Chapter 43

30 3 0
                                    

Hoseok's POV
(Moa's birthday || 11:45 AM)


Lahat kami ay inaayusan na ng mga stylists namin para mamaya. Tinawagan talaga ni Namjoon si Manager hyung para bumalik dito kasama ang mga stylists namin, baka daw kasi mapatay ni Xeena yung aayos samin pag dito kinuha ayon kay Queen.

Pagkatapos ng week ng birthday ni Lian ay agad na pinaghandaan ni Moa ang birthday niya. Sa Stewart Hotel's Grand Ballroom gaganapin. Nagpatahi siya ng cocktail dress para sa squad at ng suit namin. Aqua blue ang color ng dress nila habang kami naman ay puti ang kulay ng suit maliban kay Yoongi hyung na itim.

Ano kayang itsura ni Queen mamaya?? Yung gown niya?? Mukha kaya siyang reyna??? Sana hindi heavy ang make-up niya. Mas maganda kung yung light lang parang natural lang. Pero kahit ano naman ang maging itsura niya, maganda siya sa paningin ko at siya parin ang babaeng mahal na mahal ko.

"Angelo, anong regalo mo para kay Moa?" dinig ko tanong ni V. Isang tanong, isang sagot yan. Pramis! Pusta ako piso. Hehehe.

"Just an Angel wings necklace." Angelo.

"Woah! Pero, bakit yun?" Taehyung. Gulat na gulat?

"Hm.. Bagay kasi sa kanya kaya ayun, binili ko na." Angelo. Nagpaalam siyang lalabas muna.

Binalingan naman ni V si Yoongi hyung, "Eh, ikaw Suga hyung? Anong regalo mo kay Moa? Pagmamahal mo din ba? O ang pag-amin mo? Hehe." agad naman siyang binato ni Jimin.

"Pakyu ka, V." natatawang mura sa kanya ni Jimin.

"Rolex." bahagya kaming natigilan sa sinagot niya at hindi makapaniwalang tumingin kay Suga hyung.

WEH?????

Bakit hindi naman namin siya nakitang bumili nung nag mall kami??

"Weh?! Kelan ka bumili???" Jin hyung.

"Nung nag mall tayo."

"Parang hindi naman kita nakitang bumili." Ako.

"Busy kasi kayo." tumayo na siya at sinuot ang damit niya. Tapos na kaming lahat ayusan at si Suga hyung ang huling natapos.

"Naks! Ang gwapo ni hyung ah! Ready'ng ready na!" RM.

"Yoongi Oppaaaa!! Saranghae!!" ipit ang boses na sabi ni Jimin. Tangina. Hahahahaha!!

"Pwedeng pwede nang ipartner kay Moa!! Yieieie!!"

"Yieieieie!! Kikiligin yun panigurado! Hahaha!" Jungkook. :((



*Flashback *
*3 days before My queen's debut*

Liliko na sana ako papuntang elevator para bumaba at pumunta sa coffee shop nang may narinig akong dalawang pamilyar na boses.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Suga hyung.

"Somewhere." sagot naman ni Moa. Oo, si Queen. Ngayon ko lang sila nakita magkasama na silang dalawa lang. Saan nga naman kaya ang punta nila? Sumunod kaya ako? Ay...

"Wow. Di nga, san nga?" Suga hyung.

"Sa lugar kung saan ako masaya." Moa.

Sa piling ko, Queen. Sasaya ka dun.. Sure ako.

"At saan naman yun?" Suga hyung.

"Sa taas." Queen.

"TAAS?! Nako! Ikaw nalang pala!" nag echo ang boses ni hyung sa buong hallway. At pati na rin ang tawa ng reyna ko. Sumilip ako ng kaunti at kita ko parin mula dito ang ngiti niya habang papasok sila ng elevator.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon