Chapter 38

30 3 0
                                    

Shan's POV


Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian nang may matanggap akong text message galing kay Moa. Maaga siyang umalis kanina dahil may pupuntahan daw siya. I'm not sure kung susunduin niya ba yung kinuha niya fashion designer o may trabaho siya. Si Xeena naman kakaalis lang. May aasikasuhin lang daw siyang importante. Si Angelo lang ang naiwan sa amin.

From: Moaaaa <3

hellooo!! ngayon nalang daw tayo susukatan sabi nila para magawa na daw kaagad since marami tayo. pakisabi nalang sa iba hehe thank youuu ;* alam na ni angelo kung saan kaya alaws problema HAHAHA ingat kayo. ily <3

O_O

Grabe! Ngayon na kaagad??? Wala pa kaming ligo lahat! Juice colored!

"Ala! Marie, bilisan mong maghugas. Guys, ngayon na daw tayo susukatan!" sabay naming sabi ni Erika at Ely.

"Ha?! Akala ko ba bukas???" tanong ni Shai at binilisang punasan ang mesa.

"Para daw magawa na at matapos ng maaga." sagot ko.

Unang unang naligo si Lian, Ely, Kath, at Rain. Sa kabilang unit naligo si Erika dahil nga nandon ang mga damit niya.

Lumabas ako ng unit at isa-isang kinatok ang boys.

Si Jungkook ang nagbukas ng pinto. Naaninag ko ang ibang members sa loob. Wala. Chill chill lang.

"Hi Shaaann!!" bati sakin ni Hoseok mula sa loob. Kinawayan ko siya.

"Bakit?" Jungkook.

Kagwapong bata naman nito. Ahe. Charot. Joke lang. Hehe.

"Hello. Ngayon na daw tayo susukatan. Kita-kita nalang tayo sa lobby. Bye bye." sabi ko at sunod na kinatok ang kabilang unit.

Si Mark naman ang sumalubong sakin.

Lord, help me.

Tapos na ang almusal diba?? Bakit parang kailangan ko ng kape?? Tsaka palaman?? Putek..

Kumalma ka, Shan. Kalmahan mo lang. Huminga ka.

"Bakit?" Mark.

"Uhm.. Ah... Eh... Hello. Ngayon nalang daw tayo susukatan sabi ni Moa. Kita-kita nalang tayong lahat sa lobby. Uhm.. Sige. Una na ako. Uhm.. Ge. Bye." nauutal kong sambit.

Hindi ko na hinintay na makasagot siya at bumalik na sa unit namin.

Josko..

"Anyare sayo?? Okay ka lang ba??" nag-aalalang tanong sakin ni Ysa. Kakatapos niya lang maligo at nakatapis pa.

"Ha? Wala. Me is fayn. Ligo muna ako, men." sabi ko at pinakalma ang sarili.

Kinuha ko ang tuwalya sa kwarto namin tsaka underwear at pumasok na ng banyo.

Gamit ko yung binili saming body wash ni Moa nung nag Landers kami. Dove siya. Olay naman yung sa iba. Ang ganda nga eh. Bukod sa mabango, ang milky pa ng skin ko pagtapos. Tsaka hindi siya malagkit pagkabanlaw.

I'm a dove girl, and I love it. Hahaha!

Pagkalabas ko, malapit na silang matapos. Mga naglalagay nalang sila ng lip tint, ayos ng buhok, nagsasapatos, at nagpapabango. Ako nalang ang nakatapis kaya dinalian ko na.

Nag polo ako na may itim na sando sa loob tapos maong shorts then flats. Tinali ko ang buhok ko into ponytail para astid tapos lip tint.

Ready to go na kaming lahat!

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon