36

7.2K 420 60
                                    

RENESMEE ALVAREZ'S

Ingay galing sa tilaok ng mga manok, pati na rin ang ingay ng mga tao sa labas ang naging dahilan para magising ang diwa ko. Maliwanag na rin sa labas ng bintana nang imulat ko ang aking mga mata.

Tiningnan ko naman agad ang orasan para alamin kung anong oras na ba. Nagulat na lang ako nang makita kong alas onse na. Tanghali na? Napasarap ang tulog ko? O dahil 'yon sa pagod dulot ng ginawa namin ni Zeev kagabi?

Bigla kong naalala si Zeev. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid, pero wala siya. Ako na lang mag-isa ang nakahiga sa katre, at tanging kumot lang ang nagsisilbing takip sa hubad kong katawan. Wala rin ang aso kong si Bibim. Siguro'y nasa labas na silang lahat?

Naupo ako sa kama, ngunit umaray ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking pagkababae. Mahapdi rin 'yon. Sasakit talaga ito dahil birhen ako nang angkinin ako ni Zeev kagabi. Wala rin akong pinagsisisihan dahil sa pagsuko ko sa aking Bataan. Ginusto ko 'yon, dapat ko lang panindigan iyon.

Tumayo na ako at nagbihis. Inayos ko lang din ang kama bago ako lumabas ng kuwarto na paika-ika na para bang napilayan. Wala akong naabutan sa sala dahil lahat sila ay nasa labas. Mula rito ay rinig na rinig ko ang mga boses nila.

Dumiretso ako sa banyo, naghilamos lang ako at nagsipilyo. Nang matapos ay saka ako lumabas ng bahay. Naabutan ko silang lahat na nasa bakuran. Abala sina mama sa pagluluto. Nakakatuwa dahil ang gaan sa pakiramdam na makita kong magkakasama kaming lahat dito. Nagtutulungan sa pagluluto, masaya, at sariwa pa ang hangin.

"O, gising na pala ang may birthday!" nakangiting bulalas ni Sua. Lahat sila ay agad na tumingin sa akin at masaya akong binati.

"Happy birthday," bati ni Kuya Kylier bago niya ako halikan sa aking noo.

"Thanks, kuya," sagot ko at ngumiti.

"Si Zeev po pala?" tanong ko dahil napansin ko na siya lang ang wala.

"Inutusan ko muna saglit, pinakuha ko ng mga itlog doon sa bahay nina Dylan," sagot niya.

"Kuya Kylier! Ate Renesmee!" sigaw ni Wayne. Patakbo rin siyang lumapit sa amin.

"O bakit ka sumisigaw?" nakakunot-noong tanong ni kuya sa kanya.

"Eh si Kuya Zeev po eh, nakikipagsabong sa mga manok," aniya sabay kamot sa kanyang ulo kaya nagsalubong ang kilay ko.

Nakikipagsabong? Sa curious ko ay nagpasama ako kay Wayne para puntahan si Zeev. Medyo hirap pa ako sa paglalakad dahil mahapdi at kumikirot ang aking hiyas. Sa kabilang bahay lang naman ang bahay nina Sua at Dylan kaya nakarating din kami agad.

Nagtungo kami sa likod ng bahay dahil nandoon ang mga alagang manok ni Tito Bal. Papalapit pa lang ako ay rinig ko na ang boses ni Zeev na nakikipagtalo.

"Sige, lumapit kayo! Katay ang aabutin ninyo! Napag-utusan lang naman ako!"

Nakita ko siya na may hawak ng walis tingting, at nakatutok iyon sa mga manok na animo'y handa na siya sa away. Sa kabilang kamay naman niya ay hawak niya ang isang tray ng mga itlog.

"Zeev," tawag ko sa kanya.

Agad siyang tumingin sa akin. Umaliwalas ang gwapo niyang mukha nang makita niya ako. Para siyang nakakita ng taong magliligtas sa kanya.

"Love, buti dumating ka," he said before he let out a sigh of relief.

"Inaaway ako nitong mga manok, eh inutusan lang naman ako ni Kylier na kumuha ng itlog," pagsusumbong niya.

Pinigilan kong huwag tumawa dahil sa itsura niya.

"Eh ano pa ang hinihintay mo? Tara na,"

"I can't, love." Umiling-iling siya.

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon