Renesmee Alvarez's
Malakas at nakakairitang katok ang siyang gumising sa natutulog kong diwa. Naririnig ko na rin sa labas ang ingay na nanggagaling sa boses nina mama at Tita Bobbie. Inaantok kong iminulat ang aking mata at doon ko napansin sa labas ng bintana na umaga na.
Ano ba'ng ingay 'yon?
Bakit parang may nagkakagulo yata?
Mabigat ang aking katawan at tinatamad pa akong bumangon dahil pagod ako kagabi sa part time job ko. Mabuti na lang ay wala akong pasok ngayon sa school. Pero may pasok naman ako sa pinapasukan kong fast food restaurant. Mamaya pa naman iyon.
Mabilis kong kinuha ang cellphone kong nakapatong lang sa bedside table upang i-check kung anong oras na ba.
7.30 a.m pa lang naman, pero bakit ang ingay na yata sa labas? Idagdag pa 'yung malakas na kumakatok sa labas ng pintuan nitong kuwarto ko. Ang sakit sa tainga!
"Ate Renren, gumising ka na!"
Agad na nagkasalubong ang aking kilay nang marinig ko ang pinsan kong si Wayne. He is knocking loudly outside the door of my room. Kulang na lang ay gibain na niya iyong pinto.
"Ate, dalian mo! May riot sa labas!"
Pagkasabi niyon ni Wayne ay mabilis akong napabalikwas ng bangon. May riot?! Bakit may riot? Sino'ng mga nagkakagulo? Iyon ba 'yung naririnig kong ingay sa labas na parang may nagsisigawan?
Parang nawala tuloy ang antok ko. Wala na rin akong inaksayang oras at agad akong lumabas ng kuwarto ko. Bumungad sa akin ang pinsan ko na halatang natataranta na.
"Riot? Bakit may riot?" Tanong ko agad.
Nagkibit-balikat naman siya, "Ewan ko po, Ate eh. Bigla na lang pong sumugod dito sa bahay sina Ate Luz at ang anak niyang si Ate Daisy, ikaw ang hinahanap nila. Mukha nga pong galit na galit si Ate Luz sa iyo eh," kuwento niya.
Mukhang alam ko na kung bakit galit na galit ang mag-inang iyon sa akin at kung bakit sila napasugod dito sa bahay. Hindi na ako muling nagtanong at mabilis akong nagtungo sa ibaba kahit na wala pa akong kahila-hilamos at hindi pa ako nakakapagsuklay ng buhok. Nagtanggal lang ako ng muta para hindi nakakahiya.
Pagkarating ko sa labas ay doon sa 'kin bumungad ang mag-inang 'yon na nakapasok na sa gate namin. Nanggagalaiti na sila habang pilit naman silang pinipigilan nina mama at Tita Bobbie na huwag silang tuluyang makapasok dito sa loob ng aming bahay.
Nagkakagulo masyado at pati ang mga kapitbahay namin ay nakikiusyoso na sa nangyayari. My goodness! Kay aga-aga ay may gulo na namang nangyayari! Rinig ko rin ang pagtatalak ng mag-inang iyon. Nakakahiya na itong ginagawa nila! Nakakarindi na ang mga boses nila.
"Hoy, babaeng kabit! Trespassing na ang ginagawa ninyo, ha! Ipakukulong namin kayo!" Banta ni Tita Bobbie sa kanila.
"Eh 'di ipakulong niyo kami! As if naman na masisindak niyo kami! Ilabas niyo na lang 'yang bwisit mong anak para magkaharapan kami!" Matapang na sagot ni Luz.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION