Chapter 32

54 4 0
                                    

Hoseok's POV


Gamit namin ang Explorer ni Queen papuntang sementeryo. Sinusundan namin si Xeena na naka motor. Oo, motor. Hindi ko alam kung bakit pero pati ako kinakabahan. Alam niyo yung feeling na kapag ipapakilala kayo sa magulang tapos pakiramdam mo hindi ka magugustuhan para sa anak nila. Ganun yung nararamdaman ko kahit hindi pa kami mag on ni Queen. I mean.. Hindi kami mag on. :((

Tahimik lang kami kasi may kausap sa telepono si Queen. "Kaya nga! Anong nangyari?? Bakit nagkulang?? Kumpleto yan bago ako umalis! Bago tayo umalis! Baka naman hindi niyo nilock? Ay jusko! Bumili kayo ng panibago. Tatawagan kita ulit. Bye."

"Hyung, ramdam mo din ba yung kaba ko?" Bulong ni Taehyung sa gilid ko. Nandito kasi ako sa harap, tabi ni Queen. Ahehe.

Tumango ako, "Medyo, kahit wala akong karapatan.."

"Ouch." V.

Nag park si Moa sa tapat ng isang museum na may nakalagay na 'STEWART' sa itaas. Para siyang bahay at sakto lang ang laki. Bumaba na kami. Dala ko yung dalawang bulaklak na medyo malaki. Pinahawak ko kay Taehyung yung mga kandila.

Binuksan ni Xeena ang pinto. Nilagay ko ang dalawang bulaklak na hawak ko sa tabi ng puntod ng lolo at lola nina Xeena.

"Hello po." mahinang sabi ko habang nilalagay ang mga bulaklak. Medyo kabado ako kasi baka biglang sumagot at mapasigaw ako. Nakakahiya naman yun diba?

EMILIO ALEJANDRO STEWART

ESMERALDA BEATRIZ GOMEZ STEWART

Lumang luma ang mga pangalan nila maliban sa apilido.

"Sila ang lolo't lola namin." Moa. Dinala ni Xeena si Taehyung sa tapat ng puntod ng lolo nila. Nasa likod kasi siya. Nanginginig pa amputek. Hahahaha!!

"Lo, sabi mo noon kapag nagkaroon ako ng nobyo, ipapakilala ko muna siya sayo bago kila Daddy. Si Taehyung nga po pala." Binalingan ng tingin ni Xeena ang boyfriend niya natulala. Siniko niya ito ng mahina para bumalik sa ulirat. "Uy. Pakilala ka. Mabait yan. Tahimik lang sa una. Hahaha."

"Uhm.. Ah.. Hello po! My name is Taehyung Kim. I'm 21 years old, fresh from Daegu pero lumipat po ako sa Geochang. Nagtagal din po ako dun hanggang sa lumipat po ako sa Seoul. Singer po ako, under BigHit Entertainment. BTS po ang pangalan ng grupo na kinabibilangan ko. Pito po talaga kami, naiwan lang po yung apat sa bahay niyo. Sila po ang mga kamember ko, sina Yoongi hyung at Hoseok hyung. And sa tingin ko po sapat na ang kinikita ko para buhayin ang apo ninyo. Hehe. Nice meeting you po." Mahabang sabi ni Taehyung habang nakangiti. Ramdam ko yung kilig ni Xeena dito sa pwesto ko. Hahahaha!!

"Petmalu yun ah. Hahaha!! Sa tingin ko, gusto ka na ni Lolo at Lola. Kila daddy nalang." ani Moa. "Oo nga. Tanggap ka na nila, hon."

"Huh? Paano niyo naman nalaman??" Taehyung.

"Hahaha!! May naramdaman ka bang kakaiba??" Tanong ni Xeena. Umiling naman si Taehyung. "Wala ding nabasag o nasira. Yon ang palatandaan namin kapag ayaw nina Lola ang pinapakilala namin. Nagpaparamdam sila. Maraming beses nang nagparamdam sina Lola dito. Gaya nung kay Moa. Hindi ko makakalimutan yun."

"Ano yun, hon?"

"Kwento niyo naman." Yoongi hyung.

"Oo nga." Ako.

Magugustuhan kaya ako ng lolo't lola nila kapag pinakilala ako ni Queen??

Wait.. Okay. So, medyo feeling ako doon. Sorry.

"Nagpasama sakin si Moa kasama yung punggok na crush niya. Nabihag niya ang kapatid kong tanga at malabo ang mata. Dahil 'MAHAL' ko ang kapatid ko, sinamahan ko sila. Dito sila nagkaaminan tsaka first time ding magparamdam nina Lolo. So ayun nga. Pinakilala ni Moa. Ang daming nabasag noon dito tsaka tumayo lahat ng buhok niya sa katawan. Dali-dali kaming umalis nun tapos pagkatapos ng linggong yun nalaman naming pareho lang sila ng hanap ng kapatid ko, lalaki rin. So ayun, pati kaibigan din pero ako ang nagdala. Pinakilala ko siya tapos sabi niya sakin, parang may sumasabunot daw sa kanya tapos nalaman ko na pinaplastik niya lang ako." Xeena.

Love or Friendship? || bts ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon