Chapter 74

44 4 0
                                    

Ely's POV


"Pikachu!!!" nangungulit na tawag sa akin ni Jin. Pinandilatan ko siya ng mata at sinabing wag maingay. Napatakip naman siya ng bibig at lumapit sa akin.

"Kumain na kasi tayo sa labas."

"Oo na. Sige na pero bukas nalang."

Inaaya niya kasi akong magdate, ako naman si tanggi dahil nakikitsismis pa ako dito. Hehehe. Charot. Nag-away kasi si Bebe ko tsaka si Hoseok. Hindi namin alam kung bakit. Narinig nalang namin silang nagsisigawan sa kwarto ni Bebe ko tapos nung kakain na, sobrang layo nila sa isa't isa at kung daanan nila ang isa't isa parang hindi sila mag jowa!

Hindi naman sa ito ang unang beses nilang pagtatalo pero iba talaga ngayon.

Ito nga na naman eh. Nagsisigawan na naman sila. Nandito kami sa kwarto naming squad which is malapit lang sa kwarto ni Moa kung nasaan sila nagtatalo. Sina Lian, Namjoon, Xeena and fam lang ang wala dito. Umuwi sila sa bahay nila kagabi.

"Alam mo? Hindi ko na alam sayo eh! O.A ka na! Nakakabwisit ka na!" Moa.

"Ang sabihin mo, mahal mo parin!" Hoseok. What??!!

"Sa tagal nating magkasama, 'yan parin ang nasa isip mo?! Binigay ko na sayo lahat ah! Hindi parin ba 'yon sapat para mapatunayan kong ikaw ang mahal ko?! Nakakasawa na! Parati nalang siya ang pinag-aawayan natin na dapat hindi!" Moa.

"Ah! So, inamin mo rin na sawa ka na! Edi wag na nating ituloy 'tong relasyon na 'to kung ganon!" Hoseok. Nakarinig kami ng kalabog. Hindi ko alam kung suntok ba yun o sampal.

Natahimik kaming lahat. Maski ang nangungulit na si Seokjin ay natahimik. Nagkatinginan kaming lahat.

"Hindi ganyan ang ibig kong sabihin! Nilalamon ka na ng galit at selos, Hoseok. Wag mong hayaang masira tayo nang dahil lang dyan. Ang tagal na natin. Ang TAGAL na natin. Magpalamig muna tayong dalawa at pag-isipan mong mabuti 'yang sinasabi mo. Baka seryosohin ko 'yan, maranasan mo ang nangyari sa kagrupo mo." mariin at malamig na saad ni Moa bago umalis ng padabog.

"Wait.." ani Hoseok ngunit sumara na ang main door.

Narinig namin ang pagharurot ng sasakyan ni Moa paalis ng village. Lumabas kami isa-isa at nakita namin si Hoseok na nakaupo sa may hagdan at nakayuko.

Dinaluhan siya ng boys habang kami namang girls ay hindi alam ang gagawin. Hindi namin alam kung saan nagpunta si Bebe ko.

"What happened?" sulpot bigla ni Angelo.

"I fucked up, bro." kinwento niya ang pinagmulan. Inamin niyang kasalanan niya dahil nagselos na naman siya kay Zoe kahit wala namang dapat ikaselos. Alam niyang magkaibigan ang dalawa, humingi rin ng permiso si Moa sa kanya bago tuluyang makipagkaibigan kay Zoe at pumayag siya. Alam niya lahat ng topic na pinag-uusapan nina Moa at Zoe tuwing magkausap sila dahil pinapabasa rin sa kanya ni Bebe ko pagtapos. Bihira lang din naman daw silang mag-usap. Hindi niya lang daw maiwasang hindi mapraning dahil first love daw siya ni Moa at may posibilidad daw na bumalik ang feelings ni Moa para dito. Nadala lang daw siya sa galit niya kaya nasabi niya 'yon. Hindi naman daw niya sinasadya.

Well, kasalanan nga talaga ni Hoseok. Bakit siya pumayag kung nagseselos naman pala siya kay Zoe? Ilang taon na sila ni Bebe ko, imposibleng bumalik ang feelings non. Kilala ko yun. Tsaka alam naman pala niya eh, wala naman palang tinatago sa kanya si Moa lalo na kung si Zoe ang usapan.

"Kami parin naman diba? Babalik pa siya diba? Uuwi pa siya diba? Diba??" naiiyak na tanong ni Hoseok.

"Sa tono ng boses ni Ate kanina, mukha namang babalik siya.... kaso may posibilidad din na matagalan ang balik niya." ani Angelo na mas lalong nakapagpaiyak kay Hoseok.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon