40

7.1K 442 50
                                    

RENESMEE'S

"Saan ba kasi talaga tayong dalawa pupunta?" tanong ko, halos magdikit na ang dalawa kong kilay. Hawak ni Zeev ang aking kamay at wala akong ideya kung saan ba niya ako dadalhin.

Nakangiti lang siya habang nagmamaneho. Gamit kasi namin ang sasakyan ng lolo't lola niya.

"Basta, magtiwala ka lang sa akin," sagot niya at masayang hinalikan ang likod ng aking palad.

Hindi pa nga ako nakaka-get over doon sa ginawa ni Lola Florissa, na ako ang ginawa niyang tagapagmana.

Wala rin akong narinig na reklamo kay Zeev, masaya pa nga siya na sa akin ipinamana ng grandparents niya lahat ng ari-arian nila.

Nagkaroon lang ng maikling diskusyon dahil panay ang tanong ni Mrs. Elodie kay lola, na kung bakit sa akin ipinamana lahat imbis na sa dalawa niyang anak.

Meron namang matatanggap sina Archer, ngunit hindi gano'n kalaki. Ang Daddy naman ni Zeev ay hindi nagreklamo, tinanggap na lang niya kung ano ang desisyon ng magulang niya.

Hindi ko rin sana tatanggapin iyon dahil wala akong alam sa paghawak o pamamalakad sa mga negosyo nila, pero pinilit ako nina lola. Kahit ano'ng tanggi ko, sa huli ay ako pa rin ang ginawang tagapagmana nina Lola Florissa.

Napapayag nila ako kaya may pinirmahan lang ako para magkaroon ako ng legal inheritance rights. Kasama ko sa pinirmahan kong document si Zeev bilang witness at para siya ang tutulong sa akin na i-manage lahat ng mga ari-arian na ipinamana sa akin ng grandparents niya, lalo na ang kanilang negosyo.

Hindi ko lubos akalain na malaki na ang binibigay na tiwala nina Lola Florissa sa akin para ako ang gawin nilang tagapagmana, pero hindi ko sasayangin o sisirain ang tiwala nila sa akin.

Hindi na ako ulit nagtanong pa kay Zeev. Hinintay ko na lang na makarating kami sa kung saan man niya ako dadalhin. Lumipas ang ilang minuto ay saka ko napansin na nasa memorial park na kami. Hininto niya ang kotse bago kaming dalawa na bumaba sa sasakyan.

"Let's visit my Mom, 'cause I want to introduce you to her, " nakangiti niyang sabi.

Kinuha niya ang mga binili niyang bulaklak kanina sa dinaanan naming flower shop. Binitbit ko naman ang tatlong kandila bago ako sumunod sa kanya. Malawak ang memorial park na ito, maaliwalas, tahimik at higit sa lahat ay mahangin dahil sa mga puno.

Tinagal nang ilang minuto ang paglalakad namin bago kami huminto sa tapat ng isang puntod. Nilapag ni Zeev ang mga bulaklak sa gilid ng lapida bago kaming dalawa nagtirik ng kandila.

In loving memory of Agnes Calem.

That's his mom's name.

Nakalagay rin doon ang araw ng kanyang kapanganakan, pati ang kanyang kamatayan. Nang matapos naming sindihan ang kandila ay saka kami magkatabi na tumayo ni Zeev sa tapat ng puntod ng Mommy niya.

"Mom, si Renesmee nga po pala. My love and my most gorgeous wife," salita ni Zeev na nagpangiti sa akin dahil sa kilig.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin pero nakangiti kong binati ang puntod ng kanyang ina habang nakatingin sa litrato na nakadikit sa kanyang lapida. Maganda ang kanyang ina, sobrang ganda rin ng ngiti niya.

Pagkatapos n'on ay bigla na lamang humangin. Maybe that was a sign na wini-welcome niya ako, o siguro pagbati rin niya pabalik sa 'kin. Masaya ako na sa wakas ay na-meet ko na rin ang Mommy niya kahit sa puntod lang niya.

"May pinangako ako noon kay Mom," wika ni Zeev kaya sa kanya nabaling ang aking tingin.

"Pinangako na ano?"

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon