Chapter 51

23 2 0
                                    

Author's POV


"Ara. Pasensiya na ah? Kailangan na talaga naming umalis. May problema sa squad eh. Ituloy nalang natin next time. Treat ko naman. Hahaha!" sabi ni Moa kay Ara habang naglalakad sila palabas.

Si Xeena ay kanina pa nasa labas, kausap ang grupo niya.

"No problem, Sam. I understand." ani Ara.

"Thank you talaga, Ara. Mauna ka na. Ingat ha? Ikiss mo nalang ako kay Aian. Haha." Moa. Sumakay na si Ara sa Range Rover niya.

"Sus! Wala yun. Hahaha! Sige. Ingat din kayo. Dahan dahan sa pagdadrive ha? Bye! Alex! Byee!" bumusina muna siya bago tuluyang umalis.

Wala pang 5 minutes ay nasa gate na sila. Para silang nasa Fast & Furious kung patakbuhin nila ng mabilis ang sasakyan nila at kung mag drift sila. Nakapaligid ang grupo nina Xeena at Moa sa buong village.

Bago pa maitapat ni Moa ang mata niya ay pinagbuksan na sila kaagad ni Shai na kanina pa nanggagalaiti sa galit.





Shai's POV


Malayo palang naririnig na namin ang dalawang magkapatid.

Nakita ko kaagad ang dalawa na nasa labas na ng pinto kaya bago pa maitapat ni Moa ang mata niya, binuksan ko na kaagad.

Ang bilis. 5 minutes nga. Pero, putangina wala akong pake. Kanina pa ako nagpipigil dito kasi nahihiya ako sa bangtan, Got7, at kina Andrea at Angelo.

"Lian, where's your phone?" seryosong tanong ni Xeena. Kinuha ni Moa ang telepono ni Lian at sabay nilang binasa ang text message na natanggap ni Lian.

From: +63-- --- ----

Sapat na siguro ang oras na kasama mo siya, diba? Masyado na kayong masaya. Para saan pa't naging magkakaibigan tayo kung ako lang ang nagluluksa, diba? Bakit hindi ko pa kayo idamay, diba? Sisiguraduhin kong iiwan ka niya sa ere at sa akin siya mapupunta. Sabihin mo rin dyan sa kaibigan mo na malaki ang kasalanan niya sakin. Sobrang laki! At pagbabayaran niya yon. Pareho kayo! See you soon, bitches.

Tangina, nanginginig talaga ako sa galit pag naaalala ko. Hindi ko makalimutan. Hindi ako pwedeng magkamali! Siguradong sigurado ako! Kilalang kilala ko kung sino ang nag text nun! Leche siya! Bwisit!

"Wag kang mag-alala, bhe. Hindi ka iiwan ni Namjoon. Mahal ka nun." Moa.

"Sana nga bhe." nakatulalang sagot ni Lian. Hindi ko alam kung naiiyak ba siya o nagagalit. Basta ako, galit na galit na!

Huminga ng malalim si Xeena, "Sa kabila tayo. Ayokong marinig nila ang pag-uusapan natin."

Sinunod namin si Xeena. Lahat kami nagpunta sa bahay niya. At doon na kami nakapaglabas ng galit.

"Hindi na talaga ako natutuwa dyan sa babaeng yan ah! Nakaka putangina na! Ang taas ng pangarap! Grabe!" Erika.

"Ang kapal ng mukhang manakot! Akala mo naman may ibubuga! Pakyow!" Ely.

"Anong gagawin natin? Ano nang plano? Sasabihin ba natin sa boys? Uminom nga muna kayo ng tubig." tanong ni Rain kina Xeena sabay abot ng tubig sa kanila.

"Sa tingin ko, dapat nating sabihin sa kanila. Lalo na kay Namjoon." ani Ysa.

"Wag muna. Hindi pa ngayon ang tamang panahon." Xeena.

"Ano?! Bakit wag muna?! Kung hindi pa ngayon, kelan pa?! Pag naagaw na sakin si Namjoon??? Ayoko! Hindi ko kaya..." tumulo ang mga luha sa mata ni Lian. Tinabihan namin siya ni Marie at hinagod ang likod niya.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon