Chapter 72

35 2 0
                                    

Anna's POV


Hiii!! Namiss niyo ba si magandang ako? Okay. Sabi ko nga, hindi. :(( So anyway!!! Ito na yung kwento. Hehe.

Nagreready na kami para sa celebration ng birthday ni Mommy Xeena. Simpleng lunch lang naman ang ganap since hindi naman na daw kami bata para magpa-party pa.

Lumabas muna ako at pumunta sa veranda. Ang ganda ng araw mga mamsh. Grabe. Pak na pak ang highlighter ko! Hahaha!

Actually, kanina pa ako ready. As in READY. Kaya nga ito ako ngayon. Selfie ng selfie! Haha! Ang tagal naman kasi nila. Mga nag-aayos pa kasi ng buhok, nagmemake-up, at namimili ng susuotin. Kami nalang siguro ang hinihintay doon. Lagpas bente na nga 'tong pictures pero hindi parin sila tapos. Tsk.

"Wala na bang mas itatagal pa dyan? Baka tayo nalang ang hinihintay sa baba. Ang tagal nating bumaba." ani ko, sinarado ko ang sliding door at baka pumasok yung init. Hehe. Narinig ko na kasi yung mga yapak nila. Pati boses ng bebe ko, narinig ko na. Hihi. Enebe. Charot.

"Edi mauna ka na sa baba. Ang aga pa mamsh! Lunch pa ang ganap. Tsk." sabi ni Shai na busy sa pagtirintas ng buhok niya.

"Oo nga. Excited ka masyado. Mas excited ka pa ata sa may birthday eh." Erika.

Okay, sorry??

Umupo na muna ako sa isang gilid at nagdelete ng mga pictures kong pangit.

Tumayo ako kaagad nang matapos sila. Nauna na nga akong lumabas eh. Oo na, ako na ang excited. Eh kasi naman! Gutom na ako. Huehue. Hindi na ako nag-almusal kanina kasi may pa lunch nga si Mommy Xee.

Pagbaba namin ay sinalubong ako kaagad ni Bambam ng halik. Parang hindi kami nagkita kanina at kung halikan ako parang gusto na niyang tanggalin itong labi ko. Buti nalang hindi mabilis matanggal 'tong lipstick na gamit ko. Hahaha!

"Baka magkantutan pa kayo dito sa harap namin ah. Hindi ngayon ang tamang oras para manood ng porn. Masyado pang maaga." pambabasag ni Moa. Tangina mo, Samantha Moaryne. Gigil mo aq. -_-

"Kaya naman pala excited bumaba. Tsk." Squad.

"Tangina niyo."

Nagtawanan sila at lumabas na rin kami. Binigay ko kay Bambam ang susi ng Mercedes-Benz C300 ko na regalo sa akin ni Papa. Tuwang tuwa si Queen nang makita niya ang mga sasakyan namin. Lalong lalo na ang gagamitin nila. Parang gusto na niyang dilaan ang Lamborghini Aventador ng nanay niya. Ang cute talaga!

Nakasunod lang kami kay Mommy Xeena. Hindi kasi talaga namin alam kung saan kami kakain pero ayon sa magkapatid, maganda at masarap daw doon. Sabi nga namin kay Xeena, doon nalang sa restaurant niya kaso ayaw naman niya. Hindi daw ba kami nagsasawa doon. Simula kasi nung umalis siya, madalas na kaming kumakain doon. Lalo na kapag namimiss na namin siya pati yung luto niya. Suki na nga kami sa restaurant niya eh.

Napanganga ako sa ganda ng lugar na ito. Maaliwalas tignan ang paligid at pang Instagram ang setup. Ito pa ang masaya, sakop namin ang buong second floor! O diba, hanep! Hahaha! Sa dami ba naman kasi namin, paanong hindi mapupuno ang second floor diba?

Kinuha muna ng waiter yung order namin at pag-alis niya, agad kaming tumayo para magpicture. Yiiiee!! One of my favorite part. Hahaha!

"Babe, kunan mo naman kaming squad. Please? Thank you! I love you!" sabi ni Rain kay Yoongi. Tumayo naman kaagad si Yoongi para sundin ang favor ng girlfriend niya.

"Thank youuuu!!" Squad.

Ito naaaaa!!! Solo naaaa!! Hahaha!

Talaga namang tinodo ko na ang pag smile. Si Moa kasi ang kumuha ng picture ko kaya sinulit ko na. Haha!

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon