R E N E S M E E ' S
I still can't believe he's here. Ngayon ko lang ulit nakita si papa mula nang maghiwalay sila ni mama. After naming mananghalian ay agad kaming nagtungo sa sala para mag-usap tungkol sa titulo ng bahay at lupa.
Si Zeev ay nasa labas kasama ang mga bata, pati na rin ang dalawa kong alagang aso. Usapang pamilya raw kasi namin ito kaya wala siyang karapatan na sumali. He gave us privacy to talk about important things, kaya pinili na lang niyang bantayan ang mga bata sa labas ng bahay.
"Please, bumalik na kayo sa bahay natin."
Na ibaling ko ang tingin ko kay papa nang magsalita siya. Nakikiusap siya na bumalik na kami sa bahay namin, pero si mama ang may ayaw. Kahit ano'ng pilit namin ay ayaw na niyang bumalik doon.
"Paano naman kami babalik doon, eh epal 'yang kabit mo?" masungit na turan ni Tita Bobbie.
Naka-krus ang kanyang braso habang ang kilay ay nakataas na. Alam ko na mainit ang ulo niya kay papa. Ayoko rin namang sabayan ang init ng ulo niya kaya mas pinili ko na lang na manahimik at makinig.
"Kahit ano pa ang pilit mo, hindi na kami babalik sa bahay na 'yon. Mas okay na kami rito, tahimik at malayo sa babae mo," sagot naman ni mama.
Napairap si Tita Bobbie. "Ano ka ba naman, sis! Babalik tayo roon. Hahayaan mo lang ba makuha ng higad na 'yon ang bahay at lupa? Kahit hiwalay na kayo nitong manloloko mong ex-husband, may karapatan ka pa rin, lalo na itong mga junakis mo. Huwag ka ngang magpatalo sa kabit ni Vicente! Kaya ka nagagawang apihin ni Luz dahil hindi ka marunong lumaban."
Tumingin nang masama si mama sa kapatid niya. "Ayoko lang magkaroon ng gulo, Bobbie. Peace of mind ang gusto ko, hindi peace of hell."
"Pwes ako, gusto ko ng gulo. At hindi ko hahayaan na maging masaya ang babaeng 'yon. Sa tingin mo ba deserve ng mga homewrecker na kagaya ni Luz na maging masaya? Dapat sa mga tulad niya, binabawasan para hindi na kumalat ang lahi ng mga malalandi!" aniya at muling umirap.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Kuya Kylier. Hindi ko masisisi kung ganito na lang ang galit ni Tita Bobbie sa babae ni papa. Kapatid niya ang niloko, kaya pinoprotektahan lang niya si mama.
"Bakit po napunta kay Manang Luz 'yung titulo ng bahay at lupa? Ibinigay niyo ba 'yon sa kanya?" pagtatanong ni kuya kay papa.
"Pwede po namin siyang kasuhan sa ginawa niya. Wala siyang karapatan na palayasin kami. Kung hindi ko lang iniisip ang kagustuhan ni mama ay baka kinasuhan ko na ang babae mo," salita ko naman habang walang emosyon akong nakatingin kay papa.
"Siya pa itong malakas ang loob na kakasuhan kami kapag hindi kami umalis sa bahay na 'yon! Palibhasa ay may kapit siya sa baranggay kaya malakas ang loob niya!" pagalit na saad ni Tita Bobbie.
Huminga nang malalim si papa.
"Hindi ko sa kanya ibinigay ang titulo ng bahay at lupa. Ipinatago ko lang sa kanya 'yon. Pero ang bahay na 'yon ay para talaga sa inyo. Pinagawa ko 'yon para sa inyo. Hindi ko akalain na gagamitin ni Luz 'yon para palayasin kayo..." mahinahong salita ni papa.
"Alam ko na may pagkakamali ako na nagawa sa inyo, lalo na sa mga bata. Pero walang karapatan si Luz na paalisin kayo sa bahay natin. Pinatayo ko 'yon para sa inyo," dagdag niya pa.
"Ay, kailan pa nagkaroon ng karapatan ang kabit? Pagsabihan mo kasi 'yang kabit mong may sayad na mahilig mangialam," turan ni tita habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
Kaunti na lang ay baka ma-high blood na siya kaya pinakalma namin siya ni kuya.
"Paano mo pala nalaman na pinalayas kami ni Luz? Sinabi ba niya sa 'yo?" May pagtataka sa tono ng boses ni mama.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOY
General FictionIDLE DESIRE 9: ZEEV CALEM He is the hottest and most gorgeous man she has ever seen in her entire life. She was 18 years old when she saw him for the first time, and she admits that he was a fine-looking young man. Ngunit dahil sa kalasingan ay munt...