Namjoon's POV
Hindi kami nag tagal sa beach side at umakyat din. Mainit kaya. Baka mangitim ako at mapagkamalang gwapong puno. Diba?! Support naman dyan.
"Guys, may nakita akong kubo kanina sa may malapit sa beach. Punta kaya tayo dun mamaya, pag hindi na mainit? Yayain natin sila!" Suhestiyon ni Jungkook. Kakatapos lang namin maligo lahat. At ngayon nandito kami sa sala kung ano-anong kabaliwan ang ginagawa.
Pinag-isipan ko ang sinabi niya. Wala naman silang magagawa kapag humindi ako kaso kokonsensyahin nila ako pag nagkataon. Ayaw ko naman nun.
"Hm? Kubo? Bahay kubo?" Jimin. Ay tungak lang? Bingi? Tsk!
"Ay hindi, hyung! Buko! Bahay BUKO! Tama, may ganun sila dito. Ano ba, hyung! Hindi kami kasya sa niyog. Palibhasa kasi maliit kaya kasya sa maliliit na lugar. Tsk!" Tumawa kami. Gago talaga 'to si Jungkook. Hahaha!
"Kingina mo ah. Tch! Sige na, payag ako. Bwisit."
"Napipilitan?" Pang-aasar pa ni Jungkook kay Chim. Inambahan lang niya ito na babatuhin tsinelas kaya tumawa siya at lumayo. Pumayag silang lahat at wala naman akong nakikitang dahilan para tumanggi kaya pumayag na din ako.
*tok tok*
"Tutal nakatayo ka na rin, buksan mo yung pinto." Ani Suga hyung, kinamot ni Jungkook ang ulo niya at binuksan. Sino kaya yun? Baka yung girls. Napansin kong tahimik si Hoseok. Sa ganitong sitwasyon siya ang maingay pero ngayon ang tahimik niya at busy pa sa cellphone. Busy siguro dun sa 'My queen' niya. Pumapag-ibig ang Hobi namin eh. Hahaha!
Lian's POV
"Ang boriiiiinggg!!! Punyetaaaaa!" Sigaw ni Anna mula sa sala. Wala naman kasi kaming ginagawa mga naka-ulaol lang kami dito. Balak namin guluhin ang bangtan sa kabila kaso ang sabi ni Bhe (Moa) baka daw tulog o nagpapahinga sila dahil sa sobrang aga na pag gising sa kanila kanina. Wala dito si Xeena dahil may inaasikaso sa resto, si Moa naman ay may katext.
"Mga bebs! Halikayo dito. Dali! May papanoorin tayo." Tawag samin ni Rain. Lahat kami ay lumapit. Ano kaya yun?
"Baka mamaya porno yan ah!" Angal ni Shai. Wushu! Ito talaga si Bibs! Parang hindi nanonood! Hahahaha!!
"Gago, anong porno? Hindi! Basta panoorin niyo nalang. Haha!" Kinilabutan ako sa tawa ni Rain. Feeling ko kakaiba yung ipapanood niya sa amin. Jusko ano kaya? Kingina.
Ni click niya ang play button at para kaming ewan dito na tutok na tutok. Naghihintay na nga lang ako ng babaeng uungol eh. Hahaha! Dejk.
Biglang nag play yung video na pinipisat yung cyst sa hindi ko alam kung saang parte ng katawan! Agad kaming nag react.
"Putaena ka, Rain! Kadiri! Ano ba yan!" Shai.
"Tangina naman eh! Ano ba ya--EWWW!" Erika.
"Ano ba yang mga pinapanood mo?! Nakakadiri! Putangina." Ely.
"Bessy naman ehh! Wag kang ganyan." Ako.
Hindi na namin nakayanan kaya umalis na kami sa tabi niya. Hanggang ngayon nakatayo parin ang balahibo ko. Buti nga hindi naninigas eh. Hahahaha! Joke.
"Gising daw sila. Tara bulabugin natin ang bangtan! Hahahaha!" Anyaya ni Moa. Nag saya kami. Lumabas kami at kumatok sa katapat na pintuan.
Pag bukas ni Jungkook agad kaming nag hello. Pinapasok niya kami at dun lang kami nag-ingay. Hahaha!
Infairness, ang linis dito. Haha! Wala kang makikitang kahit anong gamit maliban sa mga appliances. Hehe.
"May sasabihin si Jungkook." Panimula ni Jin. Tinignan namin si Jeonjeon. Kunot noo niyang tinignan si Jin pero nawala din.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship? || bts ff
FanfictionAre you still going to choose LOVE even if your FRIENDSHIP will be sacrificed? --- Matagal na silang magkakaibigan. Gago Squad, ang pangalan ng grupo nila. 12 silang mga babae. Lahat sila kpop fan, lahat sila gustong pumunta sa Korea para makita an...