Renesmee Alvarez's
Ano naman kaya kailangan ng babaeng ito sa 'kin? Nagtataka ko siyang tiningnan bago niya binitiwan ang aking braso.
"Sa tingin mo ba ay palalampasin ko lang 'yong ginawa niyong pagpapahiya ni Shihan sa akin kanina?" May bahid na inis at galit sa tono ng boses niya. Pinag-krus pa niya ang dalawa niyang braso habang ang isa niyang kilay ay nakataas.
I sighed in disbelief.
Umaandar na naman ang pagiging immature ng bruhang nilalang na ito. Kaya siguro hinatak niya ako para komprontahin sa nangyari kanina. Malamang galit siya dahil napahiya siya kanina sa loob ng room. Sa harap pa mismo ng mga kaklase namin at tiyak na ako ang sisisihin niya sa nangyari kanina.
Ganito naman talaga ang ugali niya, kapag nabuwisit siya sa akin o nagalit ay talagang kokomprontahin niya ako para lamang makaganti siya sa 'kin.
Napa-poker face naman ako, "Eh ano ba'ng magagawa mo kung ayaw kang imbitahan ni Shihan sa birthday party ng kapatid niya? Narinig mo naman 'yung sinabi niya kanina, 'di ba? Gusto mo pa ba na ulitin ko iyon?" Mahinahon ngunit nabo-bored kong sagot sa kanya.
Warfreak pa naman siya.
Pero wala akong time na patulan ang babaeng ito. We are still here outside our school, nasa tapat lang namin ang school gate at ayoko ng gulo. I'm tired of her being immature. Gusto niya kasi na siya lagi ang magaling. Bida-bida pa naman ang Daisy na ito.
Lumukot ang itsura ng mukha niya, "You!" She shouted and I knew she was annoyed.
Ramdam ko rin na galit na galit siya sa akin. Dinuro pa niya ako. Napaigik naman ako sa sakit nang malakas niyang tinulak ang balikat ko. Oh gosh, umaatake na naman ang pagiging warfreak ng babaeng ito!
Siya pa naman iyong tipo ng babae na mahilig sa away. She's a spoiled brat, and whatever she wants, she can get it. But she won't get everything, not everything. Sadyang ayaw lang niya na sinasapawan siya sa lahat ng bagay.
Ayaw rin niya na maging masaya ang mga taong nasa paligid niya. Inggitera siya. And I feel like throwing up because of the toxic attitude she has.
Kaya siguro naisipan ng nanay niya na patulan at maging kabit dahil si papa ay may magandang trabaho sa Dubai. Isang healthcare worker si papa roon, physical therapist kumbaga. Subalit wala na akong pakialam sa kanila. Magsama sila, pagbuhulin ko pa sila.
"Lumalakas na talaga ang loob mo, ano?" Aniya at taas-noo niya akong tiningnan.
"Tumatapang ka na ngayon. Bakit? Sino ba'ng pinagmamalaki mo? Si Shihan? Eh pinagtitiisan ka lang naman niya na maging kaibigan dahil pareho kayong lonely at walang friends!" Asik niya.
"Ni hindi ko nga alam kung bakit naisipan ni Shihan na makipagkaibigan sa iyo samantalang pwede naman niya na kami ang maging kaibigan niya," dugtong niyang sabi kaya mapakla akong natawa.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
Ficción GeneralIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM UNDER REVISION