Chapter 55

24 2 0
                                    

Youngjae's POV


Nagising ako nang may nagsisigawan sa labas kaya ginising ko silang lahat. Inalog ko sila isa-isa at unang nagising Jackson hyung na mukhang galit pa.

"Ano ba yun?! Anak ng pucha. Anong oras na ba?!" tanong niya sakin habang ginigising na din yung iba. Tinignan ko ang phone ko at shet! Patay!

"5:20 na!! Lagot!!"

Agad silang napatayo at dumiretso sa banyo. Siksikan sila doon. Waw. Waw lang talaga.

Dahil ayaw ko munang makisiksik sa kanila doon at ang babaho pa ng mga hininga nila, inayos ko muna ang kama at yung susuotin ko. Nag black shirt nalang ako at shorts. Nang makalabas na silang anim ay mabilis akong naghilamos at nagsipilyo.

"Jinyoung-ah, nakita mo ba yung black kong tank top?" tanong ni Jackson hyung. Inabot naman ito ni hyung at pagkasuot ni Jackson hyung ay nagtawanan kami.

"Puta. Sigurado ka ba dito?? Langya, magpapakita ako sa nililigawan ko at sa ibang girls kita 'tong nipples ko? Niloloko mo ata ako eh." hinubad niya ulit yung tank top at nag white na sando nalang.

"Uwaah!!" napabalik ako sa loob dahil sa sigaw ni J-hope hyung. Natawa nalang ako. Ang epic ng mukha ni hyung. Hahaha!

Mas lalong lumakas ang sigawan na nagpagising sa akin. Oo, ganun siya kalakas para magising ang isang tulog mantikang katulad ko. Dahan-dahan kaming bumaba.

"Pucha! Namatay ako! Pakyu, Shan!"

"Oh! Gago, patayin mo! Patayin mo!"

"Dali! Dali!"

"Taena mo, Marie! Wag kang tumakbo! Lapit dito!!"

"Lul! Balakajan! Mamamatay na ako!"

"Hala shit! Lag amputa! Pakshet naman!"

"An enemy has been slain."

"Ysa naman!! Ilang beses ka ng namamatay! Ops ops!! Balik! Balik! Hahaha! Recall!!"

"Gago kasi 'to si Erika eh!"

"Ba't ako?? Hahahaha!!"

"Ano ba yan, kapatid! Hahahaha!! Weak shit."

"Sus! Execute pa!"

"Pakshet. Ang babagal nitong mga minions!! Ako tuloy ang pinupuntirya nitong turret! Dali!!!"

"Turret?? Kanta 'yon diba?? Turrete sayo~ Hahahahahaha!! Tawa naman kayo dya-- uy! Putek! Epal kayo!!"

"Joke ka pa kasi dyan eh. Oh yes!! Victory!!! Nice one, Xee! MVP ka na naman! 63 kills!!"

Sumilip kaming lahat sa garden at ayon ang girls! Nasa garden, naglalaro ng hindi ko alam kung anong app. Putek. Akala ko naman kung ano na!

"Puta! Hahahahahahahaha!! 2 kills tapos sampung beses namatay?? Anyare sayo, Marie?? Takbo ka pa ah? Hahahaha!!" nang-aasar na sabi sa kanya ni Shai.

"At least, hindi lang isa ang napatay ko. Pakyu." agad na nagreact si Kath. "Heh! Hintayin mo lang! Pag ako natuto nito, one on one tayo. Ano ha?" tumawa lang sila.

"Nakakailang laro na tayo, hindi parin gising ang boys. Napasarap ata ang tulog nila." biglang sabi ni Ysa sabay inom ng kape. Sumang-ayon ang iba kaya nagpakita na kami. Anong oras ba sila nagising at parang kanina pa sila nandito??

"Ayan na pala sila eh. Good morning!" masayang bati sa amin ni Lian habang papalapit kay RM hyung. "Ang ingay niyo. Abot hanggang kwarto namin. Ano bang nilalaro niyo?" tanong ni Suga hyung.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon