Chapter 54

13 2 0
                                    

Yugyeom's POV


Habang inaasar namin si Jin hyung ay biglang bumaba si Zoe at dumiretso kaagad sa dining area. Parang may kakaiba sa aura niya.

"Umiiyak ba siya?" biglang tanong ni Jackson hyung. Medyo namumula kasi yung ilong niya tapos yung mata niya medyo namamaga. Nagkibit balikat nalang kami. Baka ganon talaga siya pag bagong gising. Medyo weird...

Nakaramdam ako ng uhaw at bahagyang pagkagutom kaya tumayo na ako papuntang dining area. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko sina Zoe at Moa na magkayakap sa kusina. Umiiyak nga si Zoe. Bakit kaya? Pero teka nga. Ano bang pake ko? Tutuloy na sana ako nang napansin ko ang biglaang paggalaw ang isa sa mga upuan dito. WTH. Sinilip ko ito nanlaki ang mata ko nang maabutan ko si Ely doon na nakasilip kila Sam sa pagitan ng mga upuan habang may hawak na hindi ko alam kung ano.

Spy ba siya or what?

"I know this is too much to ask but can I please stay beside you habang hindi mo pa narerealize ang lahat? Gusto kong bumawi sayo. Hindi pa ako handang bitawan ka. Stupid right? But soon, I'll be able to let you go and move on. Hayaan mo lang muna akong bumawi sayo. Please??"

"If that's what you really want then, okay.."

Luh??? Tama ba yung narinig ko???? Pumayag si Sam? Bakit? Hindi naman sa nangingielam ako o ano. Pero siyempre bilang kaibigan ni Sam, nagtataka lang ako kasi bakit pa hahayaan ni Sam si Zoe, ang taong nanakit sa kanya na manatili sa tabi niya? Parang si Sam pa ang kailangang mag adjust para sa kanya. Nababaliw na ata si Sam.

Biglang lumabas si Ely mula sa ilalim ng mesa at hinatak na ako paalis doon. Hingal na hingal kaming nakabalik sa sala. Napahawak ako sa kamay ko dahil sa lakas ng palo ni Jin hyung sa kamay namin ni Ely. Tinignan ako ng masama ni Jin hyung. Luh. Bakit ako????

"Wae son-eul jab-a?" /Trans: Bakit mo hawak ang kamay niya?/

Bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni Ely. "Wala siyang kasalanan. Ako ang humatak sa kanya."

"Para saan? Bakit kailangan sa kamay pa?"

"Eh dun ko na siya nahawakan kasi nagmamadali kami. Ano bang masama doon?"

"Sana aware ka na magseselos yung manliligaw mo at sana rin aware ka na ayaw niyang may iba kang kahawak na kamay bukod sa kanya. Sana lang naman." seryosong sambit niya kay Ely at umakyat. Sandali pa siyang natigilan pero bumalik din sa realidad bago sundan yung seloso niyang manliligaw. "Seokjin, teka!"

Nalipat ang tingin nilang lahat sa akin. Yung mga tingin nito nina hyung halatang may kakaibang pinaparating eh.

"Oy, Kim Yugyeom. Umamin ka nga. May gusto ka ba kay Ely?" diretsong tanong sakin ni Jinyoung hyung. Sabi na eh. Tsk.

"Wala. Bakit mo naman naitanong yan, hyung?"

"Wala lang. Akala ko meron eh. Baka mamaya..." hindi na niya tinuloy dahil tinignan siya ni Bambam. Psh. Hindi ako ganon. Edi sana inagaw ko na si Alex kay V hyung kung ganon, diba?

Bigla kaming nakarinig ng motor na pinaharurot paalis. Mukhang umalis sina Sam ah.

"Hindi kumpleto itong ikukwento ko kasi si Ely ang nakakaalam ng buo," umupo ako ng maayos at kinwento lahat ng naabutan ko kanina.

"Anong sinagot ni Moa?" kunot noong tanong ni Erika.

"Pumayag siya."

"Eh?"

"Ano??? Bakit???" Suga hyung. Nagkibit balikat ako. Iba ang takbo ng utak non. Mahirap basahin at intindihin. "Apektadong apektado ka naman dyan, Suga?" napalingon kaming lahat kina Jin hyung at Ely na kakababa lang ng hagdan.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon