PROLOGUE

14.1K 487 172
                                    

OPERATION: MARRYING MR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


OPERATION: MARRYING MR. PLAYBOY
Original work by ImaginationNiAte

Renesmee Alvarez's

Malakas at naka-iindak na tugtog, iyon ang maririnig sa buong paligid ko. Pati na rin ang sigawan at tilian ng mga tao na naririto rin ngayon sa isang sikat na bar dito sa beach resort ng Hemera Paradise. Nasa legal age naman na ako, kaya pu-pwede na akong pumasok dito sa loob ng bar kasama si Ate Agnella.

Mabuti na lang ay disi-otso na ang aking edad kaya nakapasok ako sa loob. Sa katunayan niyan ay nakilala ko siya sa probinsya — sa Santa Monica nang nagbakasyon kami roon kasama si mama at ang Kuya Kylier ko.

Nagbabakasyon din siya at binisita ang lolo at lola niya roon kasama ang nobyo niyang si Kuya Ales na sobrang gwapo. Nakilala rin namin siya dahil ang mga pinsan kong babae at ang mga pinsan na babae ni Ate Agnella ay magkaibigan.

Nakakatuwa lang dahil pareho sila ng Kuya Kylier ko na umuwi galing sa Washington. Isa kasing Chef si Kuya sa Tacoma at may naipatayo na rin siyang restaurant doon na talaga nga naman na sumikat at dinadayo ng mga kababayan namin na nasa Washington din. Hindi rin naman kami mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang naman ang buhay na mayroon kami.

Pangarap din kasi ng Kuya Kylier ko na magtrabaho sa ibang bansa at magkaroon ng sarili niyang negosyo roon. Dati lang ay nagtatrabaho lang siya sa isang restaurant sa Hotel, pero ngayon? May sarili na siyang restaurant at sobrang proud ako sa kanya.

Iyon nga lang, nalulungkot ako para sa kapatid ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam ko na may pagtingin siya kay Ate Agnella. Hindi naman kasi ako manhid para hindi ko mahalata 'yon.

He has deep feelings for Ate Agnella. Alam kong na-love at first sight siya sa kanya. Hindi na ako magtataka, maganda naman kasi talaga si Ate Agnella. Nakikita ko na may pagtingin siya lalo na sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin kay Ate Agnella.

Pero may nobyo na siya. Napag-alaman ko nga na sabay sana silang dalawa na babalik sa Washington, pero si Kuya Kylier na lang ang mag-isang bumalik doon dahil nagpa-iwan si Ate Agnella rito sa bansa.

Sana lang ay ayos lang si Kuya sa Tacoma. Hindi rin naman niya kasi mapipilit si Ate Agnella na magustuhan siya. Wala rin naman akong magagawa ro'n, darating din naman ang tamang panahon para sa Kuya ko. Balang araw ay mahahanap din niya ang babaeng para sa kanya.

Binalingan ko ng tingin si Ate Agnella nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko. Medyo nakakasilaw ang ilaw rito sa loob ng bar at sobrang ingay dahil malakas ang tugtog. Mabuti na lang talaga ay lumabas na siya sa lungga niya. Dalawang araw na rin kasi kaming nandito sa Hemera Paradise.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon