29

5.9K 425 111
                                    

R E N E S M E E ' S

"Nasaan po si mama at kuya?"

'Yon agad ang una kong tinanong kay Tita Bobbie nang makababa ako sa hagdanan. Nasa sala siya at nagtutupi ng mga damit. Tanghali na rin ako nagising dahil iniisip ko ang mga napag-usapan namin ni Kuya Kylier kagabi.

"Nasa palengke ang mama mo ngayon, nagtitinda. Si Kuya Kylier mo ay may inasikaso lang saglit. Alam mo na, tungkol sa titulo ng bahay at lupa. Para mabawi natin 'yon kay bruhang Luz!" sagot niya.

"Eh sino po ang kasama ni mama na magtinda sa palengke? Hindi ba't tinutulungan mo po siya roon?" I asked.

Nandito kasi siya sa bahay, pati na rin ang mga bata. Madalas ay nasa palengke rin siya para tulungan si mama.

"May kasama naman ang mama mo magtinda roon."

Nangunot ang noo ko. "Sino po?"

"Sina Zeev."

Nanlaki ang aking mata sa gulat. Sina Zeev?

"Sina? Ibig sabihin ay may kasama si Zeev?"

Tinanguan ako ni Tita Bobbie dahil ang atensyon niya ay nasa pagtutupi ng mga damit.

"Dumating siya kaninang umaga. Natutulog ka pa kaya hindi ka na namin ginising dahil ayaw raw niya abalahin at istorbohin ang tulog ng soon-to-be misis niya," kinikilig niyang sabi kaya napamaang na lang ako.

"May dala pa nga siyang bouquet of flowers at isang basket ng mga prutas. Hindi mo ba 'yon nakita sa kuwarto mo? Mismong si Zeev ang nagdala niyon sa kuwarto mo kanina."

Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bouquet of flowers? Iyon ba 'yong nakita ko na nakapatong sa study table ko? Kaya pala nagtataka ako kung kanino galing iyon.

"Hinayaan niyo na pumasok si Zeev sa kuwarto ko habang tulog ako?!" Medyo napalakas ang boses ko. Nakakahiya! Paano kung nakita niya na nakanganga ako habang tulog? O 'di kaya'y may laway sa gilid ng labi ko? Sheesh! That's embarrassing!

"Kaya pala panay ang tawa niya nang makalabas siya sa kuwarto mo," ani Tita Bobbie sabay tawa kaya napairap ako.

"At isa pa, kilala mo rin ang mama mo. Gusto niya na makabenta siya nang marami bago sumapit ang hapon, kaya isinama na niya sina Zeev dahil malakas ang bentahan kapag sila ang nasa palengke," dagdag niya.

Napasuklay na lang ako sa buhok ko.

"Pero sino po 'yung mga kasama niya?" pagtatanong ko pa.

"Mga kaibigan niya. Ang po-pogi nga rin, eh! Pang-artistahin ang mga itsura!" Nakita ko sa kanya ang kilig at ang malawak niyang ngiti.

Hindi na ulit ako nagtanong pa. Tinawag pa niya ako pero agad na akong lumabas ng bahay. Pumara agad ako ng tricycle at pinuntahan sila sa palengke. Pagkarating ko ay nagbayad lang ako kay manong bago ako dali-dali na nagtungo sa loob ng palengke.

Subalit gumuhit ang pagtataka sa aking mukha nang may mapansin ako. Bakit may mga pinipilahan 'yung mga tao? Mahaba ang pila, bukod pa roon ay puro mga babae at binabae ang mga nakapila. Ano'ng meron?

Dumiretso na ako sa tindahan ni mama, pero habang naglalakad ako papunta roon ay doon din papunta ang pila, hanggang sa nakita ko na rin sa wakas ang pinipilahan nila. Ang tindahan ni mama at laglag ang aking panga nang makita kong si Zeev ang nagtitinda. Pero mas napamaang ako dahil kasama niya ang mga kaibigan niya! Totoo nga ang sinasabi ni Tita Bobbie, hindi siya nagbibiro.

Napamura na lang ako sa isipan ko.

"What the heck?" bulalas ko nang lapitan ko sila.

"Ikaw pala, love!" nakangiting salita ni Zeev nang makita niya ako.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon