Chapter 68

20 2 0
                                    

Hoseok's POV


"Are you sure you're okay there?" Tanong ng Queen ko kay Angelo na nasa kabilang linya.

Nasa New York kasi si Angelo dahil sa business niya. Kami naman, eto sa byahe papunta dun sa binili ni Xeena.

Grabe. Bumili ng resort para sa boyfriend niya. Bilhan ko kaya ng buhangin si Moa? Hehe. Biro lang. Baka ipakain niya sakin yon. Hahahaha!

"Ate, I'm fine. Malaki na ako." Sagot ni Angelo.

"You're still our baby brother, idiot. Fine. Take care. Don't do anything stupid, Angelo. I'm hanging up. Wait your Ate Alex to call you. Update us if you have time, okay? Love you." Madaming paalala ni Moa.

Kung ako siguro kapatid neto..... AYOKO. AYOKO SIYA MAGING KAPATID.

Yung pagmamahal ko kasi sa kaniya hindi pang kapatid lang eh. Hihi!

"Ayt. Love you too."

Yun lang at binaba na niya yung call.

"Nandito naman ako. Bakit bine-baby mo pa si Angelo?" Tanong ko sa kaniya.

"OG baby si Angelo. Hahahaha! Btw, gutom ka ba?"

Nagningning naman kagad mga mata ko nung tinanong niya ako kung gutom ako. Lately kasi parang lagi akong gutom tapos nahihilo ako at nagsusuka sa umaga.

JUSKO!

BUNTIS NA YATA AKO?!

Biro lang, siyempre. Gutom lang talaga ako ngayon.

Si Moa ang bubuntisin ko. Wag kayo magalala.

Secret yon! HAHAHAHA!

"Oo, baby. Gutom ako."

Binigyan niya ako ng malaking baunan. Yung Lock&Lock? Hahaha! Pagbukas ko, halos malaglag yung itlog sa ibabaw ng bibimbop na 'to. Haha! Amoy pa lang, masarap na. Pano na pag kinain ko na 'to?

"Oy, penge!!" Sigaw sakin ni Jungkook.

Psh. Akin 'to eh!!

"Eto, Jungkook. Sayo 'to." Sabay abot ni Moa kay Jungkook na mas maliit kumpara sa lalagyan ko.

Hehehe! Mas malaki yung akin. Bleeeh!

"Sino pa gusto? Mukhang malayo pa yung byahe natin eh. Ewan ko ba diyan sa magaling kong kapatid. Pag don di ko nagustohan, dun ko siya ililibing." Moa.

Natawa naman kami kasi halata mo sa itsura niyang iritang irita siya. Hahaha!

Dumaan ang dalawang oras ng isang pikitan lang. Pagtapos kasi namin kumain, nagsitulog kami. Hahaha! Mga patabang baboy eh. Si Taehyung lang yata di natulog kasi katabi niya yung driver. Siya lang wala jowa dito eh. Hahaha!

Kaming Bangtan lang ang nandito tsaka mga bebe namin. Tapos sa kabilang van naman, Got7 tsaka mga bebe nila. Tapos, ayun sila Xeena nasa Montero kasama ang pamilya niya.

Nandito kami sa biniling bahay na sinasabi ni Xeena. Pumarada lang kami saglit at isa isang bumaba. Tinulungan naman kami nung mga drivers ng Van at yung ibang mga naglilinis dito sa may garden. Medjo madami kaming dala. Akala mo dito na titira. Hahaha!

Nasa sala na kaming lahat pero wala si Troye tsaka yung mga bata. Siyempre, magtatanong ako para hindi ako naghahanap diba?

"Nasan si Troye tsaka yung mga bata?"

"Nasa kotse. Tulog kasi yung mga bata. Papalamigin ko muna yung kwarto nila bago sila ilipat." Sabi ni Xeena.

Paalis na sana siya pero pinigilan siya ni Taehyung.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon