28

6.9K 468 87
                                    

Renesmee Alvarez's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Renesmee Alvarez's

Takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nagsisimula na rin akong hindi mapakali. I'm still constantly looking outside our house, hinihintay na matapos ang pag-uusap ni Kuya Kylier at Zeev.

Wala rin naman kahit isa sa amin ang nag-e-expect na uuwi ng bansa si Kuya Kylier. Hindi man lang siya nagsabi na uuwi siya, eh 'di sana sinundo namin siya sa Airport.

Nagpaliwanag din naman agad si kuya kung paano niya kami nahanap dahil nga wala na kami sa dati naming bahay.

'Yon pala ay nagtanong-tanong siya hanggang sa may nakapagsabi at nakapagturo sa kanya kung saan kami kasalukuyan na naninirahan ngayon.

"Ano ka ba, Renren. Maupo ka nga rito sa tabi ko, pati ako ay kinakabahan na rin eh!" utos ni Tita Bobbie sa akin pero hindi ako sumunod.

"Hayaan mo na, kinakabahan lang 'yan. Tiyak na nabigla lang din ang Kuya Kylier niya dahil ikakasal na itong bunso niyang kapatid," sabat ni mama.

"Eh talagang magugulat ang kuya niya. Umuwi siya rito sa bansa tapos malalaman na lang niya na ikakasal na ang kapatid niya," ani Tita Bobbie.

"Mahigpit ba ang kuya ni Renesmee?" pagtatanong ni Lola Florissa sa kanila.

"Hindi naman po mahigpit si Kylier, sadyang protective lang siya pagdating sa bunso niyang kapatid. Lalo na ngayon, bukod sa bata pa si Renesmee ay nag-aaral pa," sagot ni mama sa kanya.

"At saka hindi rin basta-basta naliligawan itong pamangkin ko dahil sa Kuya Kylier niya. Gusto kasi niya ay dumaan muna lahat ng manliligaw ng kapatid niya sa kanya," pagkukuwento naman ni Tita Bobbie.

"Mukhang masusubok yata ang apo ko ngayon," Lola Florissa giggled softly.

"Bakit parang hindi po kayo nababahala, lola? Paano kung pahirapan po muna ni Kuya Kylier si Zeev bago siya pumayag sa kasal namin?" kabado kong katanungan sa kanya.

"Ano ka ba, hija. Mas maganda nga 'yon, 'yung masubok ng Kuya Kylier mo ang apo ko. Alam mo na, pahirapan niya muna." aniya.

"Sabagay, doon mo naman kasi malalaman kung hanggang saan kakayanin ng lalaki ang lahat ng pagsubok, makamit lang niya ang puso ng minamahal niya," pagsang-ayon ni Tita Bobbie.

Tumawa pa sila ng mahina dahil sa pinaghalong excitement at kilig habang ako ay napailing-iling na lang ng ulo.

Hindi na lang din ako ulit nagsalita pa. Hinintay na lang namin sina Kuya Kylier at Zeev dito sa sala habang ang mga bata ay naglalaro sa lapag ng mga laruan nilang luto-lutuan at kotse-kotsehan.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa wakas ay natapos na rin silang mag-usap. Bumalik na rin silang dalawa dito sa loob ng bahay. Hindi ko mabasa ang nasa isip nilang dalawa ngayon ngunit ang seryoso ng mukha nila.

"Kumusta ang pag-uusap ninyo?" lakas-loob na tanong ni mama sa kanila.

Kuya Kylier sighed and smiled sparingly. "It's fine, we just talked about some important things, especially about Renesmee."

IDLE DESIRE 9: MARRYING MR. PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon