Chapter 75

34 3 0
                                    

Erika's POV
*a week later*


Sabay-sabay kaming lahat na kumain ng tanghalian. Kakarating lang nina Lian kagabi at sila ang topic namin ngayon.

"So, kamusta ang honeymoon?" sabay na nabilaukan yung dalawa dahil sa makahulugan na tanong ni Anna. Hinampas ko nga sa braso.

"Gaga ka talaga. Kitang kumakain tayo tapos kabastusan ang i-oopen mong topic. Sabog ka ba?" tanong ko kay Anna. Natawa sila.

"Hala! Grabe ah! Hindi naman kasi 'yon ang ibig kong sabihin! Ang green niyo ah? Tsk." sinong niloloko mo ah? Isaklob ko sa ulo mo 'tong bowl sa harap ko eh.

"Wag kami, Alianna Javier. Pareho lang kayo ni Bambam." natatawang sabi ni Moa na siyang nakakuha ng atensyon ni Bambam na kanina pa busy sa paglamon. Oo, lamon talaga! Kulang nalang ubusin niya itong ulam! Nahiya na nga kaming kumain ulit dahil halatang gutom siya eh.

"Luh? Grabe ka naman, Sam! Tahimik na nga lang akong kumakain dito eh! Hmp." bumaling siya kay Anna na parang nagsusumbong. "Mama oh. Inaaway nila ako. Hays."

"Kumain ka lang, Da. Dami pang pagkain oh. Pati plato kainin mo ha? Ewan ko lang kung magutom ka pa." bahagyang lumayo si Bambam kay Anna at tumigil na sa pagkain. Hahahaha!!

Sinabi nila sa amin ang nangyari sa kanila sa North Korea. EXCEPT DON SA ANUHAN NILA AH. 'Di kasama 'yon. Hahaha! Yung mga pinuntahan lang nila. Kahit hindi ganon karami ang napuntahan nila ay kitang kita mo naman sa kanilang dalawa na nag-enjoy sila.

"Pero teka muna, maiba ako. May something ba ngayon? Like may event or what? Kanina ko pa kasi iniisip kung may ganap ba ngayon o bukas. Feeling ko kasi meron, nakalimutan ko lang." pag-iiba ng paksa ni Shai nang saglit kaming natahimik. Ha?? Meron ba?? Parang wala naman??

"Ano ba ngayon?" tanong ni Yoongi kaya sabay-sabay kaming napatingin sa phone namin. "29." sabay-sabay rin naming sagot.

"Ah!" nagulat ako sa biglang sigaw ni Moa at maski itong katabi kong si Jimin ay napatalon sa gulat.

SASAKALIN KO NA 'TONG MORGE NA 'TO EH. BAKIT KASI KAILANGAN SUMIGAW EH MAGKAKALAPIT LANG NAMAN KAMI??!!

"Baby naman eh. Chill ka lang. Wag kang sumigaw ng ganon. Nakakagulat eh." ani ni Hoseok habang nakahawak sa dibdib. Nagtawanan kaming lahat. Napainom siya ng tubig ih! Hahahahaha!!

"Sorry. Hehehe. Buti pinaalala niyo! Bibili pala ako ng regalo para bukas! Birthday ng mga pamangkin ko! Anak ng pating!" Moa.

"Ay oo nga!"

"Birthday nina Queen???" inosenteng tanong ni Taehyung out of nowhere. Triggered kaming tumingin sa kanya. Unli ka, boy? Unli?? -_-

"Gutom ka pa ata, hyung, ah. Okay ka lang ba? Oo, birthday nila. Kakasabi lang. Hehe?" Jungkook.

"Nako! Talaga??? Wala pa akong regalo sa kanila! Hindi naman ako nasabihan na bukas pala birthday nila. Teka, maliligo na ako." umiling nalang kami at umakyat na rin para maligo.

Medyo natagalan pa akong maligo dahil iniisip ko kung anong pwedeng iregalo sa mga bata. Gusto ko kasi yung wala pa sila kaso paano 'yon? Lahat ata ng gusto nila, meron na sila. Ang hirap!!! Huhu.

"Beh!! Konting bilis! Taeng tae na ako!" naputol ang pag-iisip ko dahil sa pagkatok sa akin ni Shan.

"Ito na! Teka! Jusko." sigaw ko at tinapos na ang pagligo. Dumiretso ako sa walk-in-closet namin dito at naabutan ko sina Ysa na namimili parin ng damit hanggang ngayon.

"Wala akong maisip na suotin! 'Di ko alam kung tamang porma lang ba or what. Hahaha! Jusko!" reklamo ni Marie na sinang-ayun rin namin. Ilang minuto pa ang tinagal ko doon bago ko mapag-isipang suotin nalang kung ano ang mahugot ko.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon