Chapter 5

55 5 2
                                    

Jungkook's POV

"Hyung...." Parang bata na sabi ni V Hyung kay Namjoon Hyung na may kausap sa phone. Ayaw pa talaga naming umuwi. As in. Pero kailangan. Dapat next next day pa ang flight namin pero mas pinaaga ni PDnim.

Yung iba ay inaayos ang gamit nila para mamaya pag balik namin galing sa pagba-bonding-an namin ay ready to go na kami. Umupo sila pagkatapos nilang mag-ayos.

"Tae, saglit lang. Kausap ko pa si Manager Hyung." Malungkot na tumabi sakin si V Hyung. Narinig kong tumunog ng ilang beses ang phone nina Suga Hyung, Jin Hyung, Jimin Hyung, V Hyung, at sa akin. Hindi ko narinig ang tunog ng phone ni Hoseok Hyung, naka silent ata dahil nakita ko siyang nakatutok sa cellphone niya.

Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Marie at Shai.

From: Shai (FGF) <3

Hi Kookie! Ready na kami. Text niyo lang kami kung ready na kayo. :)

Nireplyan ko siya.

To: Shai (FGF) <3

Okay. Nag-aayos lang ng gamit sila Hyung. Sorry kung paghihintayin namin kayo. Ang bagal nila mag-ayos eh. Hahaha!

Sunod kong binasa ang text ni Marie.

From: Marie

Hi Jungkook! :D Ready na ba kayo? Tapos na kami. :)

"Yah! Tara na! Tapos na ang mga girls. Cellphone pa kayo dyan ng cellphone, tara na!" Hindi ko na nareplyan si Marie dahil pinagmamadali kami ni Namjoon Hyung.

*on the way to the airport*

Author's POV

Umiiyak yung iba at ang iba naman ay naluluha. Gabi pa naman ang flight ng pito pero maaga silang nag ready at umalis para makapag bonding pa sila kahit saglit. Magkahiwalay ang van na sinasakyan nina Ely at iba rin ang van na sinasakyan ng BTS.

Van ng condo ang gamit ng bangtan pero si Namjoon ang driver at ang 12 naman ay van ni Xeena at si Xeena din ang driver. O diba? Kay Xeena talaga ang van na yan. RK diba? Tsk!

"Magpapa-picture ako kay Yoongi and bangtan. Mamimiss ko sila. Huhuhu!" Iyak ni Moa. Sipain ko to eh. Ang arte. Dejk.

"Ako din! Magpapa-picture ako sa lahat. Lalo na kay Namjoon." Ani Lian na sinang-ayunan ni Anna.

*sa kabilang dako.....*

Ang tahi-tahimik nilang lahat. Tunog lang ng gas at mga kotse sa labas ang maririnig. Hindi maipinta ang mukha nila. Binasag ni Jimin ang katahimikan.

"Arghh! Pwede bang dito muna? Ayoko pa talagang umuwi!" Galit na sabi ni Jimin. Hinagod-hagod ni Hoseok yung likod niya.

"Yah. Jiminie, alam mo namang hindi pwede diba? Ilang beses ko bang uulitin? Kung pwede, edi sana hindi tayo nag paalam sa gir---"

*BEEEPP!!!*

"HYUNG!"

Xeena's POV

Medyo binilisan ko yung pagmamaneho ko. Kasi naman! Ang bilis-bilis mag drive ni Namjoon. Excited ata. Kaurat.

"Oy Xeena, nasan na sila? Ang bagal mo namang mag drive. Naiwan na tuloy tayo." Pagrereklamo ni Moa sa tabi ko.

"Eh kung iwanan kita dito? Edi maglakad ka! Nakikisakay ka na nga lang nagrereklamo ka pa." Bulyaw ko sa kanya. Tumahimik naman siya. Hay salamat naman..

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon