Chapter 25

29 3 2
                                    

Ysa's POV

Nandito na kami sa parking lot. Kasama na din namin si Jimin at Erika. Lahat kami hindi mapakali dahil baka saktan ang bangtan o ang got7. Okaya baka maging bagong issue na naman. Humuhupa na nga pangalan namin sa social medias eh.

Maya maya pa dumating na si Xeena.

"Oh ano? May nakita ka ba? Lalaki o babae? Madami ba sila?" Sunod sunod na tanong ni Moa kay Xeena.

"Babae. Mag isa lang. May hawak na Camera. Simula nung humiwalay sa inyo si Anna, sinusundan na kayo. San ka nag punta?" Biglang tanong ni Xeena kay Anna.

"Ano... U-uhm.. S-sa cr. Nag cr ako. Oo. B-bakit?" Kabadong sagot ni Anna.

Naiintindihan ko siya. Sinong hindi kakabahan sa nangyayari diba?

"Ayos ka lang ba? Wala naman ba lumapit sayo o ano? Sa susunod wag kang hihiwalay kapag mag isa ka lang na aalis.. Delikado." Nagaalalang tono ni Xeena.

Pinasakay na kami nila Xeena at ang naguusap na lang sa labas ay si Shawn, Moa, Xeena at tatlong guards. Yung mga regalo ay nasa van ng got7. Hindi namin pwede ipakita kay Erika kahit may ganito kaming sitwasyon.

Walang nagsasalita samin sa kotse habang nasa byahe. Si Erika ay tutok sa pagmamaneho. Kami naman na pasahero ay tinitignan kung may pumutok na naman na pictures sa social media. Baka mag trending na naman kami ng di oras dahil sa babaeng sumusunod samin kanina.

"Ang bilis magpatakbo ni Moa. Hindi ko mahabol." Ani Erika.

Naka convoy kami kay Moa. Nasa harap namin siya. Tapos ang nasa likod namin ay ang bangtan tapos got7 tapos si Xeena.

"Hayaan mo siya. Mamatay siya diyan! Kasalanan niya kapag nadisgrasya siya." Sagot naman ni Kath.

"Nagyoyosi nga na naman oh. Tanawin mo nga sa side mirror mo kung kumusta si Xeena sa likod?" Ani Marie.

"Ayun. Nagyoyosi din. Tanginang magkapatid to oh!! Ts. Malaman laman ko lang kung sino yung sumusunod satin sa mall. Nako nako!!" Sigaw naman ni Erika.

Pasaway na magkapatid! Sobrang pasaway!!! Tsk tsk.

"Baka naman mali kayo ng hinala na sinusundan tayo? Baka naman nagkataon lang na nandon din siya kung nasan tayo." Sabi ni Anna.

Hindi ako natuwa sa rason niya kaya nasagot ko siya ng pasigaw.

"What the actual fuck, Anna? Will you please use your damn brain? Tinatambak mo na naman eh! Si Xeena na ang nag sabi! Sinusundan tayo at pinipicturan! Hindi ka ba nakikinig? Tanga na naman!" Sigaw ko kay Anna.

"Ang akin lang eh baka hindi naman talaga tayo sinusundan! Bakit ba galit ka kaagad?! Ha?! Natatakot ka ba malaman ng buong mundo yang kakatihan mo? ha?! Napaka judgemental niyo!!" Sigaw din niya sakin.

Gago to ah?

"What did you say?! Ako? Makati?! Sino kaya sating dalawa yon?!" Sagot ko.

"PUTANGINA ISANG SIGAW NIYO PA HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA IBANGGA TO! HOY ANNA! BAKIT BA PARANG MAS KAMPI KA PA ATA DON SA BABAE?! HA?!" Galit na sabi ni Erika.

Tumahimik na ako dahil ayoko na din lumaki pa yung away.

"Hindi niyo ko naiintindihan." Mahing sambit ni Anna.

"Edi sabihin mo samin para maintindihan na namin." Mahinahong sabi ni Ely..

"Tumigil na kayo. Malapit na tayo." Pagawat samin ni Erika.

Jin's POV

Paliko na kami sa street nila Xeena ng biglang huminto si Yoongi.

"Oh bakit?" Tanong ko.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon