Chapter 46

24 2 0
                                    

Andrea's POV


Kami nalang nina Zoe, King, at sina Benjie ang nasa katinuan pa. Si Bessy, wala na. Tinamaan na. Ang daldal na eh. Siguro kung nakakamatay ang titig ni King, malamang patay na 'to si bessy kanina pa.

Sina Ysa naman at yung labing apat na kinukwentuhan niya ay lasing na lasing na. Bagsak na silang lahat. Buong pangyayari ata na nangyari sa kanila nung wala kami ay nakwento na niya. Haayy...

"Alam niyo ba? *hik* Wag kayong *hik* maingay ah? *hik* Secret *hik* lang. Serial *hik* killer si Xeena. Walang *hik* sinasanto yan. Kapag may *hik* kumakalaban sa amin, *hik* pinapatay niya *hik* kaagad *hik* o di kaya pinapa *hik* bugbog. May frat *hik* din yan. Supremo ang *hik* tawag sa kanya,"

"While me, I am just a boss who *hik* order someone from the family to kill. Minsan, *hik* ako na ang pumapatay. Mas *hik* madali. Putangina, para na akong *hik* tanga dito. Di kayo kumikibo. *hik*"

Nagkatinginan kami nina Jino. Anak ka nga naman talaga ng nanay niyo, bessy. Bakit sa dinami dami ng pwedeng ibunyag, yung pinaka deep secret niyo pa?? Malilintikan ka niyan bukas panigurado. Sana hindi nila matandaan ang mga sinabi mo kasi kung oo, nako po nanay ko!

"Punyeta," nagtitimping sabi ni Alex Eena. Ayan na. Galit na. Nag-aya ng umuwi si King dahil baka kung ano pa ang masabi ni bessy at baka kung ano din daw ang magawa niya sa kapatid niya. Pero bago pa kami makaalis ng tuluyan may tinawagan muna si King para sa magdadrive ng mga sasakyan nila.

"Supremo," tawag ng anim na tinawagan ni King. Apat na lalaki at dalawang babae. Hindi ko sila kilala dahil mukhang bago lang sila or bago lang talaga sila sa paningin ko. Hintayin ko nalang na banggitin ni King ang mga pangalan nila. Binigay niya ang susi sa kanila. Infairness, may itsura yung isa. Hahaha! Charot lang. Loyal ako kay King.

Nagpakilala naman sila bago sila bilinan ni King kaya nakilala ko rin kaagad.

"Ingatan niyo ang mga sasakyan at lalo na ang mga sakay niyo. Pag may isang galos yang mga yan, hindi ko na kayo hahayaan pang makalakad. Subukan niyong itakbo yang mga sasakyan, lalo na kayong dalawa. Spade at Phoenix. GT at Firebird pa naman ang dala niyo. Baka hindi lang paddle at bat ang dumikit sa balat niyo. Pati bala."

"Supremo naman! Hindi ako ganyan. Ang gwapo ko naman atang carnapper kung ganun!" apila nung may dala ng sasakyan ni bessy na si Spade. Parang biglang humangin ako. Guminaw ata. Tsk.

"Namo, Spade. Mabait ako, Supremo. Takot ko lang sayo. Haha!" Phoenix. Babae siya tsaka si Ace.

"Lul. Tangina mo, Spade." Dragon.

"Red horse pa, pareng Spade.." Karma.

"Sagasaan kaya kita, Spade?" Ace.

"Ang hangin mo nanaman. Bwisit." Axe.

"Mas lasing ka pa ata kesa dala niyo eh. Tara na. Lakas na ng tama ng kasama niyo." King.

"Grabe naman kayo sakin." inarte ni Spade na tinawanan lang nila.

Umalis na kaming lahat. Nauuna sila Bryan at nasa hulihan naman kami ni Alex Eena. Mabuti na daw yung sigurado. Kasama namin si bessy at Zoe dito. Inoorasyunan nga yata kami ni bessy at kung ano-ano ang binubulong.

"Namimiss ko na si *hik* Anna....." mapatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Anna??? Familiar yung name niya. Ang alam ko nabanggit na sakin ni bessy yun eh. Yung tumraydor daw sa kanila.

Ay! Oo nga! Siya nga! Naalala ko na!

Pero, teka. Namimiss niya na yung bruhang yun? Eh, halos ipapatay niya yun kung hindi lang naunang gumawa ng move si Alex Eena. Pinabugbog niya eh. Hindi ko lang sure kung naospital. Pero imposible ding hindi naospital yon. Si King pa ba? Gaya nga ng sabi kanina ni bessy, wala siyang sinasanto. Kakaiba siya mag bigay ng parusa. Pagsisisihan mo talaga.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon