Chapter 13

43 5 4
                                    

V's POV
(Xeena and Tae)


Pinikit ko ang mga mata ko ngunit hindi talaga ako makatulog. Hindi ako madalaw-dalaw ni antok. At nakakaasar na. Kanina malapit ko ng makuha ang antok ko pero biglang gumalaw si Jungkook kaya nagulat at nawala ang antok ko.

Kinuha ko ang phone ko. Aha! Alam ko na! Ni text ko siya.

To: Xeena <3

Hi! Pwede mo ba akong samahan maglakad-lakad? :)

May part sa akin na isend ko na at meron ding wag dahil baka natutulog na siya or what kaya ni delete ko. Aish. Ano kaya? Nahihiya ako eh. Help niyo ako please.

To: Xeena <3

Hi Xee! Tulog ka na ba? May ginagawa ka ba? Naistorbo ba kita? Sorry kung, oo. :)

"Hm.. Okay na 'to. Sana gising pa. Nakakahiya kapag tulog na ito. Kingina." Ni send ko ang message at mukha akong tanga dito na naka cross ang daliri at hinihiling na sana hindi pa siya tulog at hindi ko siya naistorbo. Puta.

Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa veranda. Sinalubong ako ng isang malakas at nakangingilabot na simoy ng hangin. Ang lamig pakshet. Nakasando pa naman ako. Umupo ako sa upuan na maliit. Muntik akong mahulog nang umilaw ang phone ko at nakita ang pangalan at reply ni Xeena. Nagulat ako eh, bakit ba?

From: Xeena <3

No. I'm still up, why? I'm not doing anything so it's okay. Haha. :)

Nakahinga ako ng maluwag. "Hay.. Salamat." Pero, bakit nga ba? Hindi ko din alam kung bakit eh. Hahaha! Napatingin ako sa paligid at may nakita akong dalawang taong pamilyar na naglalakad-lakad malapit sa dagat. Hindi ko sila masyadong maaninag dahil palayo dito ang punta nila. Ang sweet. Ganun nalang kaya ang gawin kong dahilan? Oh! Tama! Very good!

To: Xeena <3

Mabuti kung ganun. Hehe. ^_^ Okay lang ba kung samahan mo akong maglakad-lakad? Kung okay lang naman. Haha! :D

Sana okay lang. Mabilis kong natanggap ang reply niya at ganun din sa pagkakabasa ko sa text niya.

From: Xeena <3

Sure. Mag-aayos lang ako. :)

Kahit wag na. Maganda ka na eh.

To: Xeena <3

Hintayin kita sa baba. :D

Agad akong pumasok at ngayon ko lang napansin na wala si Jin hyung sa higaan niya. Baka lumabas or nag cr lang yun. Mabilis akong nag-ayos. Simple lang naman yung soot ko pero gwapo. Hehe. ;)

 ;)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon