Chapter 41

40 3 0
                                    

Taehyung's POV

Nagpaiwan ako dito sa sala pagtapos namin kumain ng dinner. Hihintayin ko si hon. Uuwi naman yun panigurado. Inaantok na kasi sila kaya para wala ng maraming tanong sabi ko di pa ako inaantok, manonood muna ako ng T.V.

Hindi naman siguro magagalit si Moa pag binawasan ko yung pagkain niya dito mamaya kung sakali. Hehehe. Ang dami niya kayang biskwit dito tsaka chips. May mga noodles din.

Napatingin ako kay Hoseok hyung nang tabihan niya ako.

"Akala ko matutulog ka na, hyung?" tanong ko.

"Di pa din ako inaantok eh. Samahan nalang kita."

Palusot pa 'to si hyung eh si Moa lang din naman ang hinihintay niyan. Hahaha!

"Tinext mo na ba si Xeena?" tumango lang ako. Hindi pa siya nagrereply mula pa kanina eh. :(( Kahit 'I love you' lang niya okay na ako eh kaso wala. Nag-aalala na din ako. I don't know why.

Mag-aalas dose na ng hating gabi ngunit wala parin sila. Nakatulog na si hyung sa kabilang sofa habang ako ay gising na gising pa kahit naka patay na ang ilaw at tanging lamp nalang sa side table at yung T.V ang nagbibigay liwanag sa living room.

"Wae ajigdo kkaeeo issni? Umakyat na kayo doon. Anong oras na oh. Baka bukas pa umuwi yung mga yun." halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may nagsalita. Si Jin hyung lang pala! Susme!

/Trans: Bakit gising ka pa?/

"Hyung naman eh! Nanggugulat ka eh. Ikaw? Bakit gising ka pa??" pasigaw kong bulong sa kanya. O diba, ang gulo ko. Si hyung kasi eh!

"Sorry. Hahaha. Kukuha lang akong tubig. Bawal mauhaw? Tsaka titignan ko din kayo."

Hihintayin ko parin si hon. Ayoko pang matulog. Pauwi narin siguro yun. Baka na low batt lang kaya hindi makapagtext.

"Kung hindi ka pa aakyat, hindi rin ako aakyat. Sasamahan kita. Sabihin mo kay hyung, susunod tayo. Mauna na siya." biglang salita ni Hoseok hyung.

"Hyung, pwede ka naman nang umakyat kung inaantok ka na. Baka sumakit katawan mo dyan."

"Wag ka ng magulo dyan. Parang hindi mo alam yung isang dahilan kung bakit kita sinasamahan. Tsaka kumportable naman ako dito eh. Ang lambot kaya parang kama." natawa ako kay hyung. Umupo siya ng maayos at tinignan ang phone niya.

"12:00 A.M?!" napatakip kaagad ng bibig si hyung. Lagot kami kay Suga hyung pag nagising yun. Putek.

"Ano ba yun???? Bakit???" halos matapon ang tubig na hawak ni Jin hyung.

"Wala. Wala. Akyat ka na, hyung. Susunod kami."

"Siguraduhin niyo ah? Wag niyong hintayin na si Suga na ang magpa-akyat sa inyo."

Tumango kami at umakyat na din naman si hyung. Binawasan namin ni hyung yung ramen niya dito. Hehe. Wag nalang kayong maingay kay Moa. Baka magalit at barilin kami.

Nanood na din kami ni hyung ng movie sa HBO. Bumibigat na ang talukap ko at dinadalaw na ako ni antok.





Nakaramdam ako ng may dumadampi sa mukha ko. What the hell. Tinakpan ko ang mukha ko. Si hon lang ang pwedeng gumanyan sakin. Naramdaman kong inalis ang unan sa mukha ko at ayun nanaman. May dumadampi nanaman sa mukha ko. Anak ng tokwa!

"Hon, wake up..." automatic na nagbukas ang mata ko nang marinig ng dalawa kong tenga ang boses ng mahal ko. Nakangiti siya sakin. Siya pala yun eh! Hihi.

"Bakit dito ka natulog?" imbis na sagutin ko siya ay hinalikan ko siya. Namiss ko siya eh, bakit ba? Nag-alala din ako sa kanya.

Pinutol niya ito upang huminga at ganun din ako. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon