Renesmee Alvarez's
Pinagmasdan kong maigi si Zeev, ilang saglit siyang hindi nakaimik. Halata ko naman sa kanya na ayaw niyang i-open ang topic tungkol sa kanyang ina. Masyado siguro iyon sensitibo sa kanya kaya bakit ba ako nagtatanong?
Siguro ay sariwa pa rin ang sugat sa puso niya at hindi pa ito tuluyang naghihilom kaya masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng Mommy niya. She is gone, kaya masakit sa kanya kapag naaalala niya ang kanyang ina.
I sighed. "It's okay kung ayaw mong sabihin, naiintindihan ko." I said and smiled at him sparingly.
Mahina ko lang ding pinisil ang kamay niya dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang aking kamay at ayaw niya itong bitiwan.
"Wala na siya, Ren." His voice was full of sadness and pain. "She took her own life when I was 10,"
Nawindang ako sa sinabi niya. Parang ayaw n'on mag-process sa utak ko. Oo, alam kong wala na ang kanyang ina dahil nabanggit 'yon sa 'kin ni Lola Florissa. Pero wala akong alam na dahil doon kaya wala na ang kanyang ina. She took her own life? Bakit naman? Sa ano'ng dahilan?
Hindi ko tuloy magawang makapagsalita dahil talagang nabigla ako. Kaya pala parang ayaw ni Zeev na buksan ang topic tungkol sa Mommy niya, na ayaw niyang pag-usapan iyon dahil masyado itong sensitibo.
"Alam mo ba na naaalala ko ang Mommy ko sa iyo? Not because you look like her or you look like an old mother," aniya kaya napataas ang isa kong kilay.
He laughed softly when he saw my reaction. Magaan niya pang kinantilan ng halik ang likod ng palad ko bago siya muling sumeryoso.
"You and my mom are the same lalo na sa pagtatrabaho niyo. Naaalala ko siya sa iyo dahil pareho rin kayong work harder," turan niya at bumuntong-hininga.
"Bata palang ako nang hindi na magkasundo ang magulang ko. Lagi silang nagtatalo. Dad is busy with his work. Workaholic kasi talaga siya kaya kahit nasa bahay na siya ay panay pa rin trabaho ang nasa isip niya," panimula niyang pagkukwento.
Kaya naman nanahimik lang ako rito at pinakinggan siya. Nag-open up na siya, so I want to hear everything about his parents. Gusto ko na mas makilala ko ang isang Zeev Calem.
"Until my mother caught that Dad had a mistress. His mistress was in his car and Mom saw them together. 'Yon talaga ang madalas nilang pag-awayan dahil maraming nakakarating na balita kay Mommy na may babae raw si Dad. Dad denies my Mom's accusation against him kahit pa na nahuli na siya sa akto ni Mom. Sinasabi niya na hindi niya 'yon babae at katrabaho lang daw niya iyon," patuloy niya.
"They decided to have a break for a while. Palagi na lang kasi silang nag-aaway at baka pisikal pa silang magkasakitan, and that's what they don't want to happen. Ayaw rin nila na maapektuhan ang mental health ko dahil bata palang ako that time,"
Malalim siyang bumuntong-hininga.
"Dad says that Mommy is lying and just hallucinating kaya niya sinasabi na may mistress si Dad. Walang naniwala kay Mommy, even my grandparents dahil wala namang hawak na ebidensya si Mom na magpapatunay na may babae ang walanghiya kong ama,"
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...