Chapter 59

33 1 0
                                    

Ely's POV


Nandito kaming squad sa kwarto namin, nakaupo sa sahig. Pinagkwento namin si Bebe ko tungkol sa date nila kahapon. Pinagsisihan ko ngang tumabi sa kanya eh. Hindi daw kasi siya makapaglabas ng kilig kahapon kasi nakakahiya daw kay Yoongi. Tangina, kulang nalang tadyakan niya na ako palabas ng kwarto eh. Grabe, ipon na ipon.

"Hay nako, bhe. Sa dami ng kwento mo, wala ni-isa doon ang gusto kong marinig. Kailangan ko pa bang tanungin bago sabihin??" kungyaring nauurat na wika ni Lian. Sumang-ayon naman kami.

"Ha? Ano ba yun? Tanong mo na dali." hinampas nga namin siya. Gaguhin niya na lahat, wag lang kami. "Aray! Ano ba yun, bhe??"

"Ulol! Wag kami, Samantha Moaryne." Kami.

"Kakauwi niyo lang, Samantha Moaryne. Mag-aalas dos palang ng tanghali. Imposibleng walang nangyaring kakaiba. Wag mo kaming niloloko." Ako.

"Hoy! Anong kakaiba ka dyan? Wala! Adik. Ang ano niyo naman eh. Ang bata bata ko pa para sa ganun. Gago 'to. Malibog lang ako pero takot akong gawin. Adik kayo. Tsk."

Eh??

"Hahahahahahaha!!" Kami.

"Nako, bhe! Ipalinis mo na yang utak mo. Hahaha!" Lian.

"Wala ka na talagang pag-asa, bebe ko. Nako! Hahaha!"

Nagtataka niya kaming tinignan. Tangina talaga nito ni bebe ko eh. Dapat dito hindi nakikipagdate eh. Lumalala eh. Hahaha! Patokhang ko na kaya?

"Pinapasa mo sa amin yung kadumihan ng isip mo, Morge. Hindi naman 'yun' ang pinaparating namin. Ikaw talaga." natatawang sabi ni Kath.

"Ang ibig kong sabihin bhe ay kung nagkiss ba kayo. Hindi yung puro lang kayo sa pisngi at noo. Kumbaga, first kiss mo bilang BABAE talaga. Ikaw naman kasi ang lalaki sa inyong dalawa ni Zoe noon diba? Yun yung pinaparating ko, bhe. Nako ka talaga. Linis din. Hahaha!" tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

"Ah! Akala ko naman kung ano. Punyeta. Linawin mo kasi bhe. Alam mo namang kakaiba ang pagkakaintindi ko sa mga bagay bagay eh. Hahaha! Uhm.. Hindi pa. Gusto ko rin kasi kung magkiss man kami, gusto ko yung kami na. Ganon."

Sa bagay. Naiintindihan ko siya. Pareho kami. Kahit ang sarap halikan ng bibig ni Jin, ayaw ko parin.

"May point ka nga naman. Pero maiba ako, kamusta? Okay na? Nasigurado mo na?" pabulong na tanong naman ni Shan. Sa mukha niya palang, halatang hindi parin. Bumuntong hininga pa siya. Sino kaya ang gumugulo sa kanya? Kasi kung wala naman eh bakit pa niya patatagalin, diba? Sure ako na sasagutin niya kaagad si Yoongi the moment na umamin siya pero hindi.

"Ano ba yung nararamdaman mo? May bumabagabag ba sayo?" Erika.

"Baka naman iniisip mo si Rain?" Marie. Umiling si Moa.

"Selfish man pakinggan pero hindi ko siya inisip simula nung umamin si Yoongi. Kinikilig ako sa kanya, oo. Gusto ko din siya, oo, pero hindi siya sapat. May pumipigil sa akin. May nagsasabi sa akin na hindi. Sinubukan ko kahapon. Wala akong ibang inisip kundi kami lang pero nandun parin eh. May pumipigil parin eh,"

"I'm quite bothered about Hoseok lately," palihim akong napangiti. "Madalang niya na akong pansinin. Hindi naman sa ano pero nag-iba kasi yung way ng pakikipag-usap niya sa akin. Halata namang may problema siya pero ayaw naman niyang sabihin. Ewan ko ba. Sobrang big deal talaga sa akin. Nakakamiss kaya yung kakulitan nun." dagdag pa niya. Shet. Omaygahd, Jung Hoseok. Pasalamat ka, hindi ako madaldal. Kung hindi? Malamang, nakwento ko na kay Moa ang naging estado mo pag-alis nila. Para kang nagmemenopause. Ikaw na ang pogi, Jung Hoseok! Nako! Torpe ka lang talaga eh.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon