Chapter 53

19 2 0
                                    

Ely's POV


Nagising ako nang bukas ang kurtina at agaw eksena ang pesteng sinag ng araw. Litse! Sino bang nagbukas niyan??? Hindi naman namin binubuksan yan ah! Pramis, kokotongan ko ng matindi yung taong yon!

"Jin, maiwan muna namin kayo ah? Baba lang kami." boses ni Ysa yun ah!

Teka. Wait. Ano daw? Jin??????

JIN?!! AS IN KIM SEOKJIN?????

Anong ginagawa niya dito??? Bakit siya nandito???

Binuksan ko ng kaunti ang kanang mata ko at siya nga!!! Nakaupo sa mini sofa na malapit sakin, nagcecellphone. Putaaa!!! Bakit??? Baka mamaya may panis na laway pa ako o kaya muta!!! Gagooo!!

Pumikit ako kaagad nang maramdaman kong palingon na siya sa pwesto ko. Sana hindi niya napansin. Puke. Inangat ko sa bandang mukha ko itong unan na yakap ko. Shuxx. Naaamoy at nararamdaman ko siya na papalapit.

"Hoy, Elyza. Gwapo ako pero hindi ako engot. Alam kong gising ka na, tumayo ka na dyan. Ang cute mo ah." sarkisto niyang sabi. Tinalikuran ko muna siya at mabilis na nagtanggal ng muta. Putangina naman kasi. Ano ba yan.

"Wow ah. Good morning din sayo, Seokjin." sabi ko nalang at nag-unat. Sakit ng ulo ko, pakshet.

"Oh. Kumain ka na muna. Ako nagluto niyan." nilapag niya ang tray sa harap ko. Ang sarap!!! Sinunggaban ko kaagad. Bahala muna siya dyan. Gutom ako. Hahaha!

"Thank you ah." Seokjin.

"You're welcome." Ako. Ay gago. Bakit ako nag welcome? Tanga. Tsk tsk.

Mabilis ko lang rin naubos 'tong pagkaing dala niya. Sarap talaga mga beks. Pramis. No joke. Pwedeng isa pa? Charot. Haha!

"Thank you nga pala. Hehe. Pero teka, bakit mo pala ako dinalhan ng pagkain dito eh wala naman ako sakit or something?" tanong ko.

"Welcome. May kapalit yan oy wag ka dyan. Dejk. Sabihin nalang natin na gusto lang kitang lutuan. Trip ko lang.... Hays.. Since sabog ka ata kagabi at sobrang slow mo ngayon, uulitin ko yung sinabi ko." binalingan ko si Seokjin na seryosong nakatingin sakin. Ano ba yung sina-- oh shit. Oo nga. Hindi ako sabog kagabi. Nasa katinuan pa ako non. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Paano ba naman kasi, aamin sakin inuman. Malay ko ba kung may amats na ba siya nung oras na yon.

"Hindi nga ako sabog kagabi. Normal pa ako non." Ako.

"Ayun naman pala eh. Bakit tinanong mo pa kung bakit? Hay nako, Elyza. Maligo ka na nga muna doon. Mamaya mo na sagutin yung tanong ko. Bukod sa kailangan mong magising, ang baho mo na. Hahahahaha!!" binato ko siya ng unan. Taeng yan. Makaligo na nga. Piste. Kikiligin na sana ako eh. -_-

Ginawa ko ang aking morning routines. Nakakahiya naman kasi kay Kim Seokjin. Nagsuot ako ng bathrobe at naglagay ng towel sa ulo bago lumabas. Wala naman na siguro siya diba? Ang engot ko din kasi. Papasok ako ng banyo nang walang pambihis. Tunganga. Hays...

Binuksan ko ng konti yung pinto at sinilip kung nandon pa siya. Buti nalang... Dumiretso na ako kaagad sa walk-in-closet at sinarado yung pinto para makapagbihis.

Saglit akong natigilan nang nakarinig ako ng naggigitara sa labas. Oh, damn...

"Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands"

Ang gwapo ng boses ni Jin. Maygahd, my heart.

"And you need to know
That nobody could take your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face"

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon