Chapter 15

59 4 2
                                    

Author's POV


*kinabukasan*

Nawirdohan ang GG Squad at BTS sa kinikilos ni Erika maliban kay Jungkook na tahimik lang at walang kibo. Hindi mapakali si Erika dahil sa sinabi ni Jungkook kahapon. Hindi niya na nasabi sa iba kaya nag-aalala ang girls. Gusto niyang kausapin muli si Jungkook ngunit hindi niya alam kung paano siya ia-approach.

Nag paalam si Erika na maglalakad-lakad muna siya dahil hindi niya nagawa kahapon. Gusto niyang makapag-isip-isip. Hindi niya alam kung bakit ang laki ng epekto sa kanya ng sinabi ni Jungkook. Siguro dahil sa pagiging mausisa niya na hindi naman niya ugali. Ang sakit ng ulo niya dati dahil sa Stewart at kina Xeena ay nagbalik.

Naiwan ang BTS at GG Squad na malungkot dahil kay Erika. Ang nasa isip nila ay baka yung nangyaring pambabastos sa kanya kahapon, iyon ang tanging dahilan na nasa isip nila. Ayaw nilang hayaan itong mag-isa dahil nandyan naman sila para sa kanya ngunit napag isip-isip nila na magsasabi naman yan, ganito ganyan.

"Argh! Hindi ko mapigilang hindi mag-alala para sa kanya. Kasalanan ko 'to eh! Kung hindi ko sana siya iniwan ay walang mangyayaring ganun!" Naluluha na naiiritang sabi ni Ysa.

"Ano ka ba, Ysa. Wag mong isipin yan. Wala kang kasalanan. Walang may kasalanan ni-isa man sa atin. Yung putanginang gagong lalaking yun ang may kasalanan. Punyemas siya." Ani Shai.

"Malaki ang epekto nun kay Erika. Hayaan nalang muna natin siyang mapag-isa upang siya ay makapag isip-isip. Kailangan niya ng oras para sa sarili niya. Intindihin nalang natin siya." Ani Rain.

Walang imik ang bangtan dahil hindi din nila alam ang sasabihin. May sinabi si Lian na ikinataranta ng lahat.

"Paano kung bumalik yung lalaki at gumanti ka Erika? Baka may mangyaring masama sa kanya!"

Dali dali silang bumaba at hinanap si Erika.

Erika's POV


Umupo ako sa nag i-isang bakanteng mesa at um-order ng iced tea. Hindi ko ugaling uminom kapag may iniisip ako. Umiinom lang ako kapag broken hearted kay bias o kaya parang sasabog na ang utak ko. May space pa naman ang utak ko kaya iced tea muna. Hahaha!

Siguro ang iniisip nila ay hindi parin ako maka move on sa nangyari kahapon. Oo, may part sakin na hindi pa pero dahil sa sinabi ni Jeon Jungkook ay nawala. Paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit big deal ito sakin. Sa totoo lang, hindi ko ugali ang alamin ng sobra ang tungkol sa mga bagay bagay.

"Hindi mo na kailangang tignan dahil nakita mo na siya. Nakapaligid sa inyo. Mag observe ka. Kayo. Mas madali niyong mahahanap ang sagot. Kung puro kayo hula at hinala walang mangyayari. Wala kayong malalaman. Hindi niyo makukuha ang sagot."

Ayan nanaman. Puta. Move on na bes! Nakaka utay na eh!

I'm a bit guilty though. Nag lihim ako sa squad. It's one of our rules. Bawal mag lihim sa isa't isa lalo na kapag damay ang member ng squad.

"Ate.. Excuse me po. Pwedeng maki-upo?" Tanong sakin nung babaeng hindi nalalayo sa age ko. Tumango nalang ako at umupo sila ng kasama niya. Napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang sinabi nung kasama niya.

"Kenj, alam mo bang nandito ang Stewart sisters?" Nanlaki ang mata nung Kenj. Pati mata ko ay nanlaki. STEWART SISTERS?!

"Talaga ba, Jess?! Yung may ari ng Stewart Restaurant, Stewart Hotel, tsaka Stewart Airlines?! OMG!" Ani Kenj. Tumango naman si Jess. So, Jungkook is right? Nasa paligid lang.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon