Chapter 26

45 2 7
                                    

Jimin's POV

(Erika's Birthday || 6:35 AM)

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba pagkatapos kong maligo. Nasa baba na sina hyung kanina pang mga 6 o'clock ng umaga, sa tingin ko. Anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kaya ito ako ngayon. Nalate ng gising.

Dumiretso ako sa dinning area. Nakita ko sina hyung, Lian, Shan, Rain, at Moa. Lahat sila tumutulong maliban kay Moa na naka baling ang buong atensyon sa laptop at cellphone niya.

"Oh, andyan ka na pala. Good morning." Bati ni Shan kaya napatingin sila sakin. Nag batian kaming lahat at tumahimik ang paligid. Nag bebake si Xeena at habang si Jin hyung ay nag luluto. Tumutulong din ang kasam-bahay ni Moa.

"Rain, maayos na yung room?" Tanong ni Moa. Tinutukoy niya ang regalo niyang isang condo unit na katapat lang nila. Pinuno niya ng maraming damit at sapatos. Eh, yung akin kaya magugustuhan niya? Hm.. Sana.. Hehehehehe..

"Oo. Nasayo na yung susi diba?" Ani Rain, tumango lang si Moa at hindi na nag salita.

"Bhe, ngayon ka lang nag salita mula pa kanina nung naabutan kita dito. Yung mga mata mo, hindi tama. Lahat bhe. Hindi tama." Lian.

"Ah. Kulang lang sa tulog. Wag mo ng pansinin." Ani Moa.

Paanong wag pansinin eh agaw eksena yung mata niya kapag tinignan mo siya??? Parang ewan din 'to eh.

"Ipahinga mo muna yang mata mo, Qu-- este Moa. Wag mong abusuhin. Sige na." Hoseok hyung.

"Tutusukin ko ng tinidor yang mata mo pag hindi ka pa sumunod. Kanina ka pa, Samantha Moaryne! Hindi ka nanaman sumusunod! Hindi ka na nga tumutulong ganyan ka pa! Mamaya na yan! Wag kang makulit!" Bulyaw ni Xeena habang binabox ang cake na ginawa. Bumuntong hininga nalang si Moa at sumunod na.

"Hon, galit ka pa ba sakin?" Tanong ni Taehyung sa kanyang nobya.

"Hindi na hon." Sagot ni Xeena.

"Talaga?! Yieee! Akala ko galit ka pa eh. I love you, hon!"

"I love you too."

"AYIEIEIEIEIIE!!!" Kantsaw namin. Mas lalo namin silang inasar nang pareho silang namula. Lalo na si V. Nababading nanaman siya. Hahahaha!!

Maya maya, dumating na din ang ibang girls kasama ang Got7. Si Erika nalang ang kulang. Nag batian lang kami ng good morning at mas lalo ng naging awkward.

Alam niyo? Hindi ko parin maintindihan ang rason nung dalawa, dahil lang sa pag-ibig?? Kaya mong i-risk ang pagkakaibigan niyo para lang sa pagmamahal?? Sus!

Alam kong masakit at mahirap pero mawawala din naman yun eh. At kung paghihirapan mo edi mas maganda. It will take time. Wag mamadaliin. Just accept the fact na may iba na silang mahal at hindi sila ang taong nakalaan sayo, move on, and change for the better. Ganun lang. Ganun lang siguro katapang sina Anna para ipaglaban yung taong may mahal ng iba.

Natapos kaming lahat sa mga dapat naming gawin at dali dali naming sinakay sa van ng Got7 lahat ng regalo nila. Malapit na kasing magising si Erika. At ayan na nga. Nandito na siya. Parang kinakabahan na ako sa regalo ko mamaya ah.

"Good morning guys!! Teka, parang kulang tayo." Ani Erika. Huh? Sino??

"Si Anna!" Biglang sigaw ni Marie. Napatingin ang lahat sa kanya. Ang ngiti ni Erika ay biglang nawala. Nang ma realize niya ang sinabi niya ay napasapo siya sa noo niya at nag sorry.

"Kumpleto na tayo, Marie. Kumain na tayo." Medyo galit na sabi ni Erika at sumandok ng kanin. Ganun na din ang ginawa namin at kumain.

Tunog lang ng kutsara't tinidor ang naririnig. Hindi gaya ng dati na maingay at puro tawa namin ang naririnig. Haayy...

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon