. Nilapag niya yung phone niya sa table.

"Uy, okay ka lang? Bakit ka umiiyak? Ano ba kasi yang pinapanood mo?" Tanong namin. Tinignan ni V yung pinapanood niya. Napangiti naman si V.

"Whut? Hahahahahahahaha!! Okay lang yan bhe. Buhay naman siya sa totoong buhay oh! Ayan siya sa harap mo. Hahahaha!!" Ani Lian.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon