Chapter 62

43 2 0
                                    

Xeena's POV


"Maglalasing talaga? Tangina, puro hard." sambit ni Yoongi na ikinatawa naming lahat. Ako talaga nag request niyan. Maranasan ko man lang na malasing. Ako kasi palagi ang nagliligpit eh. Nakakapagod din. Hahaha!

"Sus! Wala lang yan! Kungyaring hard lang yan!" sagot naman ng kapatid kong ungas. Kanina ko pa kasi sinabi na ilabas na yung pulutan at mga baso para start na kaagad pagdating nila pero lumabas lang sa kabilang tenga. Busy'ng busy kay Hoseok. Tsk.

"Puta ka?! Bakit coke yan???" tanong ko pero kinindatan niya lang ako imbis na sumagot. Kupal amputa. Kapikon.

"Luh, Moa! Mabilis akong malalasing dyan!" angal ng squad. Yes!! Buti nalang. Ayoko talaga ng coke pag ganitong inuman eh. Hindi ko nae-enjoy.

"Okay lang yan! Sus ginoo parang first time nating mag-iinom. Cyst, start na. Hehe." napailing nalang ako at nagsimula ng maglagay sa shot glass. Nagtataka akong tinignan ni hon nang i-abot ko sa kanya yung shot glass.

"Ikaw una, hon." nilagok niya kaagad ang laman nito sabay lapag at inom ng coke. Ang cute niya parin kahit nakangiwi siya. Hahaha! Tae kasi pag ako ang ngumingiwi parang kinuyumos ng papel. Ang pangit tignan. Hahaha!

"Moa, anong ganap at nag-aya kang uminom?" pagbabago ni Erika ng topic. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nag-aya 'tong kapatid ko. Um-oo at nag request lang ako. Hehe.

"Wala naman. Sabihin nalang natin na celebration natin 'to kasi kumpleto na ulit tayo at nakatapos tayo nang masikip at iisa. Hahaha! You know what I mean." nagtawanan kami at sabay-sabay na lumingon kay Anna. Tangina nitong gagang 'to, expert eh. Hahahaha!!

"Except pala sa isa. Hm.." dagdag ng kapatid ko sabay taas at baba ng kilay.

"Ehem! Anong feeling, besh?" nang-aasar na tanong ni Marie.

"Gago, anong 'anong feeling' ang sinasabi mo dyan? Hahaha! Secret! Walang clue!" Anna.

"Nako, Alianna Javier! 'Yang ganyang tawa at tono ng pananalita mo, may pinaparating. Kailangan pa bang pilitin? Ready ako." Ysa. Tumawa lang si Anna. Hindi pa magsasalita ito. Hm... Alam ko na. Hehehehe...

Tinext ko ang squad maliban kay Anna tungkol sa plano ko. Sinabi na rin namin sa boys nung nagpuntang sa C.R si Anna. Buti nga hindi nagtaka nung naabutan niya kaming tumatawa.

"Anna! Ikaw na. Ang tagal mo naman. Oh," pambungad ni Hoseok at binigay ang shot na dapat ay sa kanya. Natututo na siya sa pandaraya ng kapatid ko. Tsk.

"Ako kaagad? Ang bilis naman ata." nagtatakang sambit naman ni Anna pero kinuha niya parin at ininom. Hahaha! Engot talaga 'to kahit kelan.

Sa sampung ikot na naganap, nagtagumpay kami sa plano. Siya ang unang-unang nalasing kaysa dito kay Hon at Hoseok. Hahaha! Kulay kamatis na siya tapos ang daldal. Which is a sign na lasing na talaga siya.

"Besh, kamusta naman kayo ni Bambam?" panimula ni Marie. Gusto kong humalakhak sa lagay ni Anna pero mamaya nalang. Hahaha!

"Okay lang naman *hik* kami, besh. Tangina non. *hik* Napakaseloso. Bwisit. Alam naman niyang 'yon ang *hik* negosyo ng mga magulang ko at nag-iisa akong anak kaya walang ibang magmamanage *hik* non kundi ako. Ako nga hindi nagseselos sa mga babaeng nakakasama niya *hik* kasi alam ko namang trabaho lang yun.*hik* Di niya parin maintindihan."

"Eh, ganon talaga. Club is club pero sinasabi mo naman sa kanya na siya lang ang mahal mo diba? Obvious na din naman yun." tumango naman si Anna at kinuha kay Namjoon ang shot glass. Nilagyan niya ng alak iyon at nilagok.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon