Chapter 78

35 0 0
                                    

Hoseok's POV


Windang na windang ako sa mga narinig ko kanina. Nakaalis na rin yung mag-iina at patapos palang kaming magligpit ni Moa. Yung iba naman ay pinaakyat na namin para makapagpahinga na. Tahimik lang kami pareho. Mukha kasing malalim yung iniisip niya kaya hinayaan ko nalang. May bumabagabag din kasi sa akin...

Kanina kasi habang nakikinig ako sa madrama at malamang sagutan nina Taehyung at Xeena, iniikot ko yung paningin ko siyempre. Hehehe. Wala lang. Ina-admire ko lang yung mga stars tsaka mga halaman ng bebe ko dito. Hahaha!

So ayun na nga, may nakita akong pamilyar na anino. Kinabahan nga ako kasi baka mamaya multo pala, nako po! Pero hindi naman. Hehehe. Nagulat nga ako nung nakita ko yun, inalis ko lang saglit yung paningin ko doon kaso nung tinignan ko ulit, nawala na bigla.

Bakit naman kaya siya nandoon??? Mukhang ako lang rin yung nakakita kasi kung hindi lang ako, sasabihin nila agad 'yon kaso hindi.

Siguro namamalik-mata lang ako??

Pero hindi eh. Sure akong may tao kanina!

Kaso ang bilis naman atang nakaalis non. Halos sampung minuto ko lang naman inalis yung tingin ko doon.

Engot! Matagal na rin 'yon!

Pero parang hindi naman! Saglit lang yun!

Ten minutes nga diba? Sa loob ng tatlong minuto pwedeng umalis yun. Malay mo, tumakbo pala. Tsk!

Ay ewa---

"HELLO??!! MAY KAUSAP BA AKO??!! JUNG HOSEOK??!! NASAANG LUPALOP BA NG PILIPINAS NAGLAGI 'YANG KALULUWA MO??!!" napatalon ako ng malala at kulang nalang ay mapatakbo ako sa sobrang gulat dahil sa pagkakasigaw ni Moa.

Tangina, shet!!

"Bakit ka sumisigaw?! Bakit kailangan mong sumigaw?! Nagulat ako!!!! Ano ba!" kunot noo ko ring tanong sa kanya. Nakahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang paghinga ko. Gulat na gulat kasi talaga ako! Kingina!

"Para ka kasing ewan! Kanina pa kita tinatawag! Sabi ko, paabot nung bote pero hindi mo ako pinapansin! Ano bang nangyari sayo??" nilapitan niya pa ako para tignan. Kalmado na siya kahit papaano ngayon pero yung kabog ng dibdib ko sa sobrang gulat ay nandito parin.

Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin o wag na. 70/30 rin kasi akong sigurado sa nakita ko. Wag nalang siguro.. Dagdag isipin niya pa 'yon tsaka iisipin niya agad na totoo yun kahit nagdadalawang isip pa ako. Paano kung wala lang pala yun edi nakakahiya naman diba? Oo, tama, wag na...

Bumuntong hininga siya. "Hay.. Magpahinga na tayo. Baka pagod lang 'yan. Tara na." sumunod nalang ako sa kanya. Nag shower pa muna kami bago matulog.

Itutulog ko nalang 'to. Baka sakaling mawala mamaya pagkagising ko.


kinabukasan...


Tanghali na ako nagising at wala na si Moa sa tabi ko. Nasa baba na sila panigurado. Tumayo na ako agad at inayos yung kama bago pumasok ng banyo.

Pumasok bigla sa isip ko yung nakita ko kanina. Tangina. Hanggang sa pagligo, nandito parin sa utak ko! Pati nga sa panaginip ko, yun rin! Ano ba naman 'yan! Hindi na ako nilubayan!

Pero kasi.. "Paanong nangyaring nandoon si--" naputol ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang may kumatok.

"Pagtapos mo dyan, bumaba ka na. May pag-uusapan doon." dumungaw ako glass door ng banyo para siguraduhin kung pumasok nga ba talaga siya. Lumamig bigla eh. Hahaha!

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon