Chapter 4

51 6 3
                                    

Jimin's POV

"Jimin Hyung, okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan. Para kang papatay ng tao diyan." Tinabihan ako ni Jungkook. Tumango lang ako at hindi siya sinagot. Hinihintay namin si J-hope Hyung at Suga Hyung kasi sila ang huling nagising.

Hindi naman talaga ako okay eh. Nabwibwisit ako sa binalita ni Namjoon Hyung kagabi. Ayoko pang bumalik sa SoKor. Mas gusto ko munang manatili dito sa pinas. Tsaka imbis na sa katapusan ang uwi namin ay mas napaaga. Alam ko naman na kailangan na kailangan naming bumalik para sa mga fans dahil meron kaming upcoming world tour. 

*Flashback*

"Hi guys!" Sambit ko pagpasok ko ng room na pinag iistay-an namin. Naabutan ko sila sa sala nag sisiksikan ang lima sa sofa habang si Namjoon Hyung ay nakatayo.

Lumapit ako sa lima at malulungkot ang mga mukha nila. "Anong meron?" Tanong ko sa lima. Yumuko lang sila kaya si Namjoon Hyung ang sumagot.

"We're going back to SoKor...." Nanlaki ang mga mata ko. Agad-agad? Hindi pa nga umaabot ng 10 months ang stay namin dito aalis na kami kaagad?

"Tinawagan ako kanina ni Manager Hyung na kailangan na nating bumalik sa SoKor next week pero ang sabi ko, 'pwede bang next next week nalang?' at pumayag naman siya."

"Kailangan na nating mag paalam sa girls. At makipag bonding na din para kahit papaano nakasama natin sila bago tayo bumalik. Makikita pa din naman natin sila. Diba pupunta daw sila sa SoKor para mag-aral? So, makikita pa din natin sila." Malungkot na sabi ni Namjoon Hyung. Tumango nalang kaming anim at natulog na.

*End of Flashback*

Pag labas namin ng kwarto agad kaming nakarinig ng ingay sa hallway. Napa ngisi nalang kami sa nakita naming nag titilian.

"GUUUYYSSS!! JUSKO LORD MAKAKASAMA NATIN NG BUONG ISANG ARAW ANG BANGTAN TANGINA!" -Shan

"Taena ni text ako kagabi ni Kookiebabes! Akala ko nga niyaya niya na akong magpakasal kaso magbabonding lang pala. Puta. Pero okay lang mahal ko parin siya. Pero may wink emoji tsaka kiss emoji eh. Kingina lang." -Shai. Galit ba siya o kinikilig? Ay ewan.

"Guys, pamura isa lang. Putangina guys yung busy-ng busy ako sa pesteng pimples ko kagabi tapos biglang tumunog yung cp ko. Dapat hindi ko nalang papansinin pero nung nakita ko yung pangalan ni Baby Yoongi, HOLY SHEEP! Mga bes, yung text niya nakaka kilig! Shet lang! 'Moa, are you free tomorrow? Let's go out. Kita tayo sa 7/11, 9 AM sharp. Ingat.' TAPOS FUKI MAY KISS EMOJI TANGINA LANG!" -Moa. Tinawanan lang siya ng mga kaibigan niya dahil with deep voice niya sinabi tapos biglang mura. Napatingin kami kay Suga Hyung at napa-iwas siya ng tingin habang namumula.

"YIEIEIEIE! MORGE MORGE! HAHAHAHA" Pang-aasar ni Erika sa kanya.

"Gago. YoonRyne nga kasi yun!"  Nag tawanan nanaman sila. Ang cute nilang tignan. Yung kahit anong gawin mong paninira hinding hindi sila matitibag.

Natigil sila nang napansin nilang kanina pa kami naka tingin sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila at tumalikod pero agad ding humarap.

"K-kanina pa kayo diyan?" Nauutal na tanong ni Erika at namula siya nang nahagip ako ng tingin niya. Nag-iwas siya kaagad at pumunta sa likod ni Kath.

"Uhmm... Oo, kanina pa." Sagot ni Namjoon Hyung. Nag yaya na si J-hope Hyung dahil nagugutom na daw siya kasi hindi pa siya kumakain ng almusal.

Nag punta kami sa McDo kasi gusto ni J-hope Hyung ng pancake. Pinag pipilitan nga ni Tete na sa Jollibee nalang, eh sawa na kami dun kaya McDo nalang. Humugot pa si Moa at Xeena kaya namura sila ni Erika.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon