Renesmee Alvarez's
Saktong alas nuwebe ng gabi nang matapos ang duty ko. Nakakapagod dahil talagang maraming mga costumer tuwing Friday. Tulad ko ay pauwi na rin 'yung iba kong mga kasama sa trabaho at papalit naman ang mga naka-night duty. Bente kwatro oras kasi itong bukas.
After kong makapagpalit ng damit ay saka ako lumabas ng crew room bitbit ang mga gamit ko.
"Renren, saglit lang!"
Nilingon ko si Manager nang tawagin niya ako kaya nahinto ako sa paglalakad. Babae ang manager namin dito sa fastfood restaurant at masasabi ko na mabait siya sa 'ming mga crew niya. Pantay-pantay rin ang trato niya sa 'min, walang lamangan o pataasan.
"Yes po, ma'am?" Tanong ko nang tuluyan siyang nakalapit sa akin.
"Uuwi ka na ba? May sasabihin kasi ako sa 'yo, importante lang." Aniya na ipinagtaka ko.
"Ano po 'yon, ma'am?" Ano kaya iyong importanteng sasabihin niya? Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan. Tatanggalin na kaya niya ako sa trabaho? May mali ba akong nagawa na nakita niya pero hindi ko alam?
"Next week kasi ay may birthday party na magaganap dito. I also heard na kakilala mo 'yung nag-book ng Jollibee Kids Party,"
Naalala ko naman si Shihan. Sila lang naman ang kakilala ko na nag-book ng party rito sa fastfood restaurant para sa birthday celebration ng kapatid niyang si Zihan.
"Ah opo, kakilala ko nga po. Bakit po?"
"Pasensya na hija, ha? Wala na kasi akong ibang malapitan. Nagkasakit kasi si Mico at naka-confine siya ngayon sa hospital. Nag-leave muna siya ng isang linggo kaya walang ibang pwede na mag-mascot kay Jollibee. Pwede ba na ikaw na lang ang mag-mascot? Don't worry, dadagdagan naman iyon sa sahod mo." Pakiusap niya.
Si Kuya Mico, siya talaga ang madalas na nagma-mascot kay Jollibee tuwing may nagpapa-book ng birthday party rito lalo na ang mga bata na may kaarawan at gusto na sa Jollibee mag-celebrate.
Ngumiti naman ako at agad tumango. Dagdag sahod din iyon, tatanggihan ko pa ba? At saka minsan na rin ako nagsuot ng mascot ni Jollibee kaya wala namang problema sa 'kin iyon.
"Sige po, ma'am. No problem po. Nag-mascot naman po ako kay Jollibee noong nakaraang buwan kaya alam ko na po kung ano ang gagawin," walang alinlangan kong pagpayag.
Malawak na napangiti si Manager at mahinang tinapik ang aking braso, "Naku, salamat Renren! Hulog ka talaga ng langit sa akin! O s'ya, babalik na ako sa loob. Mag-ingat ka sa pag-uwi,"
I just nodded my head in response.
Nagpaalam lang ako sa kanya at sa mga kasama ko sa trabaho bago ako lumabas. Ngunit natigilan ako nang makita ko si Zeev na nasa labas.
Nakaupo siya sa Ducati niya na nakaparada lang din sa labas kasama ang ilang mga motor na pagmamay-ari ng mga katrabaho ko.
Kumakain siya ng yumburger kaya hindi niya ako napansin. What the hell is he doing here? Gabi na pero bakit nandito siya? Don't tell me na hinihintay niya ako na matapos hanggang sa mag-out ako sa trabaho?
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...